74. INA

37 1 0
                                    

𝐈-𝐍-𝐀
𝑏𝑦: 𝚖𝚎𝚊𝚗𝚒𝚎𝙼𝚎

Ilaw Ng tahanan
Ang tawag sa iyo
Nagmulat sa akin
Sa ganda ng mundo

Nagturo sa'kin
Ng ugaling dapat taglayin
Nagsisilbing gabay
Sa daang dapat tahakin

Anuman Ang manyari'y 'di kami iniwan
Kung problema'y dumating kami'y tutulungan
Inilalayo kami sa maling Gawain
Ng magandang bukas aming kamtin

Sa bawat minuto sa bawat araw na dumaraan
Sa bawat problema at pagsubok na ating pinagdadaanan
Ay lagi Kang nand'yan hindi kami iniiwan
Lagi Kang nakaagapay nakahawak sa'ming mga kamay

Sa umaga'y gugising ka at almusal nami'y ihahanda
Naglilinis, naglalaba, SA maghapon ay napapagod ka
Ngunit isang reklamo ay hindi mo nagawa
Pagod ka na ngunit Hindi ka nagpapahinga

Sa pagtatrabaho sige tuloy pa rin
Hirap 'di alintana kahit na pagpawisan ka pa't lumuha
Kaya ma, salamat hindi lang sa pagsilang kundi sa lahat lahat
Lahat Ng sakripisyo at SA lahat Ng iyong hirap

Lahat sa'min ay ibinibigay mo
Lahat Ng bagay ay ginagawa mo
Kahit na nahihirapan Hindi ka sumusuko
Ngunit hindi ko alam luha mo na pala'y tumutulo

Sabi mo pagod ka na
Pero para sa'min ay lalaban ka pa
Lalaban pa kahit hindi mo na Kaya
At SA mundong ito'y gusto mo Ng mawala

Kaya ma, salamat
Na sa piyesa Kong ito, ikaw Ang s'yang pamagat
Bawat titik, bawat salita
Mga katagang ikaw ang pinapaksa

Kaya ang munting tulang Ito ay iniaalay ko sa'yo
Ma, Patawad kung hindi ako perpekto
Patawad kung sa'yo ay sakit lang ako Ng ulo
Patawad kung minsa'y Wala ako sa tabi mo

Patawad kung minsa'y pinipili Kong manatili at makasama Ang kaibigan ko
Patawad kung sa tuwina'y nakasaksak Ang earphone ko Kaya Hindi ko marinig ang mga sinasabi mo
Patawad kung Ang mga utos mo ay sunod mo
Patawad kung sa'yo ay sakit Lang ako Ng ulo

Ngunit salamat ma, dahil hindi mo nagawa Ang sumuko
Salamat dahil patuloy mo pa ring sinasabi Ang katagang "Kaya ko"
Ngunit sa likod Ng salitang "Kaya ko pa"
Ay nando'n Ang katotohanang pagod ka na talaga

Lagi mong pinapakitang masaya ka
At patuloy na itinatago Ang mga patak Ng iyong luha
Tinanong kita at sabi mo "ayos Lang ako" habang nakangiti
At tila puso ko'y sinaksak Ng malaman ko na Isa Lang iyong pagkukunwari

Sobrang sakit na Makita Kang lumuluha
Na tila ba Ang puso ko ay biglang piniga
"Patawad ma" aking nasambit habang ika'y aking yakap
Ngunit salamat, salamat SA pagsusumikap

Sa tulang Ito, hayaan mong batiin kita
Ng HAPPY MOTHER'S DAY, salamat, ma.
Tandaan mo mahal na mahal kita
At sa mundong ito ikaw lang Ang nag iisa💛

POETRY COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon