(KABANATA 1)

121 3 0
                                        

J A S M I N E

"Saan ba kasi tong Supreme building?" Tanong ko sa sarili ko habang iginagala ang paningin sa paligid.

Kanina pa ako libot ng libot dito sa loob ng HOWU kaso dahil sa sobrang laki bukas ko pa ata matatapos libutin lahat ng sulok nitong campus. Bukod pa sa sobrang laki nito, napaka dami ding nag tataasang buildings Kaya mas lalo akong nahirapan hanapin tong papasukan ko.

"Hays, makapag tanong na nga lang" Singhal ko sa sarili habang inis na napapakamot sa buhok.

Nag lakad-lakad na muna ako hanggang sa may maka salubong akong... Feeling ko teacher. Medyo may katandaan na ang itsura niya ngunit bakas parin sa kaniya mukha ang kagandahan, naka suot siya ng itim na fitted dress habang may hawak-hawak na itim na laptop.

"Excuse me, ma'am. I just wanna ask lang po, kanina pa po kasi ako paikot-ikot dito pero Hindi ko po mahanap tong Supreme building. Ang sabi daw po kasi saakin, dito daw po ako papasok" Magalang kong sambit.

Tumingin siya saakin at nag taas ng isang kilay. Sandaling naka ramdam ako ng kilabot dahil sa mukha siyang masungit, ayaw ko pa naman sa lahat ay yung sinu-sungitan ako.

"So you're an Uno Angels?" Malumanay niyang sabi. Nangunot naman ang noo ko sa inihayag niya, Hindi ko kasi siya naintindihan tungkol sa tinutukoy niya.

"Po? Uno Angels?" Nag tataka kong tanong.

"You didn't know, are you?" Naka taas parin ang isang kilay niya.

"H-hindi po eh" Sagot ko na sinabyan pa ng pag iling.

"Uno Angels ay ang tawag sa mga nasa Uno Class, so kung Hindi ako nag kakamali ikaw ay part ng Uno Class... "

"Paano niyo po nalaman na part ako ng Uno class?"

"Because you're searching for Supreme building, and Supreme building is only for Uno class or Angels"

"Eh?" Gulat kong tanong. Sino ba naman kasing Hindi magugulat, yung buong building nayun pala ay para lang sa Uno class? Bigatin!

"Follow me, I'll lead you the way to Supreme building. And tell some trivia to you while walking" Hindi na ako naka sagot pa sa kaniya dahil tinalikuran na niya agad ako at nag simula naring mag lakad, Kaya sumunod nalang ako sa kaniya. Hindi ko pa nga pala nalalaman yung pangalan niya, paano ko ba itatanong?

"As you can see, this five big buildings in our way were all color gray... That is because it's for 2nd year college" Mag sasalita na Sana ako ng maunahan niya ako Kaya napatikom nalang ako ng bibig saka pinag misdan ang mga buildings na tinutukoy niya.

Yun nga din ang napansin ko kanina eh, yung mga buildings dito ay may mga kulay-kulay, Yun pala may meaning yun kala ko mema lang eh...

"The four White buildings are for 3rd year college, the five Gold buildings are for 4th year college. And of course the three black buildings are for 1st year college just like you"

"Woah, wait lang po. Yung uniform din po ba namin ay mababase din sa kulay-kulay ng building namin?" Tanong ko sa kaniya na may halong pag hanga.

"Yes" Sagot niya. Pinag masdan ko ulit ang mga dinadaanan namin, ang ibang mga studyante at naka suot na ng kani-kanilang uniform. Samantalang ako at ng mga kagaya kong 1st year students ay naka sivillian pa, dahil next next week pa kami mag uniform. Ganon daw kasi dito kapag 1st year ka palang.

Uno Class (Season 1)Where stories live. Discover now