J A S M I N E
26th of June, year 2020
Panibagong araw na naman, at napaka bilis nga naman ng panahon akalain mo yun. Isang linggo na pala akong nandito, at kasama tong mga makukulit kong mga kaklase.
Hays, sa loob ng isang linggo marami narin akong nalalaman sa kanila. Kumbaga mas lumalim pa ang samahan namin kahit isang linggo pa lang ang nakalilipas.
Nalaman ko na si Katherine pala O A. k. A si ikle, ay may lihim din na pag tingin kay Augusthos. So bale may M.U na sila, pero syempre pareho din nilang Hindi alam yun. Tanging ako pa lang, at wala akong balak sabihin sa kanila yun. Bahala sila sa buhay nila.
May napapansin din ako Kay Shila, Lian, at Heaven. Hindi ko pa nakukumpirma pero na pag hahalataan eh, pansin ko kasing laging naka buntot si Lian Kay Shila, Tapos si Shila naman lagi pading sinusungitan si Lian.... Pero, lagi ko ding napapansin na ang ganda-ganda ng ngiti ni Shila pag si Heaven ang kausap niya! Pero si Heaven naman medyo dinidedma siya dahil nga may pag ka-mahiyain si Koyaaa.
Ito pa! Speaking of Heaven, alam ko ang darkest secret niya. Paano ko nalaman? Well, ito ang nangyari.
(Flashback)
Madaling araw ng maalimpungatan ako sa pag tulog, namimiss kona kasi ang mga parents ko kaya ganito ako. Ilang sandali ay ipinkit kong muli ang mga mata ko at niyakap ng mahigpit si TATA, pero hindi parin ako maka tulog, uminom narin ako ng tubig at gatas pero wala parin.
Hays, may isang paraan pa ako para dalawin ulit ako ng antok. Pero sa ganitong oras?... Ayaw ko ngang gawin yun, at Sino naman ang makaka laro ko ng ganitong oras?
Bahala na nga.
Dahil sa gustong-gusto ko na talaga maka tulog ulit, lumabas ako ng kwarto bitbit-bitbit si TATA saka ako sumakay ng elevator. Mahigpit ang pag kaka hawak ko sa stuff toys para pigilan ang takot ko, dahil nga sa mag isa lang ako ngayon na naka sakay sa elevator. Eh sa mga napapanood ko pa namang horror movies laging may lumalabas na mumo dito, mamamatay-sindi muna ang ilaw bago yun... Kya ang creepy!
Nang marinig ko na ang "ting" Sound, hudyat na nasa tamang palapag na ako ay doon lang ako naka hinga ng maayos. Dahan-dahan akong nag lakad palapit sa pangalawang kwarto dito sa third floor. Dumagundong naman ang dibdib ko ng mapansing naka bukas ito ng maliit.
'Bakit bukas to?' Tanong ko sa sarili ko habang dahan-dahan padin ang pag lalakad. Naku, baka may mumo! Sa pag kaka-alala ko ang huling pasok namin dito ay yung bago pa lang kami at nililibot pa namin tong buong building, Kaya bakit naka bukas to?
Himinto na ako sa pag lalakad nang marating kona ang pinto, mula dito sa kinatatayuan ko ay rinig na rinig ko ang mga pagtipa sa keyboard mula sa loob. Gosh, may tao nga sa loob! Teka tao nga ba? Wah! Ayaw kona, babalik nalang ako sa kwarto ko!
Akmang aalis na ako ng bigla kong marinig ang pangalan ko, mahina lamang ito na parang bulong.
"Jasmine... " Pag uulit niya ngunit Hindi parin ako humaharap sa kung sino man yun. Kasi paano kung pag lingon ko bigla niya akong hampasin ng kung ano, O dikaya saksakin.
YOU ARE READING
Uno Class (Season 1)
Teen FictionUno Class is a bunch of students with incredibly talents, high IQ, bravery and etc. But there's somethings that they're lack of...TRUST 'Jasmine Jase Mendez' is their class president, they treated her as if she were family and friend, but what they...