Nakakainis! Hindi ko lubos maisip
Bakit ba kahit na aking ipilit
Ay hindi ko magawa
Ang limutin ka'y hindi ko makayaKahit na paulit ulit kong sabihing 'ayoko na'
Pero heto pa rin ako lihim na minamahal ka
Bakit nga ba? Bakit ba ang hirap mong limutin
Pag ibig sa iba'y hindi kayang isalinAt ngayon, hawak ka na ng iba
Kaya heto ako lihim na lumuluha
Hinihiling na sana...
Sana paggising ko ay limot na kitaSana ang sakit na ito'y 'di ko na madama
Sana ang nararamdaman ko sa iyo'y mawala na
Ang magmahal ng lihim ay mahirap pala talaga
Dahil mananatili ring lihim kapag nasaktan ka