𝐀𝐊𝐀𝐋𝐀 𝐊𝐎 𝐖𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐖𝐀𝐊𝐀𝐒-c3

26 1 0
                                    

𝐀𝐊𝐀𝐋𝐀 𝐊𝐎 𝐖𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐖𝐀𝐊𝐀𝐒
✍️:𝑚𝑒𝑎𝑛𝑖𝑒/𝑦ℎ𝑒𝑙/𝑎𝑟𝑎

||𝒑𝒐𝒆𝒎 𝒄𝒐𝒍𝒍𝒂𝒃 3||

Ako ba'y hinanap ng iyong puso?
O tila hindi ako sumagi d'yan sa isipan mo?
Puso ba'y nangulila sa aking pagkawala?
O tila kahit pananabik ay wala kang nadama?

Kay raming tanong sa isipan
Maari bang bigyan mo ng kasagutan?
Maari bang sagutin mo ito ng isang kataga?
Maari bang sabihin mo sa'king "Mahal kita" ?

Isang "mahal kita" na ninanais kong madinig mula sa'yo, sinta
Isang "mahal kita" mula sa'yo ay sapat na
Isang mahal kita na papawi sa bigat na aking nadarama
Isang mahal kita na siyang magbibigay lakas sa akin upang kayanin pa

Hagkan ang pusong ikaw lang ang ninanais
Mainit na yakap ang igawad sa pusong nanlalamig
Tuyuin ang mga namamasang talukap ng mata
Mahal--ang tinitibok ng 'yong puso ay ako pa ba?

Ako pa nga ba ang tinitibok ng iyong puso?
Tinatanong pa rin sa'king sarili kahit batid na ang sagot mo
Pasensya na mahal kung ako ay paulit-ulit
Pagkat hanggang ngayon ako'y mahigpit pa ring nakakapit

Mula sa mga pangakong magkasama nating sinambit
Sa pag-aakala na tayo ay hanggang dulo
Na walang mapapagod at walang susuko
Ngunit ngayo'y tila 'di na gustong makasama ang isang tulad ko

Patuloy na kakapit
Kahit lahat ay tila pilit
Kakapitan ang minsang natawag na atin
Ang puso mo na dati ay akin

Mahal ilalaban ko pa ba?
Gayong tila ako na lamang mag isa?
Iniwan mo ako, iniwang lumuluha
Iniwan mo ako, iniwang mag isa

Ang sabi mo ako lang
Ngunit bakit mayroong siya?
Ang sabi ako ang mahal
Ngunit bakit pinili ay siya?

Akala ko laban lang
Akala ko walang sukuan
Akala ko tayo lang
Ngunit lahat ay tila akala lang

Sabi mo hanggang dulo
Ngunit bakit ka huminto?
At sating paglalakad
Kamay ko'y binitawan mo

Kay daya mo naman mahal
Nasaan ka na?
Ang mga pangakong sana'y sa akin tinutupad
Ngunit bakit sa iba na?

Ang mga planong magkasamang binigkas
Tititigan nalang larawang kupas
Na kung saan sa akin kapa sumasaya
Na 'di tulad ngayon, hawak ka na ng iba

Gabi gabi ako'y nakatingala
Tulad ng palagi nating ginagawa
Tinatanong sa mga tala
Kung ano ba ang aking nagawa

Bakit pagmamahal at pangako
Bigla-bigla na lamang naglaho
Bakit akala ko ay walang susuko
Ngunit bakit ang "tayo" ay biglang naglaho?

Hahayaan mo na lang ba na luha ko'y tumulo?
Tuluyan na bang mawawasak itong aking puso?
Wala na bang pagasa?
Wala na bang magagawa?

Tatanggapin na lang ba itong masakit na katotohanan?
Aalisin ka na ba dito sa'king isipan?
Susunugin na ba ang mga larawan?
Mahal, dapat na ba kitang kalimutan?

yhelleine

POETRY COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon