Ika'y nagagalit 'pag may problemang dumarating
Siya Ang laging sinisisi, lagi kang dumadaing
Ngunit 'pag ika'y sagana, hindi mo Siya kilala
Ni Hindi mo maalala at sabihing "SALAMAT po Ama"SA paggising SA Umaga, cellphone Ang unang naaalala
Maging Ang gagawin mamaya at Ang gala ng tropa
Ni hindi makapagpasalamat sa buhay at taglay na biyaya
Ni Hindi man lang masabi Ang katagang "SALAMAT po Ama"Sa maghapong walang ginagawa, nag se-cellphone lang magdamag
Na inabot pa ng hatinggabi, kinabukasa'y puno ng eyebag
Nagsasayang ng ilang oras sa ibat ibang social media
Ngunit bakit Ang magbasa ng Biblia ay Hindi mo magawa?Buhay ng ibang tao ay naikukweto SA kung kani kanino
Eh Kung I-try mo Rin kayang ikwento SA kanila si Kristo
Mayroon sayong dare at Sabi mo pa "challenge accepted"
What if I dare you na tanggapin mo si Kristo, would you also accept it?Nagsusugal ka magdamag, inuuna mo pa Ang baraha at ang sabong
Kaysa makinig ng Salita ng Diyos, na Hindi Naman inaabot ng maghapon
'Pag love at sex Ang topic, ika'y active na active
Ngunit bakit ka inaantok kapag sa Salita ng Diyos nakikinig?Kapatid, oras na para magbago
Panahon na para tanggapin si Kristo dyan SA buhay mo
Makamundong Gawain ay iwasan na, mag iba ka na ng landas
Sapagkat Hindi pa huli Ang lahat, may panahon pa upang ika'y maligtas_mMe_