J A S M I N E
Noisy.
Crowded.
Too many lights.
The smell of alcohol and smoke from their cars are mixing.
"Huh, akalain mo nga naman... Peridot, binalik mo ulit ako dito!" Mag kahalong galak at lungkot kong sambit.
"Naka punta kana dito?" Gulat niyang tanong.
"Before. I'm so wasted as fudge, then I met someone from the club and he brings me here. That's my first time, and it's true... That once you get here, you won't wish to leave anymore" Aniko saka ngumiti habang hindi inaalis ang mga mata sa nag kakarerang mga sasakyan.
"Eh? Bakit naman sumasama ka nalang basta-basta sa mga kaka-kilala mo pa lang?! Hindi mo ba alam na delikado yun? Tyaka menor de edad ka palang paano ka naka pasok sa club ha?"
"Syempre connection at hindi rin naman halatang minor palang ako, tyaka sabi ko nga sayo, nung mga panahon na yun wasted na wasted ako, Kaya wala na akong pakialam kung may mangyare mang masama saakin. Pero dahil sa lalaki na yun para ulit akong nag kabuhay, kaso sa masamang palad hindi na ulit ako naka balik dito"
"Why?"
"Dahil sa buhay na binigay niya... Madaming bagay ang pumasok sa isip ko, Kaya ayun naging abala ako sa mga plano ko"
"Whats your plan?"
"Secret. You know, let's just have fun tonight! My gosh I'm so excited!"
"You're unbelievable" He commented.
"I guess.. "
Ride an chase.
Dito nagaganap ang mga ilegal na karera kung saan maraming mga bigatin ang nag pupunta dito at nakikipag pustahan, minsan naman ay para lang maka dawit ng mga babaeng halos hubo't-hubad na.
Nung una kong punta dito grabe talaga yung takot ko, nakaka takot naman kasi talaga ang lugar, Hindi lang lugar kundi pati yung mga tao. Nag lalakihang katawan at punong-puno ng mga tattoo, aakalain mong mga tambay sa kanto pero yun naman pala ay mga taong banko ang bulsa. Karamihan dito ay mga kilalang tao talaga sa industriya, pero tinatago lamang nila ang kanilang mga sarili sa likod ng mga maskara at nickname.
"What's your name here?" I asked Peridot.
"Shadow."
"Oh, nice. "
"How bout you? Since this your second time here, I'm sure you've got yourself too"
"Uh-huh, I'm arrow. Actually yung lalaking nagdala sakin dito ang nag bigay ng nickname na yan"
"Hmm, so sino nga pala yung lalaking yun?"
"Si Shark"
"What?!" Gumuhit ang gulat sa kaniyang mukha ng marinig niya ang pangalang binanggit ko.
"Kilala mo?" Tanong ko saka humarap sa kaniya ng buo.
"Malamang, iisa lang ang Shark dito at kilalang-kilala pa yun. Tyaka isa pa... Pinsan ko yun"
YOU ARE READING
Uno Class (Season 1)
Fiksi RemajaUno Class is a bunch of students with incredibly talents, high IQ, bravery and etc. But there's somethings that they're lack of...TRUST 'Jasmine Jase Mendez' is their class president, they treated her as if she were family and friend, but what they...
