(KABANATA 35)

14 0 0
                                    

J A S M I N E


"Sorry guys, kailangan na kailangan ko kasi ng pera kaya ko nagawang sumali sa ganon. May sakit si mama at nasa ospital siya ngayon, sabi ng doktor kailangan daw na maoperahan siya pero wala kaming pera. Scholar lang ako dito at hindi sapat ang allowance na binibigay ng HOWU....k-kaya ko..." hindi na niya nagawang mag patuloy pa sa pag sasalita dahil sa natabunan na siya ng hagulgol.

Agad naman siyang nilapitan nila Andrea at Carlie upang i-comfort.

"Why u didn't tell us?" tanong ni Gab.

"Oonga, do you think we can't help you?" dagdag na tanong pa ni Mary Jane.

Iiling-iling namang sumagot si Jamir, "No, its just that....nahihiya ako mag sabi." Aniya napayuko nalang.

"Stupid." Usal ni Peridot. Agad naman siyang sinaway nila. "How much do you need and where is your mother? We can visit her right?" patuloy niya.

Lahat kami nagulat sa mga sinabi niya, ngunit mas gulat na gulat ata ako. Hindi lang dahil sa kanya kundi sa sitwasyon na to.

'How can they....'

"Anong ibig niyong s-sabihin?" tanong ni Jamir na papatigil na ang mga luha.

"Ano pa ba? Edi tutulungan ka namin." Sagot ni Shila na akala mo galit pa.

"Talaga?...."

"Pupuntahan rin natin yung mama mo, tas i-chi-cheer up natin siya para masaya." - Kingsley.

"Tama tama, kaya Jamir kapag may problema ka huwag kang mahihiyang mag sabi saamin. We're like a family bere, tutulungan ka namin sa abot ng makakaya" buong pusong salaysay ni Andrea.

"Okay na tayo." Hindi ko napigilan ang panlalamig ng aking tinig dahil sa kakaibang pakiramdam. "May pasok pa tayo mamaya kaya mauuna na muna ako sa kwarto" paalam ko saka dire-diretsong naglakad at sumakay sa elevator nang hindi na inantay pa ang sasabihin nila.

Pagdating ko sa kwarto ay nagtungo naman ako sa CR saka nagbabad ng katawan sa bathtub, hindi ko narin nabilang kung ilang beses ba ako napabuga ng malalim na hininga.

Parang wala lang ang mga nangyari ngayong araw sa kanila, kamuntik na ngang mamatay pero nakaka ngiti parin sila ng ganon. Parang nabura nalang din bigla sa mga isip nila ang mga taong nasaktan at napatay nila. They're even willing to help him despite of.....

'Ugh!'

Nasapo ko nalang ang noo ko saka ipinikit ang mga mata.

'Bakit ngayon pa?'

'Bakit ngayon pa ako kailangan mag dalawang isip?'


'Bakit kung kailan malapit na....'

Jeez. I wanna cry.

Hindi ko na pinansin ang oras at nagpasiyang matulog nalang habang nakababad parin ang katawan.

- - - -

"Anak, gusto ko paglaki mo maging isang sikat ka na singer. Tapos mag ko-concert, syempre pupunta kami ng mommy mo."


"Jasmine anak, halika ka dito kanta tayo."


"Jasmine ang aking prinsesa, gising na. Pinagluto kita ng paborito mo!"


"Jasmine, bakit mo naman sinuntok yung kaklase mo? Sinabi lang naman niya na crush ka niya ah."


"Anak, natatandaan mo pa ba kung saan ko nilagay yung papeles na hawak-hawak ko lang kanina?"


Uno Class (Season 1)Where stories live. Discover now