J A S M I N E
Sa wakas naka alis narin kami sa hospital na yun at ngayon ay patungo na kami kila Mary Jane.
I hate hospitals so much, tuwing napupunta kasi ako roon ay bumabalik lamang ang mga masasamang alaala ko. Maiiyak lang ako. Kaya ngayon na bumabyahe na ulit kami ay nakakahinga na ako ng maluwag, para tuloy akong nag workout ng buong araw at walang pahinga sa sobrang pagod.
“Tulog muna ako…” mahinang usal ko kay Gab na katabi ko ngayon.
“Hmm.” Aniya saka tumango.
Inilagay niya ang ulo ko sa balikat niya para maging sandalan ko at makatulog ng maayos.
‘Yieee.’
Hindi rin nagtagal ay binalot na ako ng kadiliman.
“Anak, gusto mo ba ng kapatid?” Tanong ni Dad saakin noon. Sapagkat bata palamang ako at wala pang muwang sa kaniyang mga pinagsasabi ay umo-o nalang ako bilang sagot. “Talaga? Paano kung kuya, okay lang ba sayo?” Dagdag niya pang tanong.
Napatigil ako sa paglalaro ng mga laruang barbie at nangu-noot ang noo’ng tumingin sa kaniya.
“Hindi po pwede kuya, pag mommy have baby na it means I will be a ate…” sagot ko, bagamat bata lang ako ay may alam parin naman ako about sa pamilya.
‘HAHAHA, you’re so smart. Ofcourse you’ll be a ate if we make another baby, but what if we already have a baby before you?”
“Ha?” walang ideya kong tanong, nung mga panahong yun wala talaga akong maintindihan sa nais na iparating ni Dad. Kaya imbis na ipilit niya ang mga salitang iyon saakin ay naisipan nalang niyang itago muna ang mahalagang impormasyon na iyon…hanggang sa kailanman ay hindi na niya nagawa pang banggitin muli.
At labing tatlong taon mula ngayon nangyari ang trahedyang hinding-hindi ko makakalimutan.
“Jasmine…we’re here.” Nakaramdam ako ng mahihinang pagtapik sa aking kamay na dahilan sa pag gising ng aking diwa. “Are you okay? Wait, are you crying? Binangungot kaba?” sunod-sunod na tanong ni Gab nang masilayan ang kabuoan ng aking mukha.
“Eh?” agad ko rin namang dinama ang mga pisngi ko at doon nalamang namamasa nga ang mga ito. “HEHEHE, wala to…” Saad ko.
“You sure?” paninigurado niya. Tumango naman ako sa kaniya habang nakangiti upang bigyan siya ng kasiguraduhan . “Okay.” Tila naginhawaan naman siya dahil sa sinagot ko.
Sabay kaming bumaba ng kotse at doon na nga bumungad saamin ang mansyon nila Mary Jane.
“Ibang klase rin pala tong sila Mary Jane eh nuh? Ang ganda at laki ng bahay.” Puri ni Bubble habang manghang-mangha’ng pinagmamasdan ang bahay nila.
“Syempre, magulang mo ba naman na may pagaaring limang naglalakihang kompanya….” Atungal ni Kingsley.
“Ang ganda….alam niyo bang pangarap namin ni Mama na tumira sa ganito kalaking bahay? Hindi kasi nakapagtapos ng pag aaral si Mama at nakapag asawa ng maaga, kaya ayon, ito lang kami.” Malungkot ng usal ni Jamir habang hindi rin maalis ang mga mata sa magandang disenyo ng bahay nika Mary jane.
“Matutupad mo rin yan…” Andrea aniya.
“Bago pa kayo mag iyakan diyan pumasok na tayo.” Untag ko saka pinangunahan sila sa paglalakad.
Pagkalapit pa lamang sa pinto ay agad na itong bumukas na ikinagulat namin, ngunit parang hindi lang din ata kami ang nagulat. Dahil si Mary Jane ang nagbukas ng pinto mula sa loob, nanlaki ang mga mata niya at agad na ngumiti.
“Sakto lang pala ako, halikayo sa loob, naghanda ako ng mga pagkain para sa inyo. Huwag narin kayong mahihiya ha.” Hindi ko masabi kung dala ba ng pagka excite o kaba ang dahilan ng pangnginig ng kaniyang boses.
“Mary Jane, namiss ka namin!” imbis na pumasok ay yumakap muna si Ikle at Shila kay Mary Jane, kaya nakiyakap narin ako.
“Namiss ko din kayo, sobra. Sorry kung hindi ko na sabi ng personal sa inyo na mawawala muna ako, napag-alala ko pa tuloy kayo.” Nahahabag niyang sabi.
“Natural lang na mag alala kami, syempre kaibigan ka namin eh.” Saad pabalik ni Carlie.
“Salamat guys, anyway pumasok na tayo sa loob habang nandito pa sila Mommy at Daddy.” Mary Jane aniya, inalalayan niya kami sa loob ng bahay nila hanggang sa makarating kami sa kanilang napakalaking living area.
Pagdating doon ay may mga nakahanda ng pagkain at inumin kaya si Augusthos ay parang nag lalaway nanaman.
“Oh, andiyan na pala yung mga kaibigan mo.” Akala ko ay Daddy na iyon ni Mary Jane ngunit ng masilayan ko ang pinagmulan ng tinig ay nagtaka ako, Mukha siyang kaedaran lamang namin, gwapo at maangas ang porma, mas matangkad lang din siya ng konti kay Gab.
“Hmm, guys. Ito nga pala si Irvin Gozmo, boyfriend ko.” Namilog ang mga mata namin sa sinabi ni Mary Jane. Ang tinutukoy naman niyang si Irvin ay naglahad ng kamay saamin habang naka ngiti, ngunit kahit naka ngiti siya ay halata parin ang kaba sa kaniyang mukha.
“Ako si Jasmine, president ng Uno class…” pakilala ko sa sarili ko, pinakilala ko narin ang iba ko pang mga kaklase dahil mga lutang na ang isip nila, maliban nalang kila Gab, Peridot, Heaven at Lian.
“Bakit parang gulat na gulat tayo? Maganda si Mary Jane at mabit pa, kaya hindi na dapat kataka-taka pa kung may jowa siya.” Salaysay ni Shila.
“S-sabagay….” –Ikle.
“Bakit hindi mo naman sinabi saamin ng maaga na may jowa kana pala, balak pa naman sana kitang ireto dun sa 2nd year.” Asik ni Jamir.
“Haha, hindi ko kasi alam kung paano eh. Tyaka gusto ko rin siyang ipakilala sa inyo ng personal.” Sagot naman ni Mary Jane.
“Pero bagay kayo ah” komento ni Bubble.
“Yiiieee.” Sa gitna ng pang-aasar namin sa kanilang dalawa ay nakarinig kami ng mga yapak pababa ng kanilang hagdanan.
“Mukhang nag kakatuwaan kayo diyan ah…” Sabay-sabay kaming napatingin sa mga magulang ni Mary Jane ni kasalukuyang nakababa na ng hagdan.
Simple lamang ang kanilang mga kasuotan, I mean nagkikinangan lamang ang mga Gucci accessories nila. Agaw pansin rin ang tatak na Louis Vuitton ng tuxedo na suot-suot ng kaniyang ama.
‘Why they looked so familiar?’
“Dad, Mom…”
“Welcome to our house, don’t feel shy kay’ just feel at home.” Sabi saamin ng mama ni Mary Jane.
“Alam niyo bang ngayon lang nag dala ng mga kaibigan si Mary Jane dito, nag worried tuloy kami.” –Daddy niya.
Wala naman kaming naisagot roon at napangiti nalang.
‘Sh*t! Naalala ko na sila!’
“What’s your name, parang nakita na kita noon eh?” tanong saakin ng mommy ni Mary Jane.
“J-Jasmine Jase Mendez po.” Magalang kong sagot.
“Oh? You mean you’re the daughter of M-Diaz?” Namamanghang tanong ng Daddy naman niya.
“Opo…”
“Wow, small world. Do you know us? Co-partner namin ang parents mo sa business.”
“Kaya po pala parang pamilyar din kayo…”
“Look at you, you’re so pretty.” Papuri nila.
“Thank you po.” Agad naman akong tinblan ng kahihiyan.
“Too bad, hindi na kami makakapagtagal pa. Enjoy nalang kayo ha?”
Pagka-alis ng mga magulang ni Mary Jane ay pinaulanan naman nila ako ng mga tanong.
“M-Diaz, Jasmine?”
“Kayo ang may ari ng M-Diaz hotels sa loob at labas ng bansa?”
“M-Diaz companies pa!”
“Yawa Jasmine! Bigtime ka pala!”
“Rin alam mo rin ba ito?”
“Oo naman, ex niya ako eh.”
“G-guys, kalma. Ako lang to. Tyaka bakit ako ba tinatopic niyo, si Mary Jane ang pinunta natin dito.” Awat ko sa walang katapusan nilang daldalan about me.
“Sige, pag tapos kay Mary Jane ikaw naman ha….madami kang kailangan ipaliwanag.” Atungal ni Kingsley. Tumango nalang ako sa kanila.
Ngayong wala na ang parents ni Mary Jane ay komportableng-komportable kaming umupo sa mga sofa nila. Hindi rin namin pinatawad ang mga pagkain na hinanda niya syempre.
“So ano nga yung ibabalita mo saamin Mary Jane?” tanong ko.
“Oonga, sabi mo pa dapat ready kami. Ako ba yun?” dugtong naman ni Ikle.
“A-ah…” napansin ko ang paglunok ni Mary Jane, ang kanina ring makulay niyang mukha ay biglang naglaho at napalitan ng pamumutla.
“May malala kabang sakit?” –Lian.
“Or ayaw mo na saamin?” –Kingsley.
“Ano ba naman kayo, wala akong sakit at imposibleng ayaw ko na sa inyo. Gustong-gusto ko nga kayong kasama eh.”
“Eh bakit hindi ka padin bumabalik ng HOWU?” –Rin.
“Kasi ano….” Napapakagat labi na siya ngayon, halatang kabadong-kabado talaga siya bakit kaya?.
Pinapalakas naman ni Irvin ang loob niya sa pamamagitan ng pagtapik nito ng marahan sa kaniyang likod, isama mo narin ang mga tingin niya na nagsasabing ‘kahit ano mang mangyari nandito lang ako.’
“Ano ba yun? Bakit parang takot na takot kang sabihin saamin?” hindi na napigilang magtanong ni Shila.
“B-bu…buntis ako, guys. Kaya hindi na muna ako makakabalik ng HOWU…” sa wakas ay nasabi narin niya, kasunod naman nun ay ang mga luhang nagpatakan galing sa kaniya mga mata.
“What? Really?” nangingiti kong tanong. Tumingin naman siya saakin saka tumango. Wala na akong ibang sinabi at nilapitan nalang siya saka niyakap. “Congrats….” Bulong ko sa tainga niya.
Nakita ko rin naman na binati ni Kingsley at Augusthos si Irvin, habang ang iba ay parang hirap pang iproseso ang buong pangyayari.
“Kailan pa?” tanong ni Bubble.
“Three weeks.” Sagot naman ni Mary Jane habang pinupunasan ang mga luha.
“Oh my gosh! Congrats!!” hindi narin napigilan ni Ikle ang mapaiyak dahil sa balita. Yumakap narin si Shika sa kaniya habang todo pigil sa pagiyak.
“Congrats, mabuti narin na hindi kana muna pumasok para maalagaan mo na mabuti ang sarili mo.” Pahayag ni Gab saka ngumiti ng maliit.
Napuno ng hagulgol at batian ang bahay nila Mary Jane, ilang minuto rin bago natapos ang lahat, at nang matapos na ay naisipan naming manood ng movie. Maghahapon palang din naman kasi at mahaba pa ang oras bago matulog.
“Nakaka excite naman yan, Mary Jane.” Usal ni Andrea. Imbis na mag focus naman kami sa aming panonood ay napalingon narin kami kay Mary Jane.
Tatlong linggo palang siyang buntis kaya hindi pa halata sa kaniya.
“Oonga eh, pero hindi rin mawawala yung kaba syempre.” Aniya pabalik.
Nandito kami ngayon sa isang kwarto na sinadya talaga para panooran ng mga movies or anything, mala sine kumbaga. Naka akbay sa kaniya si Irvin habang komportableng-komportable din siyang nakasandal. Katabi ko rin naman ngayon si Gab na ngumunguya ng popcorn at si Kingsley na nakabalot ang katawan ng kumot. Si Rin naman ay nakatulog na sa isang tabi, kanina niya pa yan pinipigilan eh.
“Paano ka naman mag aaral?” tanong ni Lian.
“Pinag iisipan pa namin kung mag o-online class nalang ako or mag ha-hire pa kami ng teacher para turuan ako dito sa bahay.” Sagot naman niya.
“Hays, mamimiss ka namin…” usal ni Carlie.
“Mamimiss ko rin naman kayo, pero kung may free time kayo, pwedeng-pwede naman din kayong bumisita dito. Or magkita-kita sa labas, diba?”
“Well, but Mary Jane alagaan mo ng mabuti ang sarili mo ha. Irvin huwag mo siyang pababayaan.” Paalala ni Kenjan.
“Huwag moko masiyadong isipin Mary Jane ha, baka paglihian moko” biro ko.
“Why not?! Para naman makuha ng magiging anak namin ang ganda, talino at kabutihan mo.” Mukhang sineryoso naman ni Mary Jane ang sinabi ko. Napatawa nalang ako ngunit sa loob-loob ko ay pinagsisisihan kona na nagbiro pa ako ng ganon.
“Ninang ako ha!” presinta ni Ikle.
“Ako din!” hanggang sa sunod-sunod na silang nag sabi. Ako naman ay nanahimik nalang.
‘Hindi narin naman ako magtatagal pa kasama nila eh.’
Makalipas ang ilang minuto ay bumalik narin kami sa aming pinapanood na ngayon ay hindi na namin maintindihan dahil sa ang laki ng gap ng nalagpasan namin.
Hanggang sa hindi na namin napansin ang oras at nakatulog nalang habang hindi pa napapatapos ang pangalawang movie na pinapanood namin. Nagising ako dahil sa naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko mula sa aking bulsa.
Pagtingin ko sa kabuoan ng kwarto ay wala na sila Mary Jane at Irvin, lumabas nalang din muna ako ng kwarto para sagutin ang tawag at para narin hindi ko sila magising.
‘Mag aalas otso narin pala ng gabi….’
“Hello, Mom.” Sagot ko sa kabilang linya.
“Hi, kamusta? Napatawag lang ako kasi nagkita kami ni Mrs. Ramos at nabanggit niya saakin na binisita niyo daw ang anak niya.”
“Opo…” doon na ako nagsimulang mag kwento sa kaniya tungkol sa mga pangyayari ngayon. “Uuwi pala ako diyan bukas, Mom.”
“Why?”
“Wala lang, HEHEHE”
“Hay ewan ko sayo. Pero kung gusto mo, miss na miss kana rin naman namin eh.”
“Then, see you tomorrow?”
“Tamang-tama, magsusukat ka pala ng gown mo! Naka pili na ako, nak.” Excited na excited niyang salaysay.
“Sige po, kayo bahala.”
Kahit na masiya ang tono ng kaniyang pananalita ay alam ko parin na may tinatago siyang pangamba para saakin. Ilang araw nalang din kasi ang hihintayin ko para maisagawa ang plano.
‘Ilang araw nalang…’
YOU ARE READING
Uno Class (Season 1)
Novela JuvenilUno Class is a bunch of students with incredibly talents, high IQ, bravery and etc. But there's somethings that they're lack of...TRUST 'Jasmine Jase Mendez' is their class president, they treated her as if she were family and friend, but what they...