Sa sandaling ika'y malapit ng dumaan
Ay pilit kong iniiwasan ang bawat mong hakbang
At umaasang akoy di mo tatapakan
Ngunit iyo paring ginawa ng walang pag alinlanganPilitin ko man na ikaw ay iwasan
Ngunit diko magawa dahil walang paraan
Sapagkat ako ay tila isang istatwa na
Paglakad, pagsalita ay di ko magawaHindi mo alam kung ano ang pakiramdam
Hindi mo alam sapagkat di mo naranasan
Hindi mo alam dahil wala kang pakialam
At di mo pansin ano man ang maapakanNgunit ano pa nga ba ang magagawa ko?
Maging paa,kamay, at bibig ay wala ako
Kaya palagi mong nasusunod/nagagawa ang gusto mo
Sapagkat ako lamang ay isang hamak na damo😂