Parang kaylan lang nang tayo'y magkakilala
Parang kailan lang nandidila kapa
Parang kailan lang nangangarap kapa
Na piloto, sundalo o kayay doktor ay mapangasawaNgunit ngayo'y ang dami ng nagbago sayo
Hindi lang itsura kundi pati ugali mo
Kung dati'y tahimik ngayo'y ang ingay
Kung dati'y mabait ngayo'y matarayGanyan talaga ang buhay sa mundo
Walang permanente lahat nagbabago
Ngunit iba ang kaibigan na meron ako
Dahil sila ang kaibigan na hihilingin moMaingay,kalog, at baliw man sila
Ngunit problema'y nalilimot pag sila'y kasama
Sila ang dahilan ng aking Pag iyak at pagtawa
Maging sa drama ng buhay koy karamay silaKapag sa kalsada'y naglalakad ng sabay sabay
Tila matatalo namin boses ng mga tambay
Tawanan,asaran,sigawan,halakhakan
Yan ang nagbibigay kulay sa aming samahanTila isang ginto kung sila'y aking ituring
Kapag ang isa'y may kaaway balak pang sugurin
Nanunukso kapag si crush ay nandyan
at Kanya kanyang "ehem" pag ako'y nilapitanKapag sa room ay may quiz Kanya kanya 'sitsitan'
"Bess anong number 1?" ganyan ang tanungan
Kung minsan pa'y may senyales na gawaan
D. Ang hintuturo,C. Ang nasa gitna B.ang palasingsingan at A ang kalingkinganMarrami nang nangyari sa ilang taon nating pagsasama
Yung mag aaway tayo ngunit maya maya'y bati na
Yung magpaplano na bukas gagala tayo
Ngunit matutupad ito pag sapit ng isang linggoNakamiss lang ang mga bagay nato
Na parang kaylan lang pangalan koy di moPa alam
Ngunit ngayon lahat na yata sa akiy alam mo
Maging mga gusto ko, birthday ko at pati name ng crush koForever man dito sa mundo ay wala
Ngunit 'infinity' ay laging nandyan naman yata
Kaya bess ha? walang iwanan,walang limutan
Sa memories nating kay sarap balikanMemories na kung saan nakilala ko kayo
Kung saan ko ipinakita ang tunay na ako
Memories na nalaman nio ang mga drama ko
Drama na tila ba sa MMK ang tungo..Kaya salamat sa inyo mga mahal kong kaibigan
Dahil palagi kayong andiyan, di nang iiwan
Naging isa sa inspirasyon ko Na pumasok sa paaralan
At makasama sa galaan, tawanan at kabaliwan❤__M'm3__