30. Ang Crush kong Mapanakit

75 1 0
                                    

Kay daling magsulat ngunit Kay hirap mag isip
Lalo na Kung ika'y Wala sa mood, walang maisip na topic
Nasa aking kamay na ang panulat
Ngunit teka, ano nga ba Ang aking isisiwalat?

May kaklase ako, katabi sa upuan
Aking kadaldalan at minsa'y kakopyahan
Masaya kasama sapagkat Hindi mayabang
Hindi katulad ng iba kaya't  aking nagustuhan

Ah ayon!  Naisip ko na! Akin ng naalala
Mabuti nalang muli Kong nabasa Ang mensahe ko sayong ipinadala
Mensaheng nabulok na ata dahil wala ka man lang na-seen ni Isa
Ah! Nakalimutan ko, inboxzoner ka nga pala

Kaya Eto na, sasabihin ko nalang sa'yo Ang laman ng mensahe ko
Kasi kahit na iyo pang basahin ay   tila magsasayang ka lang ng minuto
'Hi! Kamusta?' 'yan lang 'yon. Haha! Kay iksi noh?
Ngunit Alam mo bang bago ko isend 'yan ay inabot ako NG minuto?

Chineck ko Ang spelling maging ang aking punctuation
Dal'wang Salita  lamang ngunit ba't Kay hirap itanong
Kamay ko'y nanginginig Kasi ng itype ko iyon
Ngunit nakatatawa at nakalulungkot na mensahe ko'y na-inboxzone

Ngunit okay lang, crush pa rin naman kita kahit na ika'y mapanakit
Kahit na ang project ko no'n ay iyong nilait
Pinagtawanan mo pa at sinabihan ng pangit
Ngunit okay lang, kahit minsa'y Ang sarap dukutin ng mata mong singkit

Abril iyon at napagtripan ko ring makiuso
Sa April fool's day kuno nila, kaya ika'y chinat ko
Ako'y kinakabahan habang mensahe sayo'y tina-type ko
'Hi! Crush, I like you!' Yan lang laman nito

Isinend ko iyon habang kamay ko'y nanginginig
Ako'y sobrang kinabahan, kamay ko'y nanlalamig
At bigla akong napatayo ng ma-seen mo iyon
Nagreply ka pa ng 'hehe' kaya't ako'y napatalon!

Bigla akong napahiyaw, tila dinig ng kapitbahay
Kinagalitan pa ako ng kuya ko kasi natutulog daw pala si nanay
Pero shet! Hindi ko talaga mapigilan na ako'y mapangiti
Ang saya SA labi ko'y tila hindi mapawi

Ngunit agad Kong isinend Ang katagang 'happy April fool's day'
Para Naman Hindi masyadong halata na ako'y inlabey🤣
Na-seen mo iyon kaya't naghintay ako ng minuto
Nagbabakasakaling ika'y magreply ngunit ako ay bigo

Hindi nagtagal ay lagi na tayong nag uusap
Hindi ka na seener o inboxzoner Kaya medyo nakakagulat🤣
Sobrang saya ko no'ng makachat ka Alam mo ba?
Kasi Yung imagination ko ay tila dream come true na🤣

At isang araw ng biyernes, pumasok ako sa ating classroom
Ngunit ako'y nagtaka dahil walang tao ro'n
Kaya chineck ko Ang aking schedule at math class dapat natin 'yon
Lalabas na Sana ako ngunit sa gulat ay muntik na akong mapatalon

Kaklase nati'y may hawak na rosas at isa isa nilang inabot sa'kin
Habang ika'y may hawak na gitara at nakangiti't sa'kin nakatingin
Maya maya ika'y kumanta kaya't lahat ay napahiyaw
At ng sandaling iyon, SA kilig ay gusto Kong sumigaw

Ng matapos ka sa pagkanta, ika'y lumapit sa'kin
At Ang bawat isa'y sati'n lamang nakatingin
Ngunit sa paligid tila wala kang pakialam
Ng ako'y tinanong mo Kung pwede mo ba akong ligawan

Tila ako'y nabingi, sa lakas  ng pintig nitong aking puso
Ng pumayag ako'y napa 'yes' ka na tila ba ika'y nanalo sa lotto
Manliligaw ka palang ngunit sobrang saya ko na
Ngunit Ang salitang dream come true ay akala lang pala...

Dahil bigla no'ng dumating si Kim ang babaeng minsan mong nabanggit sa'kin
Ng tayo'y nagkwentuhan no'n habang tayo'y kumakain
Ako'y natigilan ng  niyakap mo siya at sinabing
"Nagawa ko na ang sinasabi mo, Kim. Does it mean tayo na?"

Kinuha mo Ang nga rosas sa kamay ko at Kay Kim iyo'y inabot mo
Lumuhod ka sa harap nya at sya'y tinanong mo
Kung maari mo ba syang maging girlfriend at ang sagot nya'y 'OO'
May Kung anong kumirot sa didibd ko at 'di ko napansing luha ko na pala'y tumutulo

Tumakbo ako no'n palayo kasi tapos na rin ang palabas
Luha ko'y patuloy sa pagtulo sapagkat Ang pangit ng wakas!
Tila isa itong break-up dahil sobrang sakit
Puso ko'y tila sinasakal at para bang pinupunit

'Yong pagreply mo sa'kin ng 'hehe',  'yong dahilan ng aking pag ngiti
Maging Ang pag seen mo ng messages ko, Ang pagrereply mo ng emoji
Ang bulaklak na akala ko'y para sa'kin ngunit iyon pala'y para SA iba
Ang tulad na mo na akala ko'y iba, ay manggagamit lang pala

Crush bakit masyado kang mapanakit, Hindi ka nakatutuwa
Ni Hindi ko man lang naisip na ito'y iyong magagawa
'Yong imagination na akala ko'y reality na
Ngunit mali, sapagkat Ang lahat ay palabas lang pala....

Palabas na nakakadala, at para bang kapani paniwala
Tila isa kang scammer at ako Ang biktima
Ng pesteng palabas mo na akala ko'y totoo
Ngunit isang utos lang pala iyon upang ika'y sagutin ng taong gusto mo...

_mMe_

POETRY COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon