K E N J A N
"Hay salamat may pagkain ng naka handa.... Hmm ang babango! Lalong nakaka gutom!" Asik ng PG na si Augusthos ng makita ang handa sa lamesa. Maski ako nasasarapan din sa mga na kikita pero pinigilan ako ang mag react ng ganiyan.
Duh, Hindi nakaka gandang lalaki.
"Woah, favorite ko to!" Nagagalak na sabi ni Jasmine habang naka tanaw sa carbonara. "Kaso gusto ko ng madaming cheese... " Nag ikot-ikot siya sa sa kusina para siguro mag hanapin ng cheese, nag liwanag naman ang mukha niya ng makakita siya sa ref.
"Kumain na tayo guys!" Hindi maalis sa pagkain ang mga mata ni Augusthos.
"Hindi na natin aantayin ang iba?" Tanong ni Kingsley.
"Huwag na, tirhan nalang natin sila. Napaka dami naman nito" Sagot naman ni Augusthos.
"Oo nga, halina kayo. Oh ito plato, dali upo!" Hindi rin mag kandamayaw si Jasmine, pinag handa pa kami ng pinggan at kutsara. Halatang gustong-gusto naring kumain. Nag si-upo narin kami kasabay nila at nag sandok ng pagkain.
"Hmm saraaap" Mag ka panabay na untag nila Jasmine at Augusthos. Nag katinginan silang dalawa saka sabay ulit na natawa.
'Okay? So same vibes na sila?'
"Mukhang madaling nag ka sundo ang dalawa dahil sa pagkain." Naiiling habang may ngiti sa labi na sabi ni Gab.
"Oo nga... Mukha din namang masaya kasama si Jasmine, ramdam ko nga yung awkward para sa kaniya eh, kasi nga diba nag iisa pa lang siyang babae Kaya tahimik lang siya kanina. " Bulong ni Kingsley na tanging kaming tatlo lang ang naka dinig, busy din naman sa pagkain ang dalawa.
"Well, ganon naman talaga sa simula. Pero malay niyo baka sa susunod na araw nag bubugbugan na tayo" Napatawa naman kami sa sinalaysay ni Gab.
"Anong tinatawa niyo?" Napatigil kami sa pag tawa dahil sa tanong ni Augusthos.
"Oonga, bakit kayo-kayo lang?" Na dinagdagan pa ni Jasmine.
Wala sa oras akong napalunok dahil sa pareho silang naka pout matapos nilang mag tanong. Takte! Pag si Jasmine ang cute tingnan eh, pero pag dating Kay Augusthos puta nakaka walang gana.
"Hoy Augusthos, tigilan mo nga yang pag pout mo! Mas lalo ka ng pumapanget!" Bulyaw ko sa kaniya. Mas lalo namang lumukot ang mukha niya dahil sa sinabi ko, agad naman siyang pinat ni Jasmine si balikat.
"Huwag mo nalang siyang pansinin, ayaw lang niyang sabihin kung ano yung pinag tatawanan nila kaya iniiba niya yung usapan. Mabuti pa ituloy nalang natin yung pag lilibot dito, total tapos na rin naman tayo kumain diba?" Malumanay na sambit sa kaniya ni Jas. Tumango naman din sa kaniya si Augusthos bilang pag sang ayon.
'Teka! Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin ah, inasar ko lang talaga si August'
"Teka lang--hey!" Sinubukan silang pigilin ni Gab pero nag tuloy-tuloy lang ang dalawa patungong elevator. Mabilis pa sa alas kuwatro naman kaming sumunod sa kanila, pero bago pa kami maka sakay bumukas naman ang isa pang elevator katabi nitong na sa harap namin. Dalawa kasi ang elevator eh.
Pare-pareho kaming naglipat ng tingin doon at inaabangan ang kung sino man ang lalabas. Hindi din nag tagal ay apat na tao ngang lumabas mula roon, dalawang babae at dalawang lalaki? Hindi ko sure kung straight na lalaki ba ang ang isa pero yung isa na chubby sure akong lalaki.
"H-hi..." Bati ng medyo may kaliitang babae, medyo lang naman. Mga mas maliit lang ng konti kay Jasmine. "Ako nga pala si Katherine Dane Dilton" Pag papakilala niya.
YOU ARE READING
Uno Class (Season 1)
Novela JuvenilUno Class is a bunch of students with incredibly talents, high IQ, bravery and etc. But there's somethings that they're lack of...TRUST 'Jasmine Jase Mendez' is their class president, they treated her as if she were family and friend, but what they...
