SIMULA

136 3 0
                                    

(STORY GENRY: ACTION, TEEN FICTION, HUMOR)

J A S M I N E

19th day of June, year 2020.

Pasukan nanaman. Madami na ding mag babago para sa akin ngayon, unang-una ay ang eskwelahan.

Heart of West University.

Dahil sa tapos na akong mag high school, syempre kailangan ng mag iba ng school. Hindi naman kasi pwedeng mag stay kapa sa dating school diba? Ano ka may sira sa ulo?

May dalawang kaibigan ako sa high school, pero dahil sa mag kaiba ang antas ko ng pamumuhay sa kanila, sa ibang university sila pumasok kung saan maabot nila ang tuition fee. Hindi hamak na mahal at madaming gastusin kasi dito sa HOWU, isa kasi ito sa pinaka sikat na unibersidad dito sa pilipinas at tanging mga may mararangyang buhay lamang ang maaring maka pag aral dito, maliban na lang kung isa ka sa mga masusuwerteng napili ng University para maka pag aral dito ng libre.

Friends.

Pangalawang mababago sa takbo ng pag aaral ko ay syempre ang mga magiging kaklase ko ngayong year. Hindi ko alam kung paano ako makikisama gayong Hindi ako pala kaibigan, Hindi naman ako mahiyain sa katunayan nga ay walang habas ang kakapalan ng mukha ko. Pero pag dating talaga sa pakikipag-friend, mas manipis pa sa papel ang face ko. Kaya if they want to make friends with me, they should the first one to make a move.

Section.

At syempre, ang pang huling mababago ay ang section ko. kung dati noong high school pa ako mayroong mahigit sampung seksyon meron kami, pero ngayon hanggang tatlo nalang. Ito ay ang Uno Class, Dos Class, at Tres Class. Ang weird nga ng mga section pero ayos narin para maiba naman.

Ayon sa aking mga nakalap na info, ang Tres class daw ay Hindi itinuturing na pinaka mamabang seksyon dito. Means, kahit nasa last section ka Hindi ibig sabihin nun ay bobo kana. Maari daw kasing napunta ka sa Tres class dahil mayroon kang katangian na swak sa seksyon na yun, gaya nalang ng magaling kang sumayaw or kumanta. Kaya sa Tres class ay halo-halo, may matalino at may mga marurunong lang, pero ang pinag kapareho nilang lahat ay magagaling silang sumayaw at kumanta.

'Ang weird diba?'

Next ay ang Dos class, Dos class were a bunch of people who are good at art and theatre. So means, halo din sila pag dating sa usapang utak. People here in HOWU are so talented, May isa pang paraan maka pasok ka dito at yun ay ang dahil sa talent mo.

'Ang cool o Ang weird?'

Now naman ay ang pinaka nagungunang seksyon. This section is kinda famous in this whole university, if you were part of Uno Class you will surely gain respect and honor. Kung ang Dos class ay mga magagaling sa Art at Theatre, ang Tres ay Dancing and Singing, Ang Uno Class naman ang pinag sama-samang talento at may bonus pa!

Intelligence and strength. That is the first two requirements for you to enter Uno Class. Art, theatre, dancing, and singing are just an extra for Uno Class. Dahil ang section na ito ang laging isinasabak sa mga patimpalak, Kaya dapat mayroon kang talino, lakas at tapang para maipag laban ang unibersidad.

'So weird talaga. '

Nung naka tanggap ako ng email mula sa HOWU na pasok na daw ako, medyo Hindi na ako nagulat Don, may pera naman kasi kami at higit sa lahat may talent at talino naman ako. Pero ang Hindi ko expected ay ang sa Uno class pala ako malalagay.

- - - -

Uno Class (Season 1)Where stories live. Discover now