36. Book/Notebook__Cellphone/Facebook

50 1 0
                                    

Pagmulat ng mata, cellphone ang nakita
'Di pa naghihilamos agad nagselfie na
Thousand likes, hundred chatmates
Oy! Maglinis ka muna wala kayong maids!

Magmula alas syete hanggang alas dose
Notebook mong itinago, cellphone ang katabi
Chat dito, post dito, like at comment dito
Heart 💓 reaction sa dp mo, sad ang reaction ng books mo

Mabuti pa 'yong post nila, kahit mahaba'y binabasa
Aklat mo namang nakaharang 'di mo pa Makita
Galing bess! Password mong kay haba tandang tanda mo pa
Eh 'yong formula sa math limot mo na yata?

Kung magreply sa chat tila kidlat sa bilis
Ngunit tila isang pagong no'ng utusan maglinis
Ika'y naiinis Kung signal ay mabagal
Eh kamusta naman Bess 'pag wifi  na Ang tinanggal?

Kaydami naman Ng ini-stalk mo sa Facebook
Try mo Rin kayang mag-look Ng lesson mo sa notebook
Ang Sabi mo pa, "5 likes comment down"
Eh no'ng nagdiscuss nga si teacher, di ka man Lang nag jot down

Wow! Cellphone mong kay gara, bago pati cover
Ngunit book mo hanggang ngayon ay Wala pa ring cover
'Di naman masama mag cellphone at Facebook
Just give a little time to open your books and notebooks

Inaalay ko sa inyo Ang munting tulang ito
Kaya Bess 'wag magalit Kung matamaan ka man dito
'Coz this is just based on my observations and
I just wanna give you a very little lesson

_mM_

POETRY COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon