(KABANATA 41)

9 0 0
                                    

H E A V E N L O K I



Kinabukasan ng aming pags-stay dito kila Mary Jane ay napagplanuhan narin naming bumalik ng HOWU, kaya maaga pa kaming gumising upang makapaghanda.

Ngunit pag mulat palang ng aming mga mata ay ang pagalis na pala ni Jasmine, hindi man lang namin alam. Hindi rin naman niya kasi sinabi.

Hobby ata ng Uno Class ang umalis ng wala man lang paalam.

Tahimik kaming nag tipon-tipon dito sa sala ng mansyon nila bago bumyahe.

“C’mon, nakalimutan lang talaga siguro ni Jasmine na sabihin sa inyo.” Salaysay ni Rin.

“He’s right, sinabi rin saakin ni Jas kahapon na sasabihin niya sa inyo pero mukhang naka limutan niya lang.” pagsang-ayon naman ni Gab.

“So you’re saying that umuwi na si Jasmine sa bahay nila kaya tayo-tayo nalang din ang babalik ngayon sa HOWU?” Kenjan asked.

“Yup.” –Gab

“Kailan naman daw siya babalik?” I asked curiously.

“Hindi muna siya babalik at tayo ang dadayo sa kaniya…” pigil ngiting sagot ni Rin.

“We don’t understand , bakit naman tayo pupunta sa kanila? Ano may sakit siya? Or baka naman buntis din siya?” masungit na tanong ni Shila.

“Your head is so big but its empty, so disappointing.” Pang aasar pa sa kaniya ni Peridot.

“The hell—”

“Walang sakit si Jas at mas lalong hindi ko siya nabuntis.” –Rin.

“Do you want to be thrown on the way?” Asik ni Gab habang magkasalubong ang mga kilay.

“Joke lang eh, so ayon na nga ang mabuti pa ay dumaan muna tayo sa mall bago dumiretso ng HOWU dahil may kailangan tayong bilhin. Huwag na muna nating alalahin si Jasmine, tatawag din yun mamaya.” Kampanteng-kampante niyang panayam saamin.

‘May alam to eh….hindi niya lang sinasabi.’..

“Guys, bat hindi niyo nalang pagka tiwalaan si Rin? Bat di nalang nga kayong pumuntang mall gaya ng sabi niya? Total mas nauna naman niyang na-meet si Jas kaysa sa atin kaya natural lang na mas kilala niya ito.” Komento naman ni Mary Jane.

“Eh hindi naman kasi katiwa-tiwala yang si Rin eh.” Kutya ni Augusthos.

“Woy anong sabi mo?!”

“Tawagan nalang natin mamaya si Jasmine, sa ngayon umalis na muna tayo, pupunta pa tayong mall diba?” saad ni Gab.

“Woah, nice nice!” parang nanalo ng lotto kung maka react si Rin, sumang-ayon lang naman sa kaniya si Gab eh.

Hindi narin kami nag tagal at nag paalam na kila Mary Jane at sa boyfriend, nagka iyakan pa nga silang mga babae at yung tatlong bakla. Sabagay, nakaklungkot din dahil sa kailan pa bago siya bumalik ng University.

Habang nasa byahe, ang iba ay natulog muna samantalang ako ay hindi matahimik ang isip.

Gusto kong malaman kung nasan si Jas, kung ayos lang ba siya, kung kailan siya babalik…bakit nakalimutan niyang magsabi? Bakit sila Rin at Gab lang?

Ang dami kong tanong, pati sarili ko pinag dududahan ko na rin, nung may nangyari kay Jamir hindi naman ako nag panic gaya ng iba, nung umalis si Mary Jane at di nag pakita ng ilang araw, hindi naman ganito at nag aalala ng sobra….

Even before, parang simula nung napunta ako dito nag iba narin ako…or dahil lang sa kaniya kaya ako nagkakaganito?

Nung nagkasakit ako at siya ang nag alaga, gumaan agad ang pakiramdam ko and I feel like im home.

‘Do I like her?...No, no, no…’

“Hindi kita gusto, pero hindi ko din alam kung bakit ako nagkakaganito….” Bulong ko sa sarili ko habang nakatutok ang mga mata sa daan.

“Do you like who?” nagulat ako ng marinig kong magsalita si Lian. Hindi ko siya katabi pero nasa tapat ko lang siya, pati tuloy si Kenjan na mahimbing na natutulog sa tabi ko ay nagising at napalingon saamin.

“No one…” mahina kong sagot.

“Then why did you say that?” tanong niya pa.

“Its just in the book I read recently, sinabi yun ng male lead sa female lead.” Palusot ko.

“Oh. Okay…” sa wakas ay tinigilan narin niya ako.

“Why aren’t you sleeping?” ngayon naman ay si Kenjan ang nagi-interview saakin.

“Hindi naman ako makatulog eh.” Mahina ko paring sagot.

“Uncomfortable?”

“Y-yeah…” sagot ko nalang kahit na sanay naman akong matulog nv naka upo, lalo na kapag nakakatulog sa gitna ng pag didikdik ko sa computer.

“Then….” Hindi ko inasahan ang susunod niyang galaw. Marahan niyang ipinatong ang ulo sa balikat niya, agad naman dapat akong aayos sa pag upo ngunit pinigilan niya ako at pinanatili ang ulo ko roon.

“What are you doing?”

“Tinatanday ko yung ulo mo sa balikat ko para maging komportable ka at maka tulog na.” Simple niyang sagot.

“I-I don’t need it, Bastard…”Nagpumilit akong alisin ang ulo ko mula sa pagkakapatong sa balikat niya.

“Grabe ka naman, hindi mo naman ako kailangan tawaging bastardo….” Pagtingin ko sa mukha niya ay naka pout na siya at para pang maiiyak.

‘What’s the problem of this guy?!’

“T-tigilan mo nga ako sa pagmumukha mong yan!” pabulong ngunit madiin kong bulyaw, hindi parin siya nakinig saakin at umiwas lang ng tingin.

‘Fvck this!’

“Oo na, sorry na, hindi na mauulit. Kaya please lang mag tigil kana….” Labag sa loob kong pag hingi ng tawad.

“Talaga? Edi matutulog kana sa balikat ko?” Nagliwanag na ulit ang mukha niya gaya ng nakasanayan.

“Munyawa, wala naman akong sinabing ganyan ah?”

“Okay….” Bumalik na naman siya sa emo-emo niyang ekspresyon na nakaka bwiset.

“Sige sige, m-matutulog na ako sa balikat mo….” Iwas tingin kong ani.

“Yes…” bulong niya pero dahil sa magkatabi lang kami ay malinaw ko iyong narinig.

“You—” he cut me off, like….. fvck?!

“Shh, just sleep okay? I think mga one hour and a half pa bago tayo makarating….” He said while patting my head gently.

‘Im a quite and nice person since I was a kid but….but because of this goddamn-motherfucker-man….hiss!!’

Imbis na torturin ko pa siya sa utak ko ay pinilit ko nalang kumalma hanggang sa hindi ko namamalayan na kinakain na pala ako ng antok.

- - - -

“Hev, wake up…we’re here now…” naalimpungatan ako ng wala sa oras dahil sa nakakakiliting hiningang dumadampi sa tainga ko.

Pagmulat ng mga mata ko ay napansin ko kagad ang mga kaklase ko na nag bababaan na ng sasakyan at kami nalang ni Kenjan ang hindi pa handa. Umayos ako ng upo at agad na tumingin kay Kenjan kung ayos lang ba siya.

“U okay?” Damn, sabi ko tingin lang eh. Bat may patanong?

“Of course, more than okay.” Nakangiti niyang tanong sagot.

“Hmm, then baba na ako ah.” Sabi ko pabalik saka hindi na siya inantay at lumabas na nga ng sasakyan.

“W-wait naman….” Hindi ko na siya pinansin at dumikit nalang ako kay Peridot.

“Anong gagawin natin dito sa mall?” pangunang tanong ni Kingsley.

“Matutulog.” Walang kwentang tugon ni Peridot.

“Pfft, hindiii, ang totoo ay bibili tayo ng mga magagarang susuotin para bukas!” sabi ni Rin na para bang excited na excited.

“Eh? May lakad tayo bukas? Sunod-sunod naman ata, hindi narin tayo pumapasok sa mga klase.” Panayam ni Ikle.

“What?! Hindi niyo ba alam?” gulat na untag ni Rin.

“Hindi namin alam ang alin?” tanong ni Andrea.

“Wala na talaga tayong pasok mula kahapon hanggang sa September 17, kasi sa 18 ay may fieldtrip tayo.” Balita niya. Naglakihan naman ang mga mata namin at ang iba ay nahulog pa ang mga panga.

“Fieldtrip? Ano bata?” atungal ni Shila.

“Ewan ko sa kanila, pero dahil doon ay pwede nating gawin ang lahat ng gusto natin bago pa dumating araw na iyon.” Dagdag pa ni Rin.

“Sabagay….”

“Hmm, gawin niyo na ang lahat…bago pa…bago pa siya umalis.” Mahinang usal ni Rin.

“What did you say? Sino nanamang aalis?” ngunot noong tanong ni Carlie.

“Huh? May sinabi ba akong aalis? Ha-ha wala naman eh, baka nagkamali lang kayo kasi madaming tao.” Bawi niya kahit malinaw naman saaming panrinig ang bawat sinabi niya. “But you really should spend time with her, who knows if you’ll still see her after that day?”

“Ano bang pinag sasabi mo?” naguguluhang singhal ni Bubble.

“It’s a hint. Anyway lets go in, its so hot here…” kahit na idiny niya pa, halata naman na isa ito sa mga paraan niya para ibahin ang topic.

“Wait, Rin. Sinong tinutukoy mo?” Halatang pati si Gab nababanas narin sa pasikot-sikot pa ni Rin.

“Pinag tri-tripan mo ba kami, Rin Xanax?” Parang nanghahamon na singhal ni Peridot.

“N-no, I guess it’s a wrong choice to tell you that…just pretend I didn’t say anything kay’?? She might really kill me if this comes to her…damn.” Parang pinagsisisihan naman niya ang lahat ng ginawa at sinabi niya.

“The hell, bro?”

“HAHHAHA sorry sorry, tara na nga.”

So ayon, kahit na puno pa ng pagtataka ay nagpasiya nalang din kaming pumasok sa loob. Wala kaming ibang ginawa kundi ang sumunod lang kay Rin na patuloy lang din sa paglalakad, para nga lang kaming paikot-ikot dito sa loob eh.

Maya-maya pa ay nag ring ang cellphone niya na agad din namang sinagot, kaya huminto muna kami saglit.

“Hello? Saan ba? Ah sa 2nd floor? Dun sa paborito mo? Okay. Ahh sige ako na bahala.” Naging mabilis lang ang pag uusap nila ng kung sino man yun mula sa kabilang linya. “Game punta na tayo don sa shop.”

“Ngayon palang tayo pupunta? Eh kanina pa tayo palakad-lakad dito eh!” bulyaw ni Augusthos sa kaniya, napakamot naman si Rin sa ulo.

“HEHEHE, ngayon lang kasi sinabi ni Jas yung location eh…”

“Si Jasmine yung kausap mo?!” –Gab.

“Oo, pero ano ba! Tama na nga tong daldalan at pumunta na tayo don.”

“Ang lakas ng amats mo Rin nakakabanas.” –Augusthos.

- - - -

Pagdating sa loob ng isang napaka expensive na bilihan ng damit ay parang wala naman ng costumer, ang mga staff ay nakahilera din paharap saamin.

“Anong meron?” bulong ni Kenjan sa tainga ko na muntik pa akong mapatalon sa gulat.

“Malay ko.”

“Good Day Uno Class!! Im Jennber the manager of this shop and…feel free to pick whatever you think that is suits you the best!” nagpalakpakan naman ang iba pang staff na kahilera niya.

“Rin, a-anong meron?” takhang tanong ni Ikle.

“Basta, pumili nalang kasi kayo ng gown, tapos tayo namang mga lalaki syempre tuxedo.” Sagot niya habang abala na siya sa pamimili ng tux.

“Kung gusto mo pala bumili ng gown at tuxedo bakot sa ganito mo pa kami dinala? Ang mamahal kaya oh.” Komento ni Kingsley.

“Ahn, excuse me but you don’t have to pay pa. Kailangan niyo lang gawin ay pumili ng magagarang kasuotan para sa darating na event bukas.” Usal ng manager saka ngumiti.

‘Pati siya alam ang tungkol sa mangyayari bukas…’

“So kahit ano pong gusto namin hindi narin namin babayaran? Bakit po bayad na bago pa kami pumunta dito?” tanong ni Lian.

“Yes, sir.”

“Whaaatt? Bahala na nga, basta pipili nalang din ako, uy ito mukhang bagay sakin.” Mabilis na dumampot si Peridot ng tuxedo na mukha naman talagang bagay sa kaniya.

‘Pano naman ako? Hindi ako marunong pumili….’

“Hmm, Miss manager, pwede po bang pilian niyo nalang ako….hindi ko po kasi alam kung anong bagay saakin” mahina at nahihiya kong sambit sa Manager.

“Uh, sure!”

Sumunod narin ang iba ko pang mga kaklase sa pamimili, si Gabrielle mukhang madaming tanong sa isip pero nagawa paring maka pili ng masusuot.

“Wala ka bang contact lens, sir?” tanong saakin ng manager habang pinipilian ako.

“W-wala po…”

“Naku, dapat po pagtapos dito bumili na rin kayo nun. Para bukas hindi niyo na kailangan mag salamin, mas lalo po kayong popogi tingnan niyo.” Saad niya.

“Hmm sige po.” Pagsang ayon ko nalang din. Wala namang masama kung susubukan diba. “Pero ano ho bang meron bukas?”

“Hindi ko pwedeng sabihin eh, pero mamaya naman siguro malalaman niyo na.” eh?

"Ano nakapili na ba kayong lahat?" Tanong ni Rin na kumuha ng atensyon naming lahat.

Nilibot ko naman din ang paningin ko ata pawang mga may kaniya-kaniya niarin sila.

"Okay na pala eh, ahm Manager Jennber...."

"Yes, sir."

Inayos na ni Miss Manager ang mga napili naming susuotin at nilagay iyon sa mga box.

"Ihahatid nalang po namin sa University niyo later." Aniya pa kay Rin. Tinanguhan naman siya ni Rin bilang sagot pabalik.

"So, tara na!"

Lumabas kami ng shop na lutang parin ang mga isip, basta nagpapatianod lang kami sa alon ni Rin.

"Rin...kailangan ko daw bumili ng contact lens..." nahihiya kong sabi sa kaniya.

Napatigil naman kami sa paglalakad at nilingon nila akong lahat, aishh bakit nila kailangan tumingin saakin? Nahihiya na nga ako eh.

"Perfect! Buti naisip mo yan, then lets go to EO!!"

Uno Class (Season 1)Where stories live. Discover now