(KABANATA 17)

33 0 0
                                        

J A S M I N E

Yawn.

"Woy, Jasmine. Pang eleven mo ng hikab yan sa loob ng limang minuto, Hindi kaba natulog kagabi?" Sita saakin ni Kenjan.

"Huh? Grabe bilang na bilang ah, Hindi naman sa Hindi ako natulog. May tinapos lang kami para sa banda kaya hating gabi na din kami naka tulog"

"Ah, oo nga pala yung banda... So anong pangalan ng banda niyo?" May halong excitement niyang tanong.

Nag liwanag naman din agad ang mukha ko ng maalala ang pangalan ng banda namin na saakin pa mismo nah mula!

"JAGAJOMALIHEKA! Astig diba?" Ngingiti ngiti kong tanong.

"A-ano ulit?"

"JAGAJOMALIHEKA... " at dahil sa mukhang hindi niya gets kung bakit yun ang pangalan ng banda ay ipinaliwanag ko na rin habang wala pa naman si Maestro para mag turo.

"Woah, so yun pala yun."

"Anong pinag uusapan niyo?" Singit ni Augusthos sa usapan namin.

"Tungkol sa banda"

- - - -

"Good morning, Angels! Oh mukhang ilan sa inyo ang puyat ah" Bungad ni Maestro pag dating niya. 15 minutes din siyang late ah, ibang klase.

"Tinapos kasi namin yung mga kailangang gawin para sa banda, preparation kumbaga" Sagot ni Mary Jane.

"Ah, good good. By the way ang unique ng name ng banda niyo ha HAHAHA sino naka isip nun?" Nang tanungin iyon ni Maestro ay para bang tinablan ako bigla ng kahihiyan.

"A-ako po, M-maestro... " Naka yuko kong sabi habang dahan-dahan kong inaangat ang kaliwang kamay ko.

"Expected from the president of Uno class, isa kang legend!"

Ha?!

Halos ma laglag ang panga ko sa inusal niya, Hindi ko malaman kung nag bibiro lang ba si Maestro O ano eh. Pero isa lang talaga ang nasa isip ko ngayon.

'Ang lakas ng amats ni Maestro ngayon, sarap sapakin'

"Okay maiba naman ako, since okay na ako sa banda ang dance troupe naman ang aalalahanin ko ngayon. Yung hindi naka sali sa banda ay kina kailangang bumuo ng dance troupe or group, pero yung iba kung ayaw okay lang. May iba pa namang way para sa grades niyo, marami namang pwedeng salihan"

"Maestro, sasali ako" Untag ni Peridot.

So talagang gusto niya pala sumali sa dance troupe...

"Oh sure! So sayo ko na rin ipapaubaya ang pag buo huh. Galingan mo para isa ka ding Legend gaya ni Jasmine" Nag tawanan naman ang iba naming kaklase.

'Abangan ko nga to mamaya si Maestro, mas bagay ata sa kaniya ang turuan ng leksyon'

"Maestro, naka inom po ba kayo?" Lahat kami ay napatigil ang hininga sa tanong ni Kingsley.

Minsan talaga ang hirap hanapin ng utak nito eh.

"Huh? Syempre hindi"

"Sure po kayo?" Tanong niya ulit.

'Isusulat ko na talaga pangalan ni Kingsley sa death note eh'

"Ah hehehe, M-maestro. Pag pasensiyahan niyo na lang po itong hari ng mga ugok, kulang lang din po siya sa tulog kagabi. Paano po kasi inuna pa yung pag va-vitamins J bago matulog" Singhal ni Bubble.

Uno Class (Season 1)Where stories live. Discover now