43. Mamamaalam pero hindi Lililisan

41 0 0
                                    


Sa Isa, dalawa, tatlo sisimulan ko na ito
Apat, lima anim, mga salita'y siguradong iyong nanamnamin
Kaya sa Pito at walo ay ihanda mo ang sarili mo
Sapagkat sa siyam at sampo baka luha moy tumulo

Hindi isa hindi rin dalawa kundi ito ay sampu, sampu at higit pa
Higit pa sa sampu ang bagay na sayang nadama
Nakatutuwa sapagkat sa seksyong INNOVATIVE ang daming nabuong ala-ala

Mga karanasang kailanman ay hindi matatawaran
Mga pasaway na kaklase at adviser na laging naririndi
Naririndi sa ating ingay, napapagod ng kasusuway
Ngunit sige tuloy parin, ang ingay nating walang humpay

Hindi malilimutan ang lahat ng ating kapilyuhan at kalokohan
Yung chi-chikahin natin si maam para ang inihanda nyang quiz ay kanyang malimutan
Hindi rin malilimutan ang ka kalse kong laging naabang sa orasan
Na kapag lampas na sa oras si maam, "ha? Ano? 9:35 na?" ganyan ang parinigan

Hindi malilimutan ang minsang naging karanasan
Karanasang mapagalitan, at biglang pag reportin sa harapan
Ang hindi pag review ng pinag aralan ngunit pasado parin nang mag quiz kinabukasan
Sapagkat si friend ay nandyan at si katabi ay madaling suhulan
H
Hindi ko rin yata malilimutan ang ka klaseng calculator yata ang kaibigan
Na sa tuwing Math discussion, sila lang ni maam ang nagkakaintindihan
Pati narin ang ka klaseng laging sumisigaw ng katagang " si maam nandyan na"
Kaya ang gulo gulong silya, sa isang segundo'y biglang umayos ang linya

Minsang umaga nga pagpasok ko dito sa 'king eskwela
Hindi ko man lang alam kung nasan naba ang aking silya
Sapagkat ang silyang dapat ay nasa unahan ay sa likod kona nakita
Maging ang nakadikit na name sa silya ay bigla ring nawala at sa ilalim ng silya ay may isinuksok pang balat ng sitsirya

Mamimiss ko yung ka klaseng nagwawattpad sa isang sulok
At sa kanyanng binabasa'y sobrang tutok na tutok
Pati na rin ang ka klaseng k-pop addict kung tawagin
Na kapag ang oppa nya ay nilait, isang sapak ang dadamhin

Talagang nakalulungkot at nakatatawa
Sapagkat ang paaralang ito'y maya maya'y iiwan na
Tayo na ay lilisan, maghihiwalay at sa isat isay namamaalam
Nakaiinis man ngunit ito ang katotohanan
Ngunit ang seksyon paring itoy hindi ko malilimutan

Hindi ko malilimutan ang mga nabuong samahan
Na kahit ano mang alitan ay maayos paring napaguusapan
Syempre hindi rin malilimutan ang linya ni ms treasurer na "hoy! Piso daw"
Maging ang tagapagpatahimik na P.O na laging sigaw ng sigaw

Mamimiss ko yung mga baklang sa harapay laging nagrarampahan
May pa-swim suit padaw kuno at Q&A na nalalaman
Mga katangahan at kabaliwan ang laman ng kanilang katanungan
Na syang pumupuno ng ingay at tawanan sa silid-aralan

Mga ala-alang sa isipa'y laging magniningning
Maging ang pagkanta ng kaklase mong ang boses ay parang sinasakal na kambing
Ngunit kailanmay hindi nabigo na kami ay patawanin
Maging ang bungi naming kaklase ay nagawa nyang pangitiin

Sa paggawa ng thesis minsan kaming nainis
Ngunit dapat at kailangang gawin sapagkat si maam ay mabangis😂✌
Alas 4:00 matutulog at alas 5:00 ang gising mo
Kaya ang mga eyebags mo mas malusog pa sayo

Habang naglalaba, sumasideline sa pagtype ang bruha
Ng introduction, findings conclusion at recommendation
Gumastos rin ng malaki para lang sa replication
Upang makakuha ng data response comments and suggestions

Nakakastress at nakababaliw man ang mga school's paperworks
Ngunit mas better naman ito kaysa sa relationship nyong di nag work
Tunay ngang masaya ang high school life na sinasabi nila
Sapagkat may inspirasyon ka walang iba kundi si crush na paasa

Sa ilang taong pamamalagi ko sa mumunting paaralang ito
Ay tila ba nakilala ko kung sino nga ba ako
Nahubog ang kakayahan nadagdagan ang kaalaman
Napasabak sa labanan bala ko ay ang itinuro ni sir at maam

Alam kong ilang araw nalang sasambitin na natin ang salitang "paalam"
Bitbit ang kaalaman ,karunungan at kakayahang natuklasan
Iiiwan na ang silya't kaguruan, lilisanin na ang mahal na paaralan
Ngunit ang masayang ala -ala ay mananatili sa pusot isipan

Laging mananatili mga karanasang nagbigay kulay
Hindi maiwawaglit ang karanasang nag bigay buhay
Mga taong nagtulak satin upang abutin ang tagumpay
Mga magulang na syanng laging sumusuporta at gumagabay

Nakalulungkot mang tanggapinang katotohanan, katotohanang tayoy lalayo
At tayoy mamamaalam ngunit isa dalawa tatlo hanggang anim at pito
Pitong salita lamng ang bibitawan ko na kami ay
'Mamamaalam ngunit puso namin ay hindi lilisan'

😘♥💕💚😂

_mM_

POETRY COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon