𝐏𝐚ngakong 𝐍𝐚𝐩𝐚𝐤𝐨

17 0 0
                                    

𝐏𝐚ngakong 𝐍𝐚𝐩𝐚𝐤𝐨
-meanieMe

𝐏agmamahal na iyong ipinakita
Sa bawat segundo, akin itong nadarama
𝐀nong saya sa tuwing ika'y katabi
Kapiling at kayakap sa malamig na gabi
𝐍giti mong kay hirap lumutin
Sa 'king isipan lagi itong nagniningning
𝐆anda man ay wala ako
Ngunit ipinadama mong sapat na ako sayo
𝐀raw man ay lumipas ngunit
Pag ibig mo'y tila 'di kumukupas
𝐊amay ko'y hawak mo
Sana nga Ito na'y hanggang dulo
𝐎ras man ay lumipas
Sana pag ibig mo'y 'di magwawakas.

𝐍gunit bakit?
Bakit bigla kang nagbago?
𝐀ko'y bigla mong iniwan
Hindi ka na nagparamdam
𝐏inagpalit mo na pala ako
Naglaho na ang mga pangako mo
𝐀kala ko ba ako lang?
Hanggang sa dulo ng walang hanggan?
𝐊ay hirap tanggapin
Masakit pa sa damdamin
Tila 𝐎ras ay biglang huminto
Kasabay ng paglaho ng iyong mga pangako.

Wala na!
Wala na 'yong "tayo"
Kasi nagkaroon na ng "kayo"
Mga pangako mo'y napako na
Dahil iniwan mo na ako't sumama ka sa iba.

POETRY COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon