B-akit ba ako ganito? Bakit buhay ko'y sobrang gulo?
Nakakapanghina! Gusto ko nang mawala at sa mundo'y maglaho
Sa bawat pagmulat ng mata sa umaga, aking nasasabi ako pala'y buhay pa?'
Oo, pagod nakong huminga, sobrang nakasasawaI-nom dito, gala doon, walang panahon sa mga salita Mo
May oras sa barkada ngunit sa araw ng Iyong pahinga ay wala.
Sa kabiguan nakatingin, kabutihan Mo'y di nakikita
Isip at katawan ay puno ng takot, tila palaging balisaN-gunit isang araw, Ikaw ay nagpakita
Ako'y ginising, gumawa Ka ng himala
Mundo ko'y binago Mo, muling ibinangon ako
Sa pagkadarapa, ako'y itinayo MoG-inawa Mong tahanan ang buhay ko, muling nilinis Mo
Ikaw ang nagpalakas at pumawi ng lungkot ko
Inilayo Mo sa peligro, sa ligtas na landas Mo itinuro
Tunay ngang napakabuti Mo, O Diyos, Ikaw lang ang pupurihin koO- Kay buti Mo Panginoon, tunay Kang dapat na parangalan
Sapagkat palagi Kang nandyan, hindi kami iniwan
Nung panahong tinalikuran ako ng lahat, Ikaw lang ang lumapit sakin at yumakap
Sadyang kaysarap sa piling Mo, Lord, totoo Ka magmahal at tapat kahit ako'y di karapat dapat. 😇_M'm3_