𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋 𝐊𝐈𝐓𝐀 𝐏𝐄𝐑𝐎 𝐓𝐀𝐌𝐀 𝐍𝐀
@𝚖𝚎𝚊𝚗𝚒𝚎𝙼𝚎Sa bawat pagmulat ng mata sa umaga
Aking pinipigilan ang bumabadyang luha
Sa bawat sandali'y naaalala ka
Ni hindi ka maalis sa isipan, sinta.Mahal kita pero tama na
Tama na ang mahabang panahon akong umasa
Sa mga pangako mong napako na
Sa mga sinabi mong kasinungalingan lang palaMahal kita pero tama na
Tama na ang paniniwala sa'yong mga salita
Sinabi mong mahal mo ako--
Ngunit ang totoo'y kaming dal'wa ay pinagsasabay moMahal kita pero tama na
Tama na ang sakit na iyong ipinadama
Sinamahan mo 'ko no'ng ako'y nag iisa
Ngunit tulad nila, iniwan mo din ako nang biglaMahal kita pero tama na
Tama na 'yong ala alang binuo nating dal'wa
Hahayaan na kitang hawakan ang kamay n'ya
Baka kasi pinagtagpo lang talaga tayo pero hindi itinadhanaMasakit pero tatanggapin ko
Marahil nga ay tama sila
Mahal kita pero malaya kana
Ang iyong kamay ay bibitawan ko na.