NASAAN NA SILA?

18 0 0
                                    

NASAAN NA SILA?
✍️meanie

Ano na?
Nasa'n na 'yong kabataang sinasabi ni Rizal na pag asa raw ng bayan?
Bakit hindi ko masumpungan, nag iba na ba sila ng daan?
Landas na dapat tahakin, kanila na bang nalimutan?
Mababago pa ba nila itong mundong puno ng kaguluhan?

Bakit sa social media'y hinahayag ang buong katawan?
Walang saplot o kahit anong tapis man lang
Ang sinabi ni Rizal, inyo na bang nalimutan?
Bakit ang tainga at mata n'yo ay tila tinatakpan?

Bakit narinig ko s'ya, hindi marunong gumalang sa magulang?
Tila tainga'y sarado, ayaw na mapangaralan
Sa telepono nakatutok, wala ng pakialam sa magulang--
Na halos halikan na ang alikabok, mapakain ka lang?

Ito ba?
Ito ba ang sinasabi nila?
Bakit 'yong sinasabi ni Rizal ay hindi ko na makita?
Babalik pa ba sila? May pag asa pa ba?

Sana na nga--
Sana nga'y hindi pa huli.



POETRY COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon