#11 KABATAAN

238 6 0
                                    


Sa pag gising sa umaga
Hanap mo agad sya(cellphone)
Di pa nag hihilamos
Agad nag selfie na

Hanep ang galeng.
Iba ka din Lodi
Werpa, petmalu
Salitang binago mo

Panay ang patugtog mo
Ng kantang "hayaan mo sila''
Eh yung utos ng nanay mo 
Hahayaan mo nalang ba?

Kapag pinagagalitan
At pinagsasabihan
Hahanapin ang headset
Full volume automatic

Hihingi ng pera 
Kay papa,kay mama
Sa computer shop ang punta
Maglalaro ng dota

Sa loob ng paaralan
Cellphone ang hinahawakan
Earphone sa tenga'y nakasaksak
Uy! Bhess, makinig ka baka ikay bumagsak

Sa mundong puno ng bago
Kung saan naroon tayo
Magulang mo pinakikinggan paba?
O tutok ka sa internet at media?

Sa'ting kabataan
Ang baya'y umaasa
Ngunit sa ganitong gawain
May pag-asa pa ba??

Hindi ko sinasabing 
Lahat ay ganito
Hindi ko lang maiwasan
Na makita ang mga ito

Kaya halina kabataan
Ating baguhin
Ugaling kay ganda
Ipakita natin!

Bayang umaasa 
'Wag nating biguin
Kayat mag aral ng mabuti
Hanggat di pa huli

Mga kabataan na
Pag-asa ng bayan
Sa mundong magulo
Tayo ang babago!


__M'm3_

POETRY COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon