𝐀𝐋𝐀𝐀𝐋𝐀 𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐇𝐀𝐏𝐎𝐍
(𝑝𝑜𝑒𝑚𝐶𝑜𝑙𝑙𝑎𝑏)
-𝐴𝑟𝑎/𝑚𝑒𝑎𝑛𝑖𝑒/𝑦ℎ𝑒𝑙𝑙𝑖𝑒Hindi ko na mabilang
Ang 'yong mga pangako
At hindi na rin aasa pa
Na lahat ng ito'y magkakatotooNagtataka kung bakit
Iyo pang sinambit
Ang mga pangako
Na tila napakoAng iyong kataga
Nanatiling salita
Bakit ba ako'y binigyan ng pag-asa---
Ng isang tulad mong paasa?Naisip ko bigla---
Sana'y 'di na naniwala pa
Kay laki ko bang tanga?
No'ng ako sa iyo'y nagtiwala?Hindi na aasa---
Sa mga pangako mong hindi laang iisa
Hahayaan na lang liparin ng hanging amihan---
Ang pangako mong tila wala nang katuparanIsasama ko na rin 'tong damdamin
Na liparin ng malamig na hangin
Sa mga ulap nakatingala at lumuluha
Nawawalang sarili'y pilit na kinakapaTinatanaw ang kawalan
Habang mga luha'y naguunahan
Dahil pangako mo'y biglang naglaho
Na tayo lang dalawa hanggang sa duloTubig dagat sana'y burahin
Nararamdaman na tila nakasulat sa malawak na buhangin
Hahayaan nang agusin---
Ang sugatang puso't nasasaktang damdaminNagsusumamo't nagmamakaawa
Sana'y tuluyan na ngang makawala
Dahil sa sakit na nararamdaman
Naisip ko ng lahat ay wakasanPighati na aking nararamdaman
Mayroon pa nga bang hangganan?
Patuloy na hinahanap ang sagot
Sa tanong na "bakit di ako makalimot?"Mga pangako mong iniwan
Bakit hindi ko malimutan?
Isang mapaklang ngiti
Ang namutawi sa aking labi.Nakakatawa lang isipin
Na nakaukit pa sa isip ang pangako mo sa'kin
Ngunit ang taong nangako---
Ngayo ay sa iba na may pagtinginSa iba ka na nakatingin
Ngunit bakit ikaw'y pinapangarap ko pa rin?
Ang nararamdaman sa'yo pa'no ba lilimutin?
Ang luhang tumutulo pa'no ba papawiin?Sabi ko'y hindi na'ko aasa pa
Ngunit bakit patuloy pa rin sayong nagpapakatanga
Hindi na ako! Mahal mo'y iba na!
Kaya't patuloy sa pagbuhos itong peste kong luhaUmasa ako
Sa mga pangako mo
Akala ko iba
Ngunit bakit ka nag iba?Nagbago bigla ang 'yong nararamdaman
Sa'kin ay tila wala ka nang pakialam
Mga salita mo'y wala palang katotohanan
Mga pangako mong tila wala nang katuparanNgayo'y pa'no na muling magsisimula?
Gayong ako'y nasanay na nariyan ka
Nasanay akong lagi kang kasama
Sa lamig ng gabi ikaw ang yakap, sintaNgunit ngayo'y ako na lamang mag isa
Kayat pa'no na tutuparin ang pangarap nating dal'wa?
Ibinangon mo nga ako no'ng ako'y nadapa
Ngunit iniwan mo lang rin bigla habang ako'y lumuluhaNais ko ng kumawala
Mahal, pakiusap ako'y pahintulutan
Hayaang makaramdam ng saya
Ako'y pakawalanSa seldang kinalalagyan
At kadena ng kalungkutan
Pakiusap iyo nang kalasin
At ako na'y palayainAko'y nakahanda ng lumimot
Tulad ng mga pangakong nalimot
Puso ko'y nakahanda ng buksan
Ang pintuan ng ating memoryang naging piitanAng tayo na minsang sinop ay wawakasan na
At sana, itong pighati ay mapalitan na ng saya
Sugatang puso at matang patuloy sa pagluha
Ang pagbangon na muli ay kakayanin ko ba?Iyong mga pangako ay nais ko nang burahin
Kasabay ng pagbura sa mga alaala natin---
Na siyang nananatiling nakaukit pa
At hanggang ngayon ay kinakapitan ko paSa bawat pagdampi ng hangin
Sa kawalan ay nakatingin
Hinihiling at dinadalangin
Lahat ng sakit ay tuluyan nang pawiinAt sa pagdaan ng panahon
Ang sariling minsan'y nabaon
Sa wakas ay nakabangon
Sa wakas, mga sugat ay naghilom!Mga ngiti ko'y muli ng masisilayan
Hindi na hahayaang ang puso'y muling masaktan
Hindi na ako muling malulugmok
Hindi na hahayaang ang puso'y muling madudurogSalamat sa iyo
Dahil minsan'y dumating ka sa buhay ko
Ikaw na alaala ng kahapon
Na siya'ng nagsilbing aral ko