PAALAM

24 0 0
                                    

PAALAM
✍️:meanie

Ginoong aking iniibig
Pag ibig ko sa'yo ay sinlinaw ng tubig
Tila ba'y isa kang tala
Na kay gandang titigan, ngunit hindi ko makuha

Ginoo,  alam mo ba na ako'y nasasaktan
Sa tuwing kasama mo'y iba, luha'y nag uunahan
Wala na bang pag asa na ako'y 'yong magugustuhan---
Dahil ba ang puso mo'y sa iba na nakalaan?

Ang 'yong ngiting kay ganda, akin na lang pagmamasdan
Akin na lang tititigan, kahit hindi ako ang dahilan
Ang magkaroon ng tayo, tila hindi na mangyayari
Dahil ni isang sandali, hindi mo man lang ako mapili

Siguro nga'y hindi talaga tayo para sa isa't isa
Baka pinagtagpo lang talaga tayo pero hindi itinadhana
Ginoo, mahal kita kahit mahal mo'y iba
Masaya akong ika'y nakilala, ngunit ginoo, paalam na.

POETRY COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon