Bakit Siya Pa?
✍️: meanieAkin pa ring iniisip ang nangyari
Naghahanap ng rason kung bakit hindi mo'ko pinili
Na kahit minsan, kahit ilang sandali
Sa'king piling, hindi ka man lang nanatiliDahil ba maganda s'ya,
At may kutis porselana?
Dahil mayaman s'ya,
At may limpak na pera?Bakit?
Dahil ba kilala s'ya
At hinahangaan ng marami?
Dahil ba sa nakakaakit n'yang mata
At ilong na kay ganda?Bakit hindi ako---
Mahal, bakit s'ya pa?
Bakit ang 'TAYO'
Ay biglang nawala?Mahal anong nangyari?
Bakit ka biglang nag-iba at humanap ng iba?
Bakit mo'ko iniwan--ikaw ba'y nagsawa na?
Bakit ngayon saki'y tila wala kang pakialam?
Mahal, bakit mo hinahayaan na ako'y masaktan?Akala ko ba, hindi mo hahayaan na ako'y lumuha
"Walang iwanan", 'yan ang pangako natin di ba?
Ngunit bakit? Bakit s'ya ang 'yong pinili?
Bakit sa tabi ng kambal ko mas pinili mong manatili?