(KABANATA 44)

9 0 0
                                    

J A S M I N E



My father picked me up from the stage with a wide smile, he took me into the huge space where everyone could see and watch us. He put my left hand on his right shoulder but before that he first gave me a red rose then held my right hand up, he danced me slowly along with the touching music.

“Dad…” naiiyak na usal ko.

“Dear, don’t cry. Don’t ruin your make-up, its your day today, you should stay beautiful until the end.” Aniya saka ngumiti, nginitian ko nalang din siya pabalik

Alam kong hindi siya ang tunay kong ama, ngunit hindi niya ako tinuring na iba. He love my mon unconditionally, hindi siya nawala sa tabi namin ni-isang beses at lagi niya kaming iniintindi. Sobrang bait niya na dumating na ako sa puntong naiisip ko na hindi namin deserve ang isang tulad niya.

Mula nung mawala ang tunay kong tatay, wala nang ibang nangyari samin kundi ang magluksa. Tila ang pagkawala niya ay pagkawala din ng aming mga sarili. Kitang-kita ko kung paano ilang ulit sinubukan ni mom bumangon para saakin, sinubukan niya akong aluhin at tulungang makalimutan ang madilim na trahedya.

Pero simula nung dumating siya, napaka daming nagbago. Para siyang baterya na nilagay sa napupundi naming ilaw.

Oo naging mahirap para saakin nung una na tanggapin siya, pakiramdam ko kasi oras na kilalanin ko na siya bilang ama ko ay makakalimutan ko na rin ang tunay na dahilan na pagkasilang ko sa mundong ito. Ayaw ko naman mangyari iyon syempre, kaya sinubukan ko ang lahat para mawala siya sa paningin ko, ngunit hindi niya ako sinukuan.

Ipinaliwanag niya sa akin ang mga bagay na hirap akong intindihin lalo na’t nung mga oras na iyon ay sarado ang isip at puso ko. Tinulungan niya kaming mag hilum ni mom, iningatan at inalagaan. Marami siyang mga bagay na tinuro saakin hanggang sa natutunan ko na din siyang mahalin.

“Dad, thank you for everything. Thank for staying, for holding me. Also, thank you for accepting and loving us.” Todo ang pagpigil ko sa mga luha na nais kumawala.

“Shh, I should be the one thanking you.” I chuckled to what he said.

“I guess were thankful and grateful for each other.” Kibit balikat kong saad.

“Uh-huh, happy birthday, dear. Wish you all the best, take care of yourself, okay? Let’s live happily after of your plan, let’s go to a beach and watch sunset altogether.” Maagap naman akong tumango sa kaniya, matapos nun ay inanunsyo na ng mc ang pangalan ng taong sunod kong isasayaw.

Dahil sa wala naman na akong ibang lalaking kapatid or pinsan, mga kaibigan ko nalang ang sinunod.

Nilapitan niya ako ng marahan, at nang paglapit niya ay saka ko lang napansin ang mamasa-masa niyang mga mata.

‘Aww, he’s emotional too.’

Ibinigay niya muna saakin ang pangalawang bulaklak saka ipinatong kamay ko sa balikat niya gaya ng kay dad. Sinimulan na rin niya akong isayaw ng mabagal habang inaalis ang mga mata saakin.

“Mas lalo kang gumwapo ngayong wala kang suot-suot na salamin. Dapat matagal mo nang ginawa yan eh.” Puri ko sa kaniya, pansin ko rin na magkapareho sila ni dad ng hugis ng mga mata.

“Talaga? Hindi naman din kasi ako sanay pero salamat narin.” Saglit siyang tumigil sa pagsasalita at sa pagsasayaw na ikinataka ko. Ngunit ang pagtatakang iyon ay agad ding napalitan ng pagkagulat sa sumunod niyang ginawa.

Tumibok ng mabilis ang puso ko nang bigla niya akong yakapin.

Para bang may isang importanteng bagay saakin ang naibalik.

Imbis na itulak ko siya palayo dahil sa kaniyang ginawa ay niyakap ko nalang din siya pabalik. Ewan, I just feel comfortable.

‘I feel home.’

“Finally, I’ve already found you…finally.” Bulong niya sa tainga ko saka mas lalong humigpit ang kaniyang pagyakap. Litong-lito ako sa mga sinasabi niya kaya hindi ko na nagawang makasagot pa. Maya-maya pa ay humilay narin siya ng yakap at hinalikan naman ang aking noo. “I’ll take care of you from now on, I will not leave your side. We’ll never be apart again, I promise you”

Iyon ang huli niyang mga katagang binitawan bago muli nanamang nag salita ang mc saka niya ako ipinasa kay Rin. Lutang pa ang isip ko kung hindi dahil kay Rin, bigla nalang niya kasing idinikit ang bulaklak sa ilong ko.

“Ganyan na ba ako ka-gwapo para matulala ka ng sobra?” pabiro niyang tanong.

“Buti naman at naligo ka ngayon, kung hindi, hindi ka talaga papapasukin dito.” Pabiro ko ding saad pabalik.

“Ouch ha…” arte niya habang sinasayaw na ako, ilang beses panga niya natapakan ang gown ko.

“Hindi ka ba inaalagan ni Daisyree ng maayos, huh? Nung nasa akin kapa hindi ka naman mukhang unggoy, pero ngayon malayo kapa sa unggoy. Hindi na maipaliwanag yung pag-mumukha mo.” Pang-aasar ko sa kaniya kahit kabaliktaran naman talaga ang lahat ng gusto kong sabihin, kapag pinuri ko kasi kung gaano siya ka-pogi ngayon, baka mag dance break na siya dito at masira pa ang party ko.

“Wow ha, pinupuna mo yung ‘pang-aalaga’ niya at kinukumpara mo sayo. Pero ayaw mo naman makipag balikan.” Bara naman niya saakin sabay irap ng mga mata. Napahagikgik nalang ako sa inusal niya. “Tyaka paano naman niya ako maaalagaan kung nasa Supreme Building na ako nakatira??”

“Edi bumalik ka sa Dos! Pinipilit kaba?”

“Grabe kana talaga….” Aniya sabay pout.

“Joke lang HAHAHHA” bawi ko.

“Che, ewan ko sayo. Kelan ba to matatapos, ang tagal naman ng sayaw natin.”

“Bati na tayo…Alam mo naman na luv na kita~~ Ang cute mo pag nagagalit ka~~ Halika nga i-hu-hug kita~~ Wag kanang magtatampo~~” pagkanta ko sa kaniya. Nakita ko ang pagliliwanag ng mukha niya ngunit agad din niya itong tinago.

“T-talaga??” pigil ngiti niyang tanong. Pabebe.

“Naniwala ka naman agad, oh ayan si Peridot na sunod. Bumalik kana sa table niyo HAHAHHA” mabilis akong humiwalay sa kaniya saka nag wave habang may ngising aso. “Mammoth, wazzup?!” salubong ko kay Peridot. Pagalit naman niyang binigay saakin ang bulaklak. “Problema mo hoy? Ang ayos-ayos ng porma mong ngayong araw tapos naka salubong yang kilay mo, pinaglihi kaba sa sama ng loob?”

“Ikaw kasi eh!” mahina ngunit madiin niya niyang untag.

“Anong ginawa ko sayo?” ako na ang kumuha sa mga kamay niya saka nagsimulang sumayaw, parang ayaw niya pa kasi eh.

“Okay na eh, tapos malalaman ko kasali pala ako dito sa 18 candles mo.” Reklamo niya.

“Ayaw mo pa?”

“Ayaw ko talaga, nakakahiya kaya. Tingnan mo oh ang dami-daming nanonood.”

“Tinatablan ka rin pala ng kahihiyan…infairness. Pero si Heaven nga na talagang mahiyain nagawa akong isayaw eh.” Naalala ko nanaman si Heavenisious.

“Psh.  Happy Birthday….” Namumula pa ang mga pisngi niya habang sinasabi iyon, hindi lang iyon, halatang iniiwasan niya pa ang mga tingin ko.

“Salamat, pero bakit ayaw moko tingnan? Hindi ba ako maganda ngayon?”

“Hindi ka naman talaga maganda…”

“Yawa….”

“HAHAHAH just kidding, ofcourse you’re beautiful.”

“Lagi-lagi?”

“Always. Pasalamat ka debut mo ngayon.” Binulong na niya ang huling mga salitang iyon ngunit narinig ko parin naman dahil sa magkadikit lang kami. “Anyways, nandito din parents ko. You know, kilala kana ni Dad, right?”

“Oh? Nagpadala pa nga rin sila ng regalo sa bahay, oh em gee, I fell so special today hihihi” hagikgik ko. “Pero bakit sila meron, pero kayo wala….”nalulungkot kong ani.

“Eh kasi si Rin, huli na bago niya sinabi saamin na debut mo. Wala tuloy kaming nabili na regalo, pero okay lang din naman daw yun kasi mayaman naman kayo.”

‘Yung lalaking yun….Grr.’

Hindi narin nagtagal ang pag uusap namin at sinundan na ito ni Augusthos, may ngununguya pa siya nung makalapit saakin. Nag usap lang din kami ng kung ano-ano at nagbatian, pinag-chismisan din namin si Rin at inasar-asar ito habang walang alam. Kwinento niya rin saakin kung anong nangyari pag alis ko sa bahay nila Mary Jane ng walang paalam. Nakalimutan ko kasi. Sa saglit na minuto naming pag sasayaw ay napakadami na agad naming chika.

Parang naglalakad naman sa Runaway fashion show si Kenjan nang siya na ang sumunod kong isasayaw, kagat-kagat niya pa ang tangkay ng bulaklak. Halos magtilian tuloy yung mga babaeng anak ng mga co-business partners nila Mom and Dad.

“Nakalimutan mo atang debut ko to at hindi pageant.” Usal ko sakaniya saka kinuha ang inaabot niyang bulaklak (Na galing pa sa bibig niya) ew.

“HAHAHA hayaan mo na, minsan lang eh, by the way happy birthday. Naks naman dalaga na siyaaaa owshiiieee.”

“Thank you, pero kailan mo ba ako balak isayaw??” tanong ko habang naka cross arm, hindi pa kasi siya tapos sa pagpapa-pogi eh.

“SoWRy SOoRryy, pero ang saya nitong party mo ah. Kompleto sa brand ng wine, wantosawa kami nila Shila.” Aniya saka hinapit ako sa bewang palapit sa kaniya.

“Sige lang…lubos-lubusin niyo na”

“Paano kung malasing kami??”

“Okay lang, pwede naman kayong matulog sa bahay.” Suhestyon ko.

“Weh?? Pagtapos kila Mary Jane senyo naman, G!!” excited niyang sambit.

“Tanungin mo muna sila, baka ayaw ng iba.”

“Geh geh! Nga pala Jas, kakaiba si Heaven ngayon nuh?” pag iiba niya ng topic.

“Legit.” Pag sang ayon ko din.

“Ang sweet niyo nga kanina habang nag sasayaw eh, nakaka inggit.”

‘Inggit daw….baka nakaka selos…uwuu!’

“Edi gumawa ka din ng paraan para mainggit siya.”

“Yun nga yung nasa isip ko eh, pero paano? Hmm ano ba yung mga ginawa niya sayo kanina? Niyakap ka, tapos kiniss ka sa noo—tama! Yun nalang din gagawin ko.”

“Ang alin don?” takha kong tanong.

“Yung kiniss ka niya sa noo, akin na noo mo dali. Wala pang humalik diyan kasunod niya diba?”

“Sira ulo!”

“Dali naaaa” hindi na ako naka sagot pa nang hawakan niya ang magkabilaan kong pisngi at ilapit ang noo ko sa labi niya. Wala nalang din akong nagawa matapos nun at natulala nalang. “Shit!” bumalik ang diwa ko ng bigla siyang sumigaw nun.

“Bakit? Anong problema?!” natataranta ko ring tanong, syempre nabigla eh. Ikaw ba naman galing pa sa kabilang dimension tapos bigla-biglang mamumura.

“Look at Heaven and Gabrielle’s face….Im doomed.” Naging pabulong nalang iyon ngayon.

Tiningnan ko rin ang dalawang taong iyon na pawang mga naka upo sa table nila.

Masama pareho ang tingin nila saamin, para bang sinasabi nila na humanda na kami pag tapos lang ng party na ito. Pero imbis na matakot ako para sa sarili ko, mas natatakot ako para kay Kenjan. Parang siya kasi talaga ang pinag iinitan ng dalawa eh.

‘Kawawang nilalang….yan kasi.’

Matapos naming dalawa ay nanginginig siyang bumalik sa kanila at sunod naman si Kingsley na parang walang alam sa mga nangyayari.

“Ayos ka lang, King?” tanong ko pagkalapit.

“Ha? Oo, tinatamad lang ako tumayo. Ang dami ko kasing nakain parang ang bigat tuloy ng tiyan ko.” Sagot naman niya saka hinimas-himas ang tiyan niya.

“HAHAHA ayos lang yan, pero mag tira ka ng space para sa cake mamaya.”

“Hala oonga pala, kaya nag tataka ako kanina eh. Debut mo tapos walang cake?”

“Mamaya pa kasi, oh nasan na yung bulaklak mo?” tanong ko, wala parin kasi siyang inaabot na rose pero magsisimula na kaming sumayaw.

“Bulaklak? Para san? May burol ba?” sunod-sunod niyang tanong. Napa sampal nalang ako ng noo dahil sa kabo—‘ka-inosentihan’ niya….

“G*g*, anong burol pinagsasabi mo?! Debut ko tapos tatanungin mo kung may burol ba?! Gusto mo na bang paglamayan ha?!” sigaw ko, pati tuloy yung mga nanonood saamin ay nagtatakha na sa mga nangyayari.

“Oh eh bakit kailangan mo ng bulaklak kung wala naman palang burol?” tanong niya padin.

‘Hinga ng malalim….’

“Nakikita mo ba tong hawak ko?” patukoy ko sa mga roses na binigay saakin bawat isa ng mga nasayaw ko na bago siya. Tinguhan naman niya ako. “Ito yung tinutukoy ko, kasi diba kasali ka sa 18 roses?? Bale kailangan mo nito—ugh!! Ang hirap mag explain!” irita kong bulyaw.

“Eh?”

“Huwag mo akong ma-eh-eh, Kingsley Adonis Vernardo”

“Yung bulaklak tinapon kona kanina, akala ko wala lang yun eh, malay koba. “

“Kingsley….”

“Sorry na, ito nalang….pambawi.”

Agad naman nanlaki ang mga mata ko nang makita kung ano ang kinuha niya mula sa kaniyang likuran.

‘A fvcking rose made of A fvcking dollar bills’

“What the hell, Kingsley.” Iyon ang unang lumabas sa bibig ko ng mahawakan na iyon.

“Masiyado kasing cheap kung normal na red rose lang ang ibibigay ko sa iyo, tapos wala pa akong gift. Kaya naisipan ko nalang na gumawa niyan.” Salaysay niya saka ngumiti saakin.

“Awit ang kapal, magkano to?”

“20 dollar bills lang yan.”

“Ayos lang, dagdagan mo nalang ulit mamaya.”

“Para san? Pang abuloy?” ayan bumabalik nanaman siya sa pagka-abnoy.

“Easily ka lang, alam ko naman na atat na atat ka nang mahiga sa kabaong mo. Patapusin lang natin tong party at kukumutan pa kita.” Ngising aso pa ako habang sinasabi iyon.

“Joke lang HAHAHHA”

Uno Class (Season 1)Where stories live. Discover now