#21 ANG AKING AKDA

104 5 0
                                    


Hindi ako magaling na makata, pero marami na akong  nagawa
May kwento, may kanta, may salaysay at tula
Hindi man ako 'sing galing  ng taong iniidolo mo
Ngunit ako'y masaya at proud sa mga gawa ko

Nagsimula akong  magsulat inuna ko ang pamagat
Hanggang sa ako'y makagawa ng salaysay, walang sukat
Ang akala ko'y Hindi ko kaya  gumawa ng isang tula
Ngunit ng ako'y makatapos, maging  ako ay namangha

Sinubukan ko ring gumawa ng isang maikling kwento
Isang kwentong ordinaryo, ngunit kami ni crush ang tauhan dito 😂
Kwentong hinihiling na sana'y maging totoo
Kwentong malungkot, ngunit masaya pag dating sa dulo  ..

Alam  ko namang sa pagsusulat at Hindi pa ako bihasa
Ngunit may sense rin  naman ang aking  mga akda
Hindi ko naman hinihiling na magustuhan ito ng lahat
Ang gusto ko lang at irespeto ang bawat kong  sulat

Nagsimula akong humawak ng lapis bilang panulat
At tila habang tumatagal ay akin na ring niyayakap
Ang pagsusulat ng salaysay, kwento, kanta o tula
Bagaman mayroon mang ayaw ng aking  ginagawa😑

Ngunit tila isa  akong  bingi
Kahit ako na'y rinding rindi
Mga salita sa tabi ay iniiwasang pilit
Na kahit ayoko mang aminin, ay sobra ng sakit

Gayon pa ma'y Hindi pinansin at
Sa pagsusulat tuloy pa rin
Sapagkat puso ko ang sinunod
At Hindi ang bulong ng mga bubuyog😂

At heto  ako ngayon, kaharap ang kwaderno
Hawak ang panulat sa kanang Kamay ko
At isa nanamang akda ang ngayo'y  natapos ko
Isang maikling tula na ngayo'y binabasa mo.....❤

     💗   __M'm3__  💗


POETRY COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon