"OKAY LANG AKO"

33 1 0
                                    

"OKAY LANG AKO"
✍️:meanie

Bakit ba kay hirap sabihin itong aking hinanaing
Dito sa'king dibdib ay kay raming daing
Siguro nga ito ay iipunin ko nalang
Dahil wala namang gustong makaalam ng aking nararamdaman

"Okay lang ako" ang laging sagot ko
Lingid sa kaalaman nila na ang luha ko'y gusto ng tumulo
Ang puso ko'y sobra ng kawawa
Ang luhang pinipigilan, gusto ng kumawala

Pagod na ako, ako'y nasasawa na
Nagsasalita ako, ngunit sarado ang kanilang tainga
Kaya ano? Ano pang silbi kung ako'y magsalita?
Edi sarilinin na lang itong aking problema

Masakit na wala sa'yong gustong makinig
'Yong wala kang mapagsabihan ni isa man sa 'yong paligid
Sa ibang bagay, tila lahat sila'y abala
At walang pakialam sa'king nadarama

Ngunit sabi ko, "Kaya ko pa"
Kaya ko pang magtago dito sa'king maskara
Kaya ko pang pigilan itong aking mga luha
Kaya kopa, kakayanin ko pa

POETRY COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon