Salamat sa mga sumuporta
Sa aking mga tula
Maging sa aking mga istorya
At sa lahat Ng aking ginawaHindi n'yo alam
Labis nyo akong napasaya
Hindi sa pagdadrama
Ngunit minsan ako'y napaluluhaNgayon ako'y lilisan
Ngunit ito'y panandalian lamang
Ngunit ako nama'y magbabalik pa
Muling gagawa ng aking mga piyesaMamamahinga lang ako
Hindi ko kayo malilimutan
Ang inyong mga sinabi
Akin 'tong tatandaanSa iyo kaibigan, salamat
Maging sa inyo kapwa ko manunulat
Marahil ito na ang huli kong akda
Ang aking panulat akin na munang ibababaDedicated to all of you! Lovelots 💛
_meanieMe