AKO DAPAT 'YON
@meanieMeSabi mo ako ako lang pero bakit may 'siya'?
Sabi mo dito ka lang pero bakit nandyan ka?
Sabi mo hanggang dulo pero bakit ka huminto?
Sabi mo walang mapapagod pero bakit ka sumuko?Ako dapat 'yon! Ang kasama mo ngayon
Sa 'yong tabi ako dapat 'yong nando'n
Ako dapat'yon! Ang kausap mo maghapon
Sa 'yong call history pangalan ko dapat 'yong nando'nAko dapat 'yon! Ang katabi mo palagi
Ako ang syang yakap ng bisig mong malalaki
Ako dapat'yon! Ang dahilan ng 'yong pagngiti
Sa 'king boses, do'n ka dapat nawiwiliAko dapat 'yon! Ang nasa harap mo ngayon
Sa'kin mo dapat tinutupad ang pangako mo noon
Ako dapat'yon! Ang kasama mo sa pagtanda
Sa paggawa Ng alaala ako dapat ang 'yong kasamaNgunit bakit? Bakit naging 'siya'?
'Yong pangako mo sa'kin bakit sa kanya mo ginawa?
Ako dapat 'yon! Ako dapat'yon!
Ngunit bakit? Bakit sa kanya mo bigla itinuon ang atensyon?