J A S M I N E
"Ahh! Sabi ko na eh! Sabi ko na! Hindi talaga ako makaka tulog ng matino ngayon!" Sigaw ko habang dinidiin ang mukha sa una. "Bakit ba kasi ayaw akong lubayan ni Gab? Pati ba naman sa pag tulog ko? Hays.."
At dahil sa hindi ako maka tulog ngayon, pupunta nalang ako sa baba para maka pag laro ng computer games. Matagal-tagal na rin akong hindi nakaka pag laro, busy na kasi eh.
Habang palabas ako ng kwarto parang may kakaiba akong narinig hindi kalayuan, para bang kaluskos. Dahil sa tapang-tapangan ako, dahan-dahan akong nag lakad papunta sa kung saan ko man banda narinig yun. Buti nalang dala-dala ko tong BT21 na si RJ, may pang hampas ako. Ay naku, kawawa naman si RJ pag ganon, Mahal na mahal pa naman to ni Jin. Bahala na nga.
Kusa akong napahinto ng pag sarado naman ng pinto ang narinig ko, ngayon naman ay mas malapit na ito saakin.
"Aish, multo na ba this?" Bulong ko sa sarili. "Kung multo man, Sana walang alam sa martial arts. Para makatapat ako" Takte anong pinag sasabi ko?
Nag patuloy ulit ako sa pag lalakad hanggang sa maka rating ako kung saan ang mga kwarto ng boys. At pag dating ko doon ay may isang lalaking nakatalikod saakin, naka suot ito ng itim na leader jacket, faded jeans, at black gloves.
"Peridot?" Hindi ko namalayang lumabas iyon sa bibig ko. Gulat naman siyang lumingon saakin, Tama nga ako.
"Jasmine, bakit gising kapa?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
"H-hindi ako makatulog eh, ikaw? Bakit bihis na bihis ka? May lakad ka?" Sunod-sunod kong tanong.
"Aalis ako, lalabas ako ng HOWU. May kailangan lang... " Nag dadalawang isip niya pang sagot.
Aalis siya? Lalabas siya! Labas mismo ng university!
"Sama ako!!--" Medyo napalakas kong saad kaya dali-dali siyang lumapit saakin at tinakpan ang bibig ko.
"Shh, hinaan mo nga yang boses mo. Tyaka anong pinag sasabi mong sasama ka? Hindi pwede nuh!" Pa bulong niyang untag.
"Lalabas ka ng HOWU, kaya gusto kong sumama! Sama ako!" Pag pupumilit ko.
"Ang kulit mo talaga, hinaan mo nga sabi boses mo eh!"
"Basta sama ako"
"Hindi nga pwede!"
"Hoy yung boses mo!"
"Eh ang kulit mo eh!"
"Sisipain kita, Peridot. Isasama moko sa ayaw at sa ayaw mo"
"Aish! Oona oona! Tara." Akamang aalis na siya ng pigilan ko siya.
"Anong tara? Mag bibihis muna ako nuh. Ikaw ang ayos-ayos ng porma mo tas ako naka pantulog? May dala-dala pang stuff toy? No way!" Singhal ko sabay hila sa kaniya patungong kwarto ko.
"Ugh! Bilisan mo!"
Pag dating sa tapat ng kwarto ko...
"Pumasok ka" Utos ko ng nanatili siya sa labas.
"Tanga, kwarto mo to, babae ka, mag bibihis ka. Tas papa-pasukin moko? Asan utak mo, nasa stuff toy?" Bulyaw niya.
Alam ko naman yun eh, pero kailangan ko ng katibayan!
"Ihh, baka mamaya iwan moko eh!" Asik ko.
"Wag ka nga! Hindi kita iiwan!"
*KATAHIMIKAN*
*AWKWARDNESS OVERLOAD*
"Mag bihis kana, dito lang ako... " Aniya habang tinutulak ako papasok, malayo din ang tingin niya. At kung hindi ako nag kakamali.... Namumula siya.
YOU ARE READING
Uno Class (Season 1)
Teen FictionUno Class is a bunch of students with incredibly talents, high IQ, bravery and etc. But there's somethings that they're lack of...TRUST 'Jasmine Jase Mendez' is their class president, they treated her as if she were family and friend, but what they...
