SIKRETO
By: meanieMeBago ko simulan ang tula kong ito,
Nais ko munang sabihing "magandang araw sa'yo"---
Sa'yo na pag aari na ng iba
Ngunit sa piyesa kong ito ay ikaw pa rin ang s'yang paksaHindi ko man hinihiling na magugustuhan mo
Ngunit hanggang dito'y aasa pa rin akong ito'y mapapansin at babasahin mo
Dahil lahat ng nakasulat dito ay gusto kong sabihin sa'yo
Ngunit hindi ko nagawa, kaya't ang LAHAT ng iyon ay nanatili na lamang na isang 'SIKRETO'.Ginoo, naalala mo pa ba? Noong tayo'y minsang magkasabay--
Sa pagbukas ng pinto kaya nahawakan mo ang aking kamay
Ngumiti ka no'n at tila ba ako'y nahipnotismo napatitig sa mga asul na mata mo
Ngunit ako'y napabalik sa wisyo, ng ika'y nagsalita at sa pagpasok ako'y pinauna moGinoo, naalala mo pa ba? Noong minsan tayong magkatabi sa isang klase--
Ako'y binati mo kasabay ng pagsilay ng matatamis na ngiti sa'yong mga mapupulang labi--
Labi na kung aking tititigan ay tiyak na nakawiwili
At tiyak na Kay ganda sa tuwing ikaw sa'kin ay ngingitiGinoo, naalala mo pa ba? Noong muntik na akong mapahamak
Sa isang lugar kung saan ang mga tao sa bisyo ay talamak
Ngunit bigla kang dumating at sa kanila'y pinagtanggol ako at magkahawak kamay tayong tumakbo no'n habang sila'y naghahabol
Ang sayang aking nadarama ay walang mapaglagyan maging ang tibok ng puso kong sobrang lakas na tila ba ay tinatambolHindi man tayo nagkaroon ng pormal na pagbabatian, pagpapakilalahan o maging ng kamustahan,
Ay hindi ko na itatanggi na ako sayo'y nahulog na at ikaw nga ay akin ng nagustuhan
Ngunit kay hirap aminin, kay hirap sa'yong sabihin sapagkat ang nararamdaman ko sayo'y masyado nang malalim
Hanggang sa maglakas loob ako sayong umamin ngunit wala pang salita ang lumabas sa'king bibig ay sinabi mo nang may mahal ka na habang sa mata mo'y makikita ang saya at tila ba ang puso ko'y sinaksak ng patalim, sakit ang aking nadamaBakit gano'n? Kung kelan tanggap ko na ang aking nararamdaman, saka naman ako paglalaruan--
Nitong tadhanang kailanma'y hindi sa'kin umayon at tila ba ako lamang ay pinagtatawanan
Kasama si kupido na kung tumira ay hindi sentro, sablay na palagian
Kaya ako lang mag isa ang laging tinatamaan---ako lang ang nasasaktan.Wala na, tila ba ang pag asa ko ay biglang nawala
Kasabay ng pag alis mo ay ang pagpatak ng aking mga luha--
Luha na aking pinipigilan
Ikinulong ko na't lahat ngunit nagawa pa rin akong takasanBakit ba! Bakit ba lagi na lang akong nasasaktan?
Ang pana ni kupido pa'no nga ba maiwasan?
Hindi naman ako umakyat sa isang entablado upang makilahok sa isang paligsahan
Ngunit bakit? Bakit lagi akong talo at umuuwing luhaan?Habang sinusulat ko ang tula ko na para sa'yo
Ay isa nanamang patak ng luha ang kumawala sa mga mata ko
Dahil aking naalala ang 'yong ngiti, ngiti mo na sya na ang nakakakita
Maging ang pagkakaibigan natin na nanatili na lang sa gano'ng salitaNgunit sige, hahayaan na kita at ang damdamin ko sayo'y isasantabi ko na
Tatanggapin ko nang pinagtagpo lang talaga tayo ngunit hindi tayo para sa isa't isa--
Masakit man, masakit man sa aking kalooban na sa iba ay hayaan ka na lang
Ngunit pipilitin kong diktahan ang aking pusong hanggang ngayon ay ikaw lang ang s'yang laman--na ikaw na ay kalimutan.Gusto kita, ngunit hindi ko sayo pinaalam--
Minahal kita ngunit hindi mo alam--
Ang nararamdaman ko sa'yo ay nanatiling sikreto--kaya ginoo, hindi na ako makikigulo
Ngunit sana ay mahalin mo ng totoo ang taong ngayon ay nagpapasaya sa'yo--ang kaibigan ko.