B U B B L E
“Hello, Bea? Ano bang problema? Bakit kanina kapa tawag ng tawag?” tanong ko habang nag uunat ng katawan.
“Sorry, kuya. Nagising ba kita?” tanong niya pabalik, napatingin naman ako sa wall clock ng kwarto ko.
“Sakto lang, ganitong oras din naman ako gumigising para pumasok, pero wala kaming pasok ngayon. Oh e bakit kaba tawag ng tawag?” nakaka ilang missed call na kasi siya saakin, eh syempre tulog mantika ako minsan lalo na pag pagod kaya hindi ko nasagot.
“Kasi kuya….” Parang nagdadalawang isip pa siya kung dapat niya bang sabihin saakin ang kung ano man yun. Nanatili akong tahimik at hinayaan siyang mag desisyon. “Kasi kuya si papa, lagi-lagi na siyang pumupunta dito h-hindi ko lang masabi sa iyo….” Bakas ko ang matinding takot at galit mula sa kaniyang pagsasalita, pakiramdam ko din ay pinipigilan niya lang umiyak. Napatayo naman agad sa kama nang marinig ko ang sinabi niya.
“Anong sabi mo? Anong ibig mong sabihin?”
“Pumupunta s-siya dito kuya…Araw-araw…gabi-gabi” kahit anong pigil niya ay halata parin ang pagkrak ng kaniyang boses. Kinabahan naman agad ako dahil sa alam kong mag-isa nalang ang kapatid ko sa bahay namin at hindi pa ako nakaka-uwi.
“A-anong ginawa niya sayo?! Sabihin mo, Bea! Anong ginawa sayo ng taong yun?!” nanggagalaiti kong sigaw sa telepono. May mangyari lang talaga sa kapatid ko…hinding-hindi ko siya mapapatawad…
“Kuya, umuwi kana please…” nagsimula na niyang pakawalan ang mga hikbing kanina pa pinipigilan. Napa upo naman ulit ako sa kama dahil sa parang hinigupan ako ng lakas.
“Antayin moko...Uuwi ako ngayon din, ha…” mahinahon ko ng sabi. Matapos nun ay binaba ko na rin ang tawag. Napasapo nalang ako sa noo ko at napayuko.
‘Anong gagawin ko?....Anong gagawin ko??....Ano….’
Hindi ko kayang harapin ang taong yun ng ako lang, natatakot ako…pero yung kapatid ko…Mama, kung nandito ka lang sana…. Napaiyak nalang ako dala ng inis. Lord, nagmamakaawa po ako sa inyo…tulungan niyo po kami, hindi ko na po alam kung ano ba ang dapag kong gawin….Kaso sa gitna ng pag-emote ko ay may narinig akong tatlong magkakasunod na katok.
“Knock knock! Bubble, gising kana ba? Kakain na tayo!” tinig iyon ni Jasmine mula sa labas ng pinto.
‘Lord? Si Jasmine po ba? Siya na ba ang makakatulong saamin?’
Mabilis akong tumayo at pinagbuksan ng pinto si Jasmine, bahagya pa siyang nagulat dahil don ngunit naka bawi din agad, ngingitian pa sana niya ako nang mapansin ang basa kong mukha, napalitan ng pag-aalala ang kaniyang ekspresyon.
“Anong nangyari sayo? Bakit ka umiiyak?” sinenyasan ko muna siya na pumasok sa loob bago ko isiwalat ang lahat.
“Jasmine, sa totoo lang hindi ko alam kung paano ka makakatulong saamin…pero, ikaw ang pinadala ng diyos nang tumawag ako sa kaniya para manghingi ng tulong…” pasimula ko.
“Hindi kita maintindihan, pwede bang kumalma ka muna. Hindi maayos ang paghinga mo, baka bigla ka nalang mahimatay, naku.” Aniya saakin. Sinunod ko naman ang sinabi niya at huminga muna ako ng malalim. “Okay, so ano bang problema? May magagawa ba ako? Ano sabihin mo…”
“Tumawag saakin ang kapatid ko kanina, sabi niya madalas na daw ang pag uwi ng papa namin don sa bahay…”
“Oh ano naman? Syempre bahay niyo yun malamang uuwi talaga siya don lagi.” Untag niya. Dahil sa mukhang mahihirapan talaga siyang intindihin ang sitwasyon, ipinaliwanag ko na din ang lahat mula umpisa.
“A year ago, our mom passed away. Over dose daw ang sabi ng mga doktor.” Huminto muna ako saglit para lunukin ang laway na nagbabara sa lalamunan ko. “Kalat na kalat sa barangay namin na nagpakamatay daw ang mama namin dahil sa stress na dinudulot din namin, hindi na daw niya kinaya kaya mas linili nalang niyang mamatay. But little did they know, si papa ang may pakana ng pagkamatay ni mama. Nung gabi bago ang araw na iyon naka usap pa namin si Mama, masayang-masaya pa kaming nag ku-kwentuhan. Alam mo kung ano pa yung sinabi ni mama na tanging pinanghahawakan namin magkapatid? Sabi niya ‘Kahit ito lang tayo, kahit ganto lang ang buhay natin, basta’t kasama ko kayong dalawa masaya na ako’…k-kaya paano? Paano niya magagawang kitilin ang sarili niyang buhay kung ganon naman ang nararamdaman niya….”
Muli nanamang nagtuluan ang mga luha ko sa pagaalala palang ng mga nakaraan ko.
“Im-Im so sorry to hear that…” aniya sabay alo saakin, tinanguhan ko naman siya para maiparating na ayos lang iyon o hindi naman niya kailangan humingi ng sorry. “Pero, kung sinasabi mong hindi talaga nagpakamatay ang mama mo, ibig mo bang sabihin papa mo ang pumatay sa kaniya? Pero bakit naman niya gagawin yun?” naguguluhan niyang ani.
“Nagbago siya simula nung mamatay ang mama niya, hindi sila magka ayos nung yumao si lola kaya kay mama pinama ang mga ari-arian. Nagalit siya pati kay mama, tapos nalubog siya sa bisyong alak, sugal, at droga. Hanggang sa unti-unti nadin kaming nabaon sa utang, walang nagawa si mama kundi gamitin ang mga ipinamana sa kaniya pambayad sa mga ka-tarantaduhan ni papa.”
“So pinatay ng papa mo ang mama mo dahil sa pera?”
“Oo, akala niya kasi malilipat na sa kaniya ang iba pang naiwan ni mama kapag namatay ito. Pero laking gulat niya nang wala parin. Nailipat na pala ni mama lahat saakin ang pera bago pa man siya mamatay, kaya ngayon naman ay kami ang pinupunterya magkapatid.”
“Oh em gee….”
“Ayos lang naman sana kung ako lang ang pupunteryahin niya pero yung kapatid ko…. Mahina lang siya, hindi niya kayang ipagtanggol ang sarili niya.”
“Bubble, puntahan na natin ang kapatid mo para sunduin, dito mo nalang din siya patirahin para magkasama na kayo, secure pa siya” nakangiti siya habang sinasabi iyon saakin, para bang may nakasulat sa mukha niyang ‘magiging okay din ang lahat’. Gumaan naman din ang pakiramdam ko kahit papaano.
“Woy, Jasmine bakit daw ang tagal niyo?” biglang sumulpot si Lian na hinahanap na pala kami. “Oh, bakit parang kakaiba yung atmosphere dito?” tanong niya nang makapasok na siya sa kwarto ko. Si Jasmine naman ang humarap sa kaniya habang ako ay abala sa pagpupunas ng luha ko sa mata.
“Lian, hindi na muna kami makakasabay sa inyo. Pupuntahan namin yung kapatid niya tapos kakain nadin kami sa labas.” Buong ngiti niyang sabi.
“Ganon? Kakain kayo sa labas? Aba sasama nalang din ako sainyo”
“Shunge, kami ni Rin yung nagluto nun.”
“Ihh, sama nalang ako senyo, ha?. Wait papalit ako damit” anito saka mabilis na lumabas ng kwarto.
“Ikaw din Bubble mag ayos kana, ako nang bahala magsabi pa sa iba.” Paalam niya at lumabas narin ng kwarto ko kaya ngayon ay ako nalang ulit ang naiwan. Naisipan kong mag ayos na din ng sarili.
Ilang minuto lamang ang nakalipas ay tapos na rin ako, pagbalik ko sa kama sa kung saan ko iniwan ang cellphone ko, sakto naman itong nag ring.
“Hello, Bea. Papunta na ako, nga pala may mga kasama akong kaibigan, mag impake ka na ng mga damit mo diyan kasi isasama na kita—” hindi pa ako tapos magsalita ay pinutol na niya ako.
“Kuya…huwag…huwag kanang pumunta….” Parang nanghihina niyang usal o parang hingal na hingal.
“Huh? Bakit naman? Anong nangyari?” nasimula nanaman akong magpanic at kabahan. Saglit na katahimikan muna ang nanaig bago ko muling narinig magsalita si Bea.
“Kuya…Brix, huwag mong k-kakalimutan na…m-mahal na mahal kita. Mara…ming salamat s-sa lahat.”
“Ano kaba naman, alam ko naman n-na mahal moko. Tyaka hindi mo naman na ako kailangan pang pasalamatan, kapatid kita eh kaya natural lang yung mga ginagawa ko sayo.” Mas lalong kumalabog ng malakas ang puso ko dahil sa takot.
“Kuya, p-papatayin ka niya….kapag pumunta ka dito… kaya please…”
“Nandiyan nanaman ba siya? Ibigay mo sa kaniya yung telepono at kakausapin ko yung mokong na yan! Tinatakot ka ba niya ha?! Sabihin mo saakin kung anong ginawa niya sayo!!” hindi ko na nakontrol ang tono ng aking pananalita gaya narin ng hindi ko na makontrol ang mga naghahalo-halo kong emosyon. Wala akong narinig na salita sa kaniya at tanging mabibigat na paghinga niya lang. “Bea!!! Magsalita ka!!”
“Si mama…nandito na siya…kuya…” matapos nun ay may narinig akong magkakasunod na putok ng baril.
“Bea!!” namatay na ang tawag at doon ko nalang napansin na todo na pala ang panginginig ng katawan ko.
“Bubble?! Bakit ka nagsisisigaw? May nangyari ba?” magkasabay na dumating si Lian at Jasmine dito at punong-puno ng pag-aalala ang mga mukha.
“Umalis na tayo, please…puntahan na natin yung kapatid ko…please, Jasmine” pagmamakaawa ko. Mabilis naman siyang tumango.
“Oo, naka handa na ang kotse sa labas. Aalis na tayo, okay?”
Dali-dali kaming sumakay sa kotse pagkalabas ng Supreme Building, hindi ko na din nagawa pang makapag-paalam sa iba pa naming mga kaklase dala ng pagmamadali. Si Jasmine na ang nag drive dahil sanay daw siya sa mabilisang pagpapatakbo pero safe naman, katabi niya si Lian at ako naman ang mag isa dito sa likod. Wala paring tigil ang mga tuhod at kamay ko sa panginginig, natatakot ako sa mga maaari kong maabutan pagdating sa bahay….
“Bubble, hindi ko alam papuntang bahay niyo. Baka pwedeng ituro mo muna saakin?” –Jasmine.
“U-uh sige….” Kahit na hindi parin mawala saakin ang kalagayan ng kapatid, pinilit ko paring idiretso ang pag-iisip ko para maka-usap ako ng matino nila Jas at Lian.
Tama ngang mabilis mag drive si Jasmine, nakarating na agad kami eh. Napatingin ako kay Lian nang parang masuka-suka na siya pagkababa na pagkababa sa kotse, pero ako wala namang ibang naramdaman dahil narin siguro sa lumilipad sa kung saan ang isip ko.
“D-doon ang bahay namin, yung brown na gate….” Turo ko sa bahay namin na abot tanaw na. Bawat hakbang ko ay pabilis din ng pabilis ang tibok ng puso ko. “Wait lang, masama talaga ang pakiramdam ko dito eh…kinakabahan ako.” Huminto ako sa paglalakad at napahawak sa dibdib.
“Bubble, sa totoo lang may masama din akong pakiramdam mula kanina ng sabihin mo saamin yung huling pag-uusap niyo magkapatid. Ayaw ko lang magsalita dahil alam kong madadagdagan lang ang takot mo, pero hindi ko na din mapigilan eh…sorry” salaysay ni Jasmine.
“Tumawag na kaya tayo ng pulis ngayon palang?” nangangamba ding tanong ni Lian.
“Anong sasabihin natin? Na dahil lang sa masama ang pakiramdam natin kailangan na nilang pumunta? Mabuti pa siguro i-check muna natin sa loob tapos saka na tayo tumawag kapag na-comfirm na.” suhestyon ni Jasmine.
“Tama si Jas, i-ready mo nalang yang cellphone mo” ani ko naman. Pagakatapos ng maikling pag-uusap na iyon ay napagdesisyonan naming tumuloy na. Ako ang nagpa-una sa pagpasok dahil ako lang ang nakaka-alam sa bahay. “Bea? Nandito na si kuya…Bea??”
Tinungo namin ang sala ngunit wala siya roon, pinuntahan nadin namin ang kusina ngunit maging doon ay wala parin.
“Baka nasa kwarto siya, tara.” Sabi ko, sinundan naman nila ako papuntang kwarto ni Baby. Pagkarating ay kumatok muna ako. “Bea? Asa loob kaba? Si kuya to….” Kalmado kong sambit. Ilang minuto ngunit wala paring nagsasalita.
“Pasukin na kaya natin? Buksan mo na” tila naiinip na na sabi ni Lian. Sinubukan ko naman ding buksan ang door knob ngunit naka lock ito.
“Naka-lock…”
“Wala ka bang susi?” –Lian. Umiling naman ako bilang sagot. Sinubukan ko paring paikot-ikutin ang door knob sa pagbabasakali ngunit wala din akong napala.
“Tabi, ako na.” seryosong sabi ni Jasmine habang may hawak-hawak ng martilyo.
“Saan galing yan?” gulat na tanong ni Lian.
“Sa ilalim ng lababo niyo, nakita ko kanina.” Sagot naman ni Jas. “Tabi na, ayos lang naman na sirain ko na to diba? Pwede ko naman kayong bilhan ng bagong bahay.”
Sumunod kami sa sinabi niya at lumayo ng konti sa kaniya, pero kahit nakakailang pukpok na siya ng martilyo, hindi parin niya ito nasisira.
“Hindi mo kaya, Jasmine. Bigay mo nalang sakin, ako na gagawa” saad ni Lian saka kinuha ang martilyo kay Jas. Siya naman ang nagpupukpok dito at ilang pukpok lang ay tuluyan na nga niya itong nasira kaya nabuksan narin namin ang pinto.
Pagkapasok namin sa kwarto ni Bea, agad akong nanlumo sa nakita. Halos hindi ko na maihakbang ang aking mga paa, wala nalang akong ibang nagawa kundi ang mapasigaw.
“BEA!!!” Kasabay ng aking pagsigaw ay ang pagtulo ng mga luha ko. Napalabas nalang ulit si Lian sa nakita at parang pinipigilan ang pagsuka, si Jasmine naman humakbang ng isa palapit upang mas lalong makita ang kalunos-lunos na kalagayan ng kapatid ko.
Nakatali ang dalawa niyang kamay sa magkabilang kama gamit ang lubid, wala ding saplot ang kaniyang katawan at naliligo sa sarili niyang dugo.
“Bea…b…bea…” pinilit ko ang sarili na makalapit sa kaniya upang mahawakan ang kaniyang mga kamay. Pagkahawak ko rito ay mainit pa ang kaniyang temperatura. Hindi ko na napigilan pa ang paghagulgol ng malakas. Tangina sobrang sakit….para akong sinaksak ng ilang beses…. “AHHH!!! BEA!!!” tanging ang malalakas na pag-iyak ko lang ang maririning sa buong kwarto.
‘Papa, paano mo nagawa saamin to?’
![](https://img.wattpad.com/cover/253131719-288-k21783.jpg)
YOU ARE READING
Uno Class (Season 1)
Novela JuvenilUno Class is a bunch of students with incredibly talents, high IQ, bravery and etc. But there's somethings that they're lack of...TRUST 'Jasmine Jase Mendez' is their class president, they treated her as if she were family and friend, but what they...