#5 T-A-N-O-N-G

248 8 0
                                    


Tila di maubos ang tanong sa isip
Tanong kung ako ba ay minsan mo ring inisip
Inisip na minsay makita at makasama
O kayay makausap at kahit sandaliy mayakap

Ano bang dapat gawin, anong dapat sabihin?
Sa iyo na tila ba kanta ni vice na "manhid ka"
Lahat na ginawa na para bang walang hiya
Nag send ng message sa chat ngunit 'wa epek' yata

Ngayoy nalilito,naiinis na ako
Bakit ba ang manhid m0? Yan ang tanong ko
Na may halong galit, napipikon na ako
Ngunit sino nga ba naman ako para magtampo?

0o taon na ang nakalilipas
Ngunit paghanga ko sayoy di parin kumukupas
Naghanap ng iba ngunit walang makita
Bakit ba ang first love ko ay naging ikaw pa?

Ngayoy ang daming tanong na hindi masagot
Ngayoy taken kana at nakakalungkot
Minsay hiling ko na sana ito ay bangungot
Upang ang pag asa ko ay di na sumulpot

Ganito, ganoon, ganyan gawin mo
Mga tao sa paligid koy ganyan ang payo
Dahil wala ng pag asang magkaroon ng 'TAYO'
Tayo?Tayo? Oo na alam ko namang hanggang tanong lang ako.....😴




__M'm3__

POETRY COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon