...

15 1 0
                                    

Hindi ko alam
Bakit ganito?
Bakit ang ang pisngi ko'y namamasa?
Bakit tumutulo itong aking luha?

Nagmahal lang naman ako
Pero bakit kailangang ganito?
Bakit ang puso'y kailangang mawasak?
Bakit kailangan pang umiyak?

Puso ko'y humihiyaw
Ikaw ang s'yang laging sigaw
Ngunit hindi mo alam
Sapagkat sa kanya ka nakatanaw

Habang ako'y nakamasid sa iyo
Nakatingin sa masasayang mga ngiti mo
Habang siya'y 'yong kausap at yakap yakap
Mula sa malayo, ika'y aking pinapangarap

Hanggang dito na Lang siguro talaga
Hindi siguro talaga tayo para sa isat isa
Masakit mang sabihin
Pero malaya ka na

-meanieMe

POETRY COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon