J A S M I N E
Ang ganda!! Grabe mauubusan na ata ako ng papuri para dito sa kwarto ko, sobrang laki ng espasyo pati ang Bilog at itim kong kama ay sobrang laki, tas naka harap yun sa napaka laki ding glass window na may napaka laki ding mga itim na kurtina.
May dalawang nag lalakihang itim na closet din, tas itim na carpet na may naka tatak na pangalan ko. Yung CR naman over din sa laki, may jacuzzi pa, tas yung bathtub mala swimming pool sa laki din. Kompleto na rin ang mga gamit pang ligo, yung tuwalya ko pa ngang itim ay may pangalan ko din.
Lahat ng gamit mga mukhang Mahal pa sa Mahal. Tiningnan ko naman ang isang closet ko at may mga damit naring nakalagay doon, bawat damit ay may naka printang maliliit na initial ko kapag binaliktad mo ang mga damit, sa bandang baba. JJM ang naka lagay. Halatang para saakin talaga, may roon naring mga undergarments, kompleto.
Mukhang tama nga yung teacher kanina, Hindi ko na nga ata talaga kailangan pang mag dala ng ibang gamit. Pero kailangan kong kunin yung BT21 kong mga stuffs, Hindi ako makaka tulog pag Hindi ko yakap ang isa don.
Sunod ko namang binuksan ay ang pangalawang closet kung saan naka lagay ang mga uniform ko, puro itim din ito pero ang ganda. Nakaka excite tuloy suotin.
"Hayy... Luxurious life. " Bulong ko sa sarili habang dumadapa sa kama, mamaya na ako mag bibihis tinatamad pa ako. "New friends... " Dagdag ko pa ng maalala ang mga bagong kong kaklase. "And new crush... " Nangingiti kong sambit.
Maya-maya pa ay kinain na ako naantok, nagising lamang ako dahil sa mag kakasunod na katok mula sa akin pinto, tumayo ako at agad na lumapit doon habang nag kukusot-kusot pa ng isang mata.
Sino Kaya yun? Baka sila dad, pero gabi pa yun uuwi eh, gabi naba?
"Yes?" Bungad ko pagkabukas ko ng pinto.
"Nagising kaba namin? Ahm, itutuloy na kasi natin yung pag iikot" Nanlaki ang mga mata ko at napatitig sa mga taong nag aabang sa lahat ng pinto ko.
Inilibot ko ang mga paningin ko sa kwarto at doon ko na naalala na wala nga pala ako sa bahay, at nandito ako sa HOWU.
"O-oonga pala, saglit lang ha mag bibihis lang ako" Tila nagising ang diwa ko sa pang yayari.
"Sige, mag aantay nalang kami dito" Sagot ni Kath.
Dali-dali naman ako kumuha ng bagong damit sa closet ko at nag bihis narin agad, Hindi ko alam kung anong oras na pero sa palagay ko ay hapon na dahil na din sa padilim ng kalangitan sa labas ng glass window ng kwarto. Matapos kong mag ayos ulit ay agad na akong tumungo sa kanila, gaya ko ay tila nag bihis na din sila ng damit.
Habang nag lalakad kami papuntang elevator unti-unti akong may naaaninag na mga taong Hindi pamilyar sa aking mga mata. Kung bibilangin ay mga nasa anim katao sila.
"Sino sila?" Tanong ko kay Kingsley na katabi ko lamang at kasabay sa pag lalakad.
"Sila ang iba nating kaklase" Sagot naman niya habang nakatuon din ang atensyon sa mga iyon. Nang makalapit kami sa kanila....
"They are our co-Angels, tapos narin nilang maikot ang mga inikutan natin kanina. Kaya sabay-sabay narin tayong mag lilibot sa taas pa nito.... Mabuti pa, mag pakilala na muna tayo sa isa't-isa. Ako si Gabrielle Miguel Ashton, just call me Gab" Pahayag niya.
"Ako naman si Kenjan Kyle Samson"
"Akala niyo si Jungkook no? Nag kakamali kayo, ako nga pala si Augusthos Denmark Mariano" Pabirong sabi ni August, impit na natawa naman ako sa kaniya. Dinamay niya pa talaga si Jeon Jungkook.
YOU ARE READING
Uno Class (Season 1)
Novela JuvenilUno Class is a bunch of students with incredibly talents, high IQ, bravery and etc. But there's somethings that they're lack of...TRUST 'Jasmine Jase Mendez' is their class president, they treated her as if she were family and friend, but what they...