Panibago

30 0 0
                                    

PANIBAGO
Ni: meanieMe

Nang makilala kita, ngiti'y 'di maitago sa mga labi kong kay pula
Ngunit ng ika'y lumisan, mga luha'y bumagsak na lang bigla
Minahal kita ngunit bakit ako'y 'yong iniwan?
Ngayon ang luha ko'y parang ulan, na sa pagbuhos ay naguunahan.

O Kay sakit! Nakaraang kay pait, pa'no ba malilimutan?
Tadhanang kay lupit, pa'no ba matatakasan?
Ngayo'y buburahin ko na ang nararamdaman ko sa'yo
Muling magsisimula ng buhay na panibago, dito sa mundong kay gulo

Pagtangis, ay akin ng titigilan
Sapagkat alam ko, na ito'y walang patutunguhan
Dahil ganyan ang buhay, may aalis at mayroon ding darating
Matatapos din ang gabing madilim, dahil sisikat na muli ang araw, na may dalang ningning.

POETRY COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon