J A S M I N E
Mas mabilis pa kay flash ang ginawa naming pagkilos, pero syempre maingat padin.
Bumaba kami sa first floor ng hindi nila napapansin, pumasok ako sa isang kwarto at si Bubble naman ay sa ibang kwarto. Siya may plano nito eh, para daw bongga yung entrance. Daming nalalaman bakla din ata to eh. Char.
So gaya ng sinabi niya, nauna akong lumabas ng kwarto nang pa-cool habang sinasabi ang linyang ito. "Psst. HAHAHAHA, nakakatawa yang mukha mo pag nagagalit."
Sumunod na din si Bubble sa paglabas, angas-angas rin, parang hindi nanginig kanina, nakapatong pa sa balikat yung baril niya.
Bumakas naman ang gulat sa mga pagmumukha nila, lalo na nilang pito.
"Sino kayo?" Tanong samin nung Boss na mukhang kulugo.
"Kami? Hah, Bubble sino daw tayo. Pakilala mo nga." Utos ko kay Bubble.
"WE ARE UNO CLASS, BEGGING IS NOT IN OUR VOCABULARY AS WELL AS OF MERCY. WE ARE OFF-LIMITS, AS LONG AS WE WANTED; WE'LL DO IT." Maangas na Untag ni Bubble, english pa! Lupet!
"Hindi naman yan yung napagusapan natin kanina ah" Kunwariaan kung tanong na parang may mali talaga.
'Wala naman kaming napag usapan na ganyan-ganyan kanina, kaya nga napa bilib ako eh.'
"Ay mali ba? Ulitin ko nalang?" Pakikisabay naman niya.
"Huwag na, okay na yun HAHAHHA"
"Uno class? Huwag niyong sabihin na nanggaling kayo sa....Heart Of West University." Tila gulat na tanong nang kulugo este ng Boss nila.
"Huh? Oo." Sagot ko.
"Kaya pala mga mayayabang kayo!" Asik naman ng isang kasamahan nilang lalaki.
Mayabang?
Talaga? Parang hindi naman, slight lang.
"Oh tapos?" Kibit balikat kong usal.
"Ha....Ano pang hinihintay niyo? Pinatay nila mga kasamahan natin, dapat suklian din natin sila." Pigil ang galit nito base sa kaniyang tono.
Akmang susugurin na nila sila Augusthos ngunit agad ding natigilan nang makitang malaya na silang pito pati narin ang pitong drones ay naka-pwesto na sa mga likudan nila.
"A-ano....paano?" Nagtataka nilang tanong.
"Huwag na tayong mag talo, hayaan niyo nalang kaming maka alis dito para wala ng dadanak pang mga dugo." Seryosong untag ko.
Nagngingitngit naman ang kaniyang panga ng ibalik saakin ang tingin. Halatang galit na galit na siya, kulang nalang nga yung pa-usok effect sa ilong eh.
'Sensya na, President duty lang.'
"Napaka baba naman ata ng tingin niyo saamin, anong akala niyo papaalisin nalang namin kayo ng ganon kadali matapos ng ginawa niyong pang gugulo at pag patay sa iba pa naming kasama? HAHAHAHHA Bat di natin subukan?" Nakangisi na parang bulldog saakin ang boss nila pagkatapos sabihin iyon.
Nagulat pa nga ako ng bigla niya akong tangkaing saksakin, mabuti nalang talaga mabilis yung reflection ko kaya agad ko din iyong naiwasan, ngunit hindi naman agad ako naka opensa sa kaniya. Kutsilyo lang kasi ang hawak niya ngayon, ewan ko ba kung saan napunta yung baril niya, baka naubusan na ng bala.
Hindi ako makaganti sa kaniya dahil sa malaki at mabigat ang buhat-buhat kong baril, tila signal rin ang ginawa ng lalaking to para sumugod ang iba pa niyang mga kasama sa mga kasama ko rin. Kaya nagka gulo-gulo na ang lahat.
YOU ARE READING
Uno Class (Season 1)
Teen FictionUno Class is a bunch of students with incredibly talents, high IQ, bravery and etc. But there's somethings that they're lack of...TRUST 'Jasmine Jase Mendez' is their class president, they treated her as if she were family and friend, but what they...
