J A S M I N E
Palubog na ang araw nang ilipat namin si Heaven sa Supreme building para doon na lang siya mag pahinga, itinigil narin namin pansamantala ang paghahanap kay Mary Jane.Kasalukuyan kaming nagbabantay ni Rin kay Heaven, nandito rin pala si Gab wala lang sinasabi. Mahimbing at payapa ang tulog ni Heaven habang ako naman ay marahan siyang pinupunasan sa mukha at sa iba pang parte ng katawan.
Ang iba naming mga kaklase ay may kaniya-kaniyang ginagawa, may nagsasagot ng mga assignments namin, syempre tulong-tulong na to para mapabilis. May naglilinis or lets say may nanghahalungkat ng gamit ng iba, baka lang daw mau makuha silang clue or lead… May busy sa pagkain—
“Jasmine! Jasmine!!—” Biglang pumasok si Augusthos sa kwarto ng habol-habol ang hininga at nagsisisigaw pa.
“Shhh!” saway naming tatlo sa kaniya, nangangamba kasi kami na magising niya si Heaven.
Tinakpan niya rin agad ang bibig niya at dahan-dahang nag lakad palapit saakin, nang makalapit naman siya ay napansin ko pang may icing pa ang pisngi niya.
“Oh, nakita ko yan dun sa pinagkakainan nating lamesa.” Inabot niya saakin ang isang papel na sa palagay ko ay sulat. Agad ko rin naman iyong binasa dala ng pagtataka. “Mukhang iniwan yan ni Mary Jane bago siya umalis, di lang natin nakita agad dahil sa hindi narin naman tayo nakakadako sa dining area.” Dagdag niya pa.
“Anong sabi, Jas?” kuryosong tanong ni Rin saka lumapit, ganon narin si Gab.
“Aabsent daw muna siya ng ilang mga araw, hindi sinabi kung bakit basta para lang daw sa personal na dahilan. Sasabihin nalang daw niya ang lahat kapag naka balik na siya. Yun lang eh” kibit balikat kong salaysay.
“Eh? Hindi parin ako kampante.” Untag ni Rin.
“Ako din eh, kahit na may message pala siyang iniwan, gusto ko parin siyang puntahan.” Dagdag naman ni Augusthos.
“Pupuntahan parin natin siya, kasabay ng pagdalaw natin sa mama ni Jamir.” Gab aniya.
“Oonga nuh, kakatapos lang pala operahan yung mama niya. Tamang-tama, kaso hindi rin natin alam kung nasaan si Mary Jane.” Usal ko.
“Alam ko na kung nasan.” Sabi ni Gabrielle.
“Oh? Paano naman?” tanong namin.
“Nasa bahay nila mismo. Personal na dahilan daw diba? Pag may problema ka saan ka pumupunta maliban sa mga kaibigan mo?” Tanong niya.
“Sa mga magulang ko.” Sagot ko naman.
“That’s it, so kung malalaman natin kung saan ang bahay ng mga magulang niya, okay na tayo.”
“Sikat sa larangan ng businesses ang mga magulang niya kaya madali nalang saakin iyon.” Nagulat kami nang biglang magsalita si Heaven kaya nilingon namin siya agad.
“Nagising kaba namin?” tanong ko.
“Yeah…”
“Sorry, dapat sa labas nalang pala kami nag usap-usap.” Ani ko pa.
“Its alright, by the way, can you get my laptop over there?” saad niya kay Gab.
YOU ARE READING
Uno Class (Season 1)
Ficção AdolescenteUno Class is a bunch of students with incredibly talents, high IQ, bravery and etc. But there's somethings that they're lack of...TRUST 'Jasmine Jase Mendez' is their class president, they treated her as if she were family and friend, but what they...