(KABANATA 32)

15 0 0
                                    

P E R I D O T

Hindi naging maganda ang kinalabasan ng plano naming sundan lang si Jamir, nauwi ang lahat ng ito sa habulan at kung sino ang mahuli ay bugbog.

Nang makalabas na silang apat sa ilalim agad kaming nag takbuhan ngunit sa kasamaang palad nagkanda-ligaw-ligaw kami sa mga iskinita kaya hindi kami nakasakay sa van, at ito tuloy parjn sa pagtakbo palayo sa mga taong yun.

Iba sa mga humahabol saamin ay may bitbit ng mga dos por dos, mga hindi man lang nag iisip na mga bata lang kami. May kusilyo pa.

Pero ang mas nakakagulat pa dito ay si Shila, yung kanang kamay niya kasi puro dugo tapos may hawak din siyang kutsilyo kagaya ni Jamir, perk si Jamir malinis pa.

Hindi namin alam ang nangyari at hindi pa namin matanong dahil nga sa tumatakbo kami.

"Heaven....baka naman gusto niyo kaming tulungan....hingal na...hingal na ako" asik ni Augusthos.

"Dont worry, guys. Tiis-tiis lang, may inaasikaso pa kami eh." Sagot naman ni Jasmine.

"Mas importante pa ba yan kesa saamin?" Inis naman na tanong ni Shila.

"Ha? Ah slight." Maikling sagot ni Heaven.

"Ulol." Singhal ko.

"Dito. Tago bilis" asik ni Jamir saka nag tago sa isang bahay na parang walang naka tira.

Sumunod naman din kami sa kaniya at nang sa wakas ay nakatago na kami doon, kami naman ang humabol sa mga hininga namin.

"Wengya! Kinabahan ako don ah." Untag ni Kingsley.

"Bakit ba kasi kayo pumunta pa sa lugar na yon?" Tanong ni Jamir.

"Oh? Kami dapat ang nag tatanong dito eh. Bakit ka pumupunta sa ganong klaseng lugar? Bakit hindi mo sinasabi saamin ang tungkol sa pag labas mo? Bakit ganon yung ginagawa mo sa lugar na iyon? Ano bang meron don? Nag aalala kami sayo kasi tuwing bumabalik ka ng HOWU lagi kang may pasa or sugat! Akala mo ba hindi namin napapansin? Kaninamuntik ka ng mamatay dahil sa balak kang patayin ng Buknoy na yun! Akala mo ba susundin niya ang patakaran niyong walang gagamit ng kahit anong bagay na may patalim? Tsk." Nanggagalaiting bulyaw ni Shila.

Lahat naman kami ay naiwang tulala dhil sa gulat, ngayon lang namin nakitang nagalit ng ganon si Shila. Oo masuingit siya, sobra. Pero kailanman ay hindi siya sumigaw ng ganon, hindi siya nag react ng ganyan. Ngayon lang talaga.

"P-paanong--" hindi n natuloy ni Jamir ang sasabihin niya ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nun angbmga kalalakihan na kaninang nag hahabol saamin.

"Nandito lang pala kayo, kanina pa kami naghahanap sa inyo." Asik ng lalaking MC kanina.

"Boss, please huwag niyo silang sasaktan. Hayaan niyo nalang silang maka alis" Pag mamakaawa ni Jamir.

"Why are you pleading?" I asked. "You think we cant fight this guys here?" I added while pointing to them using my middle finger. Yeah.

"Aba, mayabang tong isa ah...HAHAHAH sorry Jam-Jam pero mukhang masaya paglaruan tong mga kaibigan mo."

Uno Class (Season 1)Where stories live. Discover now