𝐊𝐀𝐈𝐋𝐀𝐍 𝐏𝐀?
@𝑚𝑒𝑎𝑛𝑖𝑒𝑀𝑒Habang ako'y nakatingin sa labas ng aming durungawan,
Ay may biglang pumasok dito sa 'king isipan,
Gamit ang aking pluma, akin itong isinulat,
Isang tula na sa isip at puso mo, nawa'y tumatak.Siya ang bituin sa malawak na kalawakan,
Sobrang tagal man na magtago ang buwan,
Balutin man tayo ng nakatatakot na kadiliman—
Patuloy S'yang nagniningning, nagbibigay sa 'tin ng kaliwanagan.Tayo ang halaman, Siya ang tubig,
Ang mga Salita Niya, sa 'tin ay idinidilig,
Siya ang mabuting pastol na sa 'tin ay isinugo,
Siya ang dahilan kung bakit tayo lumalago.Sa buhay man natin ay dumating ang unos,
Malakas na ulan man ay 'di tumigil sa pag buhos,
Nariyan pa rin Siya laging nakaagapay,
Ni hindi Niya hinayaang ang anak Niya'y manamlay.Binigyan Niya tayo ng lakas upang tayo'y 'di magapi ng suntok ng pagsubok,
Presensya Niya'y nararanasan kaya't tayo'y hindi natatakot,
Sapagkat Siya ang Diyos, Diyos na Dakila,
Makapangyarihan at wala nang hihigit sa Kanya.Isa, dal'wa at higit pang salita—
Ay 'di sasapat upang ilarawan Siya,
Sa mundong ito, sa Kanya'y wala nang hihigit pa,
Nawa sa puso natin ay nananahan Siya.Ngunit bakit? Bakit lamang natin Siya naaalala—
Sa tuwing tayo'y sawi at kapag may problema?
Kapag may kailangan at may gusto tayong makuha,
Ay saka lamang tayo tatawag sa Kanya ng "Ama".Ngunit kung tayo'y sagana, hindi natin Siya maalala,
Ni hindi natin kinakausap, hindi natin kilala,
Ni hindi natin masabi ang maiksing salita,
Maiksing salita na "Salamat po, Ama".Magtiwala ka man sa pangako ng nobyo at kaibigan mo,
Ay darating rin ang araw na lolokohin ka ng mga ito,
Kaya sa Diyos ka lamang magtiwala, tapat Siya sa Kanyang pangako;
Anoman ang mangyari, hindi ka mabibigo.Kapatid, nasabi mo na ba sa Kanya
Na Siya'y iyong iniibig?—
Ng mula sa puso,
At hindi lamang sa bibig?Kapatid, kailan ka pa magbabasa?
Nang Salita ng Diyos---ng Bibliya?
Kapag malabo na ba ang 'yong mata?
O kapag tuluyan ka ng hindi makakita?Kailan ka pa pupunta at sasama—
Sa mga gawain sa Kanyang tahanan at magpupuri sa Kanya?
Kapag ba sa banig ka na lang nakahiga?
O kapag ba ikaw ay lumpo na?Kailan pa?
Kailan mo pa Siya tatanggapin?
Kailan pa lalambot ang matigas mong damdamin?
Kailan ka pa magpapasakop sa Ama?
Kailan ka pa hihingi ng tawad at luluhod sa Kanya?Kailan mo pa tatalikuran ang iyong kasalanan?
Kailan mo pa iiwasan ang mga bisyo na 'yan?
Mas pipiliin mo ba ang alak kaysa sa kaligtasan?
Mas pipiliin mo ba ang makamundong gawain kaysa sa buhay na walang hanggan?Kapatid, hindi pa huli.
Sa daang tatahakin, pwede ka pang pumili
Talikuran na ang makamundong gawain
Sarili ay 'wag nating abusuhin, 'wag nating sirain
Sapagkat ang puso ay templo ng Diyos at Siya ay nananahan sa atin.