K A T H E R I N E
"Bakit wala parin si Jasmine?" Mahinang tanong ni Kenjan habang pasulyap-sulyap siya sa kaniyang relo. Ilang minuto na lang at mag sisimula na ang klase pero mag pa kahanggang ngayon ay hindi parin nag papakita si Jasmine, kanina din ay hindi siya sumabay ng pagkain saamin.
Sinubukan namin siyang puntahan sa kwarto niya pero ang sabi niya lang saamin ay 'Mauna na kayo... ' ang tono niya pa non ay parang namamaos na nanghihina. Nag aalala na nga din kami kaso ayaw naman ni Jasmine mag papasok sa kwarto niya, hindi pa din siya nakaka kain mula pa kagabi.
Tas hindi pa siya nag sabi saamin kung anong nangyayari sa kaniya.
"Malapit na dumating si Mrs, Flores" Saad ni Augusthos
"Baka hindi talaga papasok si Jasmine, okay na din naman siguro yun. Weekend na rin naman tomorrow" Salaysay naman ni Andrea.
Lahat kami ay napatahimik ng ilang segundo hanggang sa basagin na ito ni Peridot.
"Jasmine texted me just now... She can't attend the class today, her body is aching so bad and... She has a fever?" Nangunot ang noo ni Peridot sa huling nabasa. Habang kami naman bumagsak ang mga balikat at nag alala sa kalagayan ni Jasmine.
Sa totoo lang, masakit din talaga ang mga katawan namin. Pero aware naman ako na mas masakit ang katawan ni Jasmine dahil sa duel nila kahapon, hindi kaya biro yun. Tyaka kahit mula pag katabata pa siya prinaktis hindi parin maiiwasan yun dahil dalawang taong ding siyang tumigil.
Ang iba naman saamin ay kaka simula pa lang kahapon, basic-basic pa lang ang alam namin. Si Gab nga tinuruan din kami. Nakakagulat. Kasi ang gagaling na nila, Sana all nalang.
"Shit!!" Lahat kami ay nabaling ang tingin kay Kenjan ng mag mura siya at napatayo mula sa kaniyang pag kakaupo.
"Nakaka gulat ka naman Kenjan... Untag ni Carlie habang naka hawak sa dibdib niya.
"Uy saan ka pupunta?" Tanong ni Lian ng makita naming dali-daling nag lalakad si Kenjan papuntang elevator.
"Kukuha ako ng pagkain para kay Jasmine, kagabi pa siya walang kain. Ako narin mag babantay at mag aalaga sa kaniya, i-absent niyo nalang din ako." Mabilis niyang saad bago mag laho sa mga paningin namin.
"Nagi-guilty siguro siya... " Asik ni Gab pag ka alis ni Kenjan.
"Oonga, feeling niya siguro siya may kasalanan nun. Intense naman kasi ng laban nila kahapon" Dagdag pa ni Kingsley.
"Nabigla lang naman yang katawan ni Jasmine, tyaka hindi naman maiiwasan masaktan ka. Sumobra lang ang sakit ng katawan niya" Ani naman ni Bubble habang nakatingin parin sa elevator na pinasukan ni Kenjan.
"Ugh, i'll go to her too" Big lang saad din ni Gab na sinabayan pa niya ng pag tayo, ngunit maya-maya pa ay bumukas iyon at nakita namin si Mrs, Flores. Kaya ang plano niyang pag alis ay hindi naisatuparan. "Damn... " Mahinang usal niya.
"Kung yung isa na gi-guilty ito naman, nag seselos." Natatawang sabi ni Jamir. Napangisi nalang din ako sa narinig, habang nalukot naman ang mukha ni Gab.
"Good morning class... " As soon as Mrs, Flores arrived the class started hurriedly. Hindi na rin niya kami tinanong about Jas and Kenjan because she already know, naka salubong daw niya si Kenjan at nag sabi na rin ito sa kaniya.
YOU ARE READING
Uno Class (Season 1)
Teen FictionUno Class is a bunch of students with incredibly talents, high IQ, bravery and etc. But there's somethings that they're lack of...TRUST 'Jasmine Jase Mendez' is their class president, they treated her as if she were family and friend, but what they...