J A S M I N E
Another day passed.
At panibagong araw nanaman ang naming dapat tapusin, syempre dapat masaya. Always happy kasi dapat, at simplest way for that is to watch BTS!! Char. Depende lang yun kung army ka, kasi sila yung happy pill mo eh. Parang ako.
But the way, nandito ako ngayon sa dinning floor mula pa kaning umaga para ipaghanda sila ng breakfast. Pambawi ko lang to sa kanila kahapon, kasi nga diba napa away sila... Nakaka awa kasi yung mga itsura nila dahil sa mga na tanong sugat at pasa.
Pagtapos kong mag handa ay sakto din ang pag dating nila.
"Good morning Everyone!! Naka pag tiktok na ba kayo?" Bungad ko sa kanila pagka labas nila ng elevator.
"Huh?"
"Alam niyo bang magandang ehersisyo ang pag ti-tiktok sa umaga?" Naka ngiti kong tanong.
"Saan mo naman napulot yan?" Peridot asked.
"Oo nga, parang wala naman akong nabasang ganyan sa Wikipedia. " Saad pa ni Heaven-the-bookworm.
"Wala talaga yan sa Wikipedia, kahit saang libro. Saakin lang kasi nanggaling yun. Hehehe"
"Hay nako, pero teka bakit ang aga mo atang magising?" Kunot noong tanong ni Mary Jane.
"Ah, kasi ano... Nag luto ako ng breakfast"
"Talaga?! Siguradong mapaparami nanaman ako ng Kain nito" Natutuwang sambit ni Augusthos saka mabilis na lumapit sa mesa at sinipat ang mga pagkaing ni luto ko.
"Kahit naman hindi masarap yung pagkain, marami ka paring kumain" Asar sa kaniya ni Kenjan.
"Oo nga, buti Hindi tumataba tong si Augusthos" Pag sang ayon ko.
"Grabi naman kayo saakin" Lahat naman kami ay nanlaki ang mga mata ng makita namin si Augusthos na kumakagat na nga fried chicken.
"Augusthos!!" Para namang sinapian si Naruto si Peridot dahil sa bilis nito, Nang makarating siya kay Augusthos agad niyang hinila ang manok mula sa bibig niya.
"Patay gutom talaga... " Napa pitlag ako ng marinig ko ang boses ni Gab malapit saakin, yun pala ay nasa tabi ko na siya. Hindi ko man lang napansin, "Good morning" Aniya saka nagpasilay ng maliit na ngiti saakin.
'Lagi sigurong maganda ang araw ko kapag araw-araw ding pag mumukha niya ang makikita ko... '
"Good morning... " Saad ko saka ginantihan din siya ng ngiti.
"Kain na kasi tayo!!" Singhal ni Augusthos kay Peridot at Gab na pumipigil sakaniya para kumagat pa ulit.
"Mag antay ka kasi!" Bulyaw naman ni Kenjan.
"Kumain na nga tayo... Naaawa na ako kay Augusthos" Sambit ko. Mahinang natawa naman sila saakin.
Sabay-sabay kaming lumapit sa kinaroroonan ng tatlo at nagsi-upo na rin kami sa mga kaniya-kaniya naming upuan, at nag simulang kumain.
"Malapit na nga pala tayo mag suot ng uniform... " Saad ni Bubble sa kalagitnaan ng aming pag kain.
'Oo nga Nuh, naka limutan ko. Mag dadalawang linggo na nga pala kami dito Kaya kailangan na rin namin mag uniform'
YOU ARE READING
Uno Class (Season 1)
Teen FictionUno Class is a bunch of students with incredibly talents, high IQ, bravery and etc. But there's somethings that they're lack of...TRUST 'Jasmine Jase Mendez' is their class president, they treated her as if she were family and friend, but what they...
