J A S M I N E
OA na kung OA, pero Hindi naman kasi ako sanay na ginaganon. Hindi ako sanay na sinasigawan ako, Hindi ako sanay na may taong galit saakin, Hindi ako--
"Don't you dare to cry... " Naputol ang pag iisip ko ng marinig kong muli ang boses niya.
'Nandito pa pala to, akala ko kanina umulis na rin siya'
Unti-unti akong pumihit patalikod at nag angat ng tingin sa kaniya, Nang mag Tama ang mga mata namin samu't-saring emosyon agad ang dumaloy saakin, maging ang pulso ko ay napaka bilis. Hindi ko batid ang nararamdaman dahil ngayon lamang ako naka ramdam ng ganito.
"I said don't cry" Bumalik ang huwisyo ko ng muli siyang mag salita.
"Hindi naman kasi talaga ako iiyak" Singhal ko sa kaniya, unti-unti naman sumilay ang maliit na ngisi sa kaniyang mukha.
Ang mga mata niyang tila palaging inaantok, ang buhok niyang Hindi man lang inabala para suklayin, ang malalim at seryoso niyang tinig. Lahat ng iyan ay may hatid na epekto saakin, pero ano ang ibig sabihin nito? Nararamdaman din Kaya niya to?
"Jasmine, Gab! Anong nangyari? Bakit parang bad trip na bad trip yun si Peridot?" Tanong ni Kingsley na kakasulpot lang kasama ang dalawa na dala-dala parin ang mga stuffs ko.
"Never mind that, tss. Hanggang ngayon wala paring pinag bago ang loko" Pare-pareho naman kami nag taka sa mga pinag sasabi ni Gab.
"What do you mean?" I asked.
"Nothing, we better get inside and put all your things in your room before the class start"
- - - -
Matapos kong ayusin ang mga dinala ko sa kwarto ay sumunod na din ako sa kanila sa dinning area para kumain. Pag dating ko doon kompleto na sila at nag aantay nalang, Nang masulyapan ko si Peridot na masamang naka tingin saakin agad akong naka ramdam ng awkwardness.
Naging malimit ang galaw ko, tila nag iingat na baka sa isang maling galaw lang ay magalit ulit siya saakin. Masaya silang nag kukwentuhan habang ako naman ay tahimik lang na kumakain at minsa'y nakikitawa sa kanila.
"Bakit parang kanina ka pa tahimik? Hindi ka parin ba comfortable?" Tanong saakin ni Kath pag ka tapos namin kumain, kasalukuyan akong nag lilinis ng mga pinag kaininan namin dahil sa ako na rin ang nag prisinta na gawin to. Sila Kath at Mary Jane naman ay nag pasiya na rin na tumulong saakin.
"Ahm, may iniisip lang ako... " Sagot ko at nag pilit ng ngiti.
"Ano namang iniisip mo?" Tanong naman ni Mary Jane.
"Kasi--" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil sa isang boses na pumutol nito.
"Can you leave us for a while?" Naka tayo lang siya habang ang dalawang kamay niya ay naka lagay sa bulsa ng kaniyang pantalon.
"U-uh, sige... " Nag dadalawang isip pa sila Kath kung aalis pero sa huli ay iniwan din nila kaming dalawa.
"Uhm, yung nangyari kanina. Gusto kong humingi ng sor--"
"I don't need your sorry" Putol na naman niya sa sinasabi ko. "I need your words, na Hindi mo na ulit gagawin kung ano man yung ginawa mo kanina. Lalong-lalo na kapag siya ang kaharap ko"
YOU ARE READING
Uno Class (Season 1)
JugendliteraturUno Class is a bunch of students with incredibly talents, high IQ, bravery and etc. But there's somethings that they're lack of...TRUST 'Jasmine Jase Mendez' is their class president, they treated her as if she were family and friend, but what they...
