(KABANATA 43)

9 0 0
                                    

H E A V E N L O K I

Tutungo na sana ako sa pinaroroonan ng taong iyon ng may biglang humila saaking braso dahilan upang mapatigil ako at lingunin ito.

“Punta na daw tayo sa table natin, malapit ng magsimula eh.” Sabi saakin ni Bubble.

Wala narin akong nagawa kundi ang sumunod sa kanila, tanging ang mga mata ko nalang ang hindi ko maalis sa taong iyon. Gustong-gusto ko na siyang puntahan at kausapin pero di ko alam kung anong maaring mangyari pag-ginawa ko yun ngayon. May iba pa naman sigurong pagkakataon, mag-hihintay nalang ako.

Sa sobrang pagkabalisa ko ay hindi ko na nasundan pa ang mga ganap sa debut ni Jasmine, basta lang kapag may nagpapalakpakan ay nakiki-palakpak nalang din ako, napansin ko rin na nakaka ilang baso na pala ako ng wine kaya nilayo na ni Peridot ang baso mula saakin, ang sama pa ng tingin.

Hindi pa namin nakikita si Jasmine, pero mukhang mag sasalita na ngayon yung taong kanina ko pa pinagmamasdan, kaya napukol ang buong atensyon ko sa kaniya.

“Hello Everyone, I hope you good day today…” aniya saglit saka nagpakita ng ngiti. “So all you know that its my baby’s debut today and im so happy at the same time kinda sad because she’s not a baby anymore….” Tila tumigil ang mundo ko nang marinig ang bawat litanya niya.

‘This can be real….’

“But before that, I want to thank all of you for attending her debut. And for those who send their gifts and greetings for Jasmine in our house, thank you too…very much.” Saglit namang nagpalakpakan ang mga tao, nakipalakpak narin kami. Ang dalas naman ata nila pumalakpak, kahit siguro dumaan lang ako sa tapat ng stage papalakpakan parin nila ako. Pero syempre di ko gagawin yun, nakakahiya kaya.

“Some of you barely know my daughter, and most of you might really know her. She’s a happy go lucky girl, she make friends easily, and even though she’s already teen I know she’s still a cry baby.” Napatawa pa siya saglit roon, ngunit halata rin sa kaniyang mukha na nagpipigil na lamang siya ng luha. “Hindi naging maganda ang alaala niya ng kabataan niya so I really hope na mapalitan iyon ng puro masasaya ngayon.”

‘I wonder why….??’

“Also, hindi pa naman siguro huli para manghingi ako tawad sayo Rin…” lahat kami ay nagulat ng biglang banggitin niya ang pangalan ni Rin, sabay-sabay pang nag lingunan ang nga bisita para hagilapin kung sino iyon. Naiilang na may panginginig  namang tumayo si Rin para maipaalam na siya ang tinutukoy. “Sa mga nagtataka, siya po si Rin Xanax, ex-boyfriend ng anak ko….so ayun sa kasamaang palad ay kami ang naging dahilan kung bakit sila nagkahiwalay, kaya humihingi ako ng tawad para roon, kahit alam naman na namin na okay na kayo as a friend.” Tumango naman si Rin habang nakangiti. Ibabalik kona sana ang tingin ko sa stage ng maligaw ito kay Gab na naka cross arm at naka pout.

‘Sana ayos ka lang…’

“Ikaw na bahala sa kaniya huh.” Makahulugan nitong usal. “Pinapasalamatan ko din ang mga kaklase niya sa HOWU na naging mga kaibigan narin  niyan sa paglipas ng panahon, naku, sana hindi kayo binibigyan ni Jasmine ng sakit ng ulo.” Aniya sabay tingin sa lamesa namin.

“Hindi naman po….” Sagot ni Augusthos, “lagi nga niya kaming pinaglulutuan ng masasarap eh” dagdag pa niya, parang wala lang sa kaniya ang napakaraming bisita kung magsalita siya.

Uno Class (Season 1)Where stories live. Discover now