(KABANATA 50)

33 2 0
                                        

K A T H E R I N E



Hindi kami magkanda-ugaga sa pagmamadali nang maka-tanggap kami ng tawag mula sa hospital, nung una wala pa kaming maintindihan pero nang banggitin nila ang mga pangalan ng mga kaklase namin na nagpaalam kaninang aalis daw….para kaming binagsakan ng meteorite.

“Are you all ready? Saang hospital daw ba?” natataranta narin pati sila Mrs. Flores at Sir. Night. Sinabihan din kasi namin sila kanina at ngayon ay sasama sila saamin papunta don.

“Ito po, tinext po samin.” Sagot ni Kingsley sabay pakita ng kaniyang cellphone kung saan naroroon ang mensahe.

“Edi puntahan na natin, yung iba sakin na sumakay at yung iba naman kay Mrs. Flores.” Untag ni Sir. Night agad naring sumakay sa sasakyan niya. Nagsipag sakayan narin kami , ako dito na ako sumakay kay Sir kasi nasa tapat ko nalang naman.

Naging mabilis ang pagmamaneho nila Sir at Mrs. Flores, hindi nga namin namalayan na nasa parking lot na pala kami ng nasabing hospital. Pagbaba namin ng sasakyan ay tatakbo na sana kami papasok nang biglang sumigaw si Heaven kaya natigilan kami at tiningnan kung anong dahilan nun.

“J-Jasmine! Si Jasmine!” aniya sabay takbo sa isang sulok kung saan may babaeng naka upo habang naka yuko roon. Sumunod narin kami sa kaniya upang makumpirma kung si Jasmine na nga iyon. “Jasmine, nandito na kami. Ayos ka ang ba?” nag aalalang tanong ni Heaven inaalog ang mga balikat ni Jas. Maka ilang beses na ang pagtawag at pagtatanong ni Heaven pero wala paring imik si Jas, hindi rin siya nag abala pang i-angat ang kaniyang ulo.

Nilapitan narin siya nila Gab at Sir. Night pero hindi parang wala parin siyang naririnig. Mas lalong nag bunga ang kaba namin ng mapansin ni Rin ang mga mantsa ng dugo sa kaniyang damit at ibang parte ng katawan.

“Jasmine, anong nangyari? Bakit may mga dugo ka?” tanong ni Carlie habang pinipilit na maging kalmado ang kaniyang tono.

“Its all my fault….” Iyon lang ang binigkas niya habang nanatili parin sa ganoong posisyon. Paulit-ulit iyon lamang ang naririnig namin sa kaniya. Hindi din namin masabi kung umiiyak ba siya or ano dahil sa hindi namin nakikita ang mukha niya.

“Jasmine?! Jasmine, where are you?!” sunod naman naming narinig ay ang mga sigaw ni Lian na hinahanap din si Jas, nang matanawan namin siya ay agad namin siyang tinawag. Iika-ika ang lakad niya at halatang hirap na hirap pa siya, may mga dugo din ang kasuotan niya.

“Lian, anong nangyari sa inyo—” hindi natapos ni Shila ang kaniyang tanong dahil sa bumulusok agad si Lian patungo kay Jasmine.

“Fvck! Akala ko kung ano nading nangyari sayo! B-bakit bigla-bigla ka nalang umaalis ng walang paalam, huh? Papatayin mo din ba ako sa kaba?! Sh*t!” singhal niya habang naka luhod sa harao ni Jasmine, ilang sandali pa bigla nalang niya itong niyakap nang mahigpit. Parang hindi niya pa kami napansin. Namumutla si Lian at namumula din ang mga mata, sa sobrang pag-aalala at pagtataka ko ay hindi ko na napigilang magtanong.

“Lian, ano bang nangyayari?! Bakit may mga dugo sa katawan niyo?! Bakit ganyan si Jasmine?! Bakit ka ganyan?!” malakas at sunod-sunod kong tanong, napayuko naman din si Lian ngunit nanatili paring nakayakap kay Jas. “N-nasaan si Bubble? Diba sabi niyo pupuntahan niyo lang yung kapatid niya?” biglang nanghina ang boses ko.

“Wala na sila….” Natigilan naman kaming lahat nang marinig namin ang sagot niya. Unti-unti siyang bumitaw sa pagkakayakap kay Jasmine at dahan-dahang tumayo at hinarap kami. “Pagdating namin sa bahay nila Bubble…patay na ang kapatid niya. Si Bubble naman…pinatay rin siya” naramdaman ko ang pagpipigil niya sa kaniyang iyak habang nagsasalaysay.

Napasinghap kami sa gulat at pawang nanlata sa mga nalaman, ngunit hindi parin ito naging sapat upag mabusog ang mga isip namin.

“Sino ang gumawa nito sa kanila?” si Sir. Night nalang ang naglakas loob na itanong ang kaparehong tanong din namin.

“Yung papa nila…ginawa niya yun kila Bubble para makuha ang mga pamana. Positibo rin siya sa drug test…” napapasinghap na sagot ni Lian. Ayaw ko mang paniwalaan ang mga sinasabi niya, ngunit ang puso ko ay wala ng habas sa pagkirot. Napaluhod nalang din ako gawa ng panlalambot ng mga tuhod ko.

“Hindi….imposible….parang kahapon lang masaya pa kami…kaya hindi pwede yang sinasabi mo….bawiin mo lahat ng sinabi mo, Lian. Hindi magandang biro yan…Hindi pa siya patay…hindi…” iiling-iling kong usal habang ang mga luha ko ay unti-unti nang nag tutuluan.

“Its all my fault, that should be me lying there. I should have been the one hit by those bullets, if only he hadn’t blocked that for me….” Sa wakas ay nag angat narin ng tingin si Jasmine. Walang luha ang kaniyang mga mata ngunit mababakas parin rito ang matindi niyang pag-iyak, namumula din ang pisngi at ilong niya.

“Anong ibig mong sabihin?” –Mrs. Flores.

“Jasmine, hindi ba sinabihan na kita—”

“Lian, nakita mo! He’s aiming at me! Only me! Sinabi rin niya na ako ang gusto niyang patayin diba? So stop denying it, dahil kahit na sabihin mo pang hindi ko kasalanan yun…nasasaktan parin ako. Wala paring magbabago….” Bulyaw ni Jasmine kay Lian, sinubukan namang tumayo ni Jas ngunit nanghihina pa at siya kaya muntik na siyang matumba, mabuti nalang at nasalo kaagad siya ni Gab. “That damn man…I’ll make him pay, I’ll make sure that he’ll suffer forever.” Dagdag pa ni Jasmine.

“Jas…”

“Nga pala, tuloy parin po yung trip bukas diba?” nakangiting tanong ni Jasmine kay Sir. Night.

“What? Jasmine, hindi ba sabi niyo kamamatay lang ni Bubble at kapatid niya? Tapos yung trip parin ang inaalala mo?” parang naaasar na sambit ni Shila. “Kahit na tuloy yun, ano naman? Bakit sasama ka?” dagdag pa niya. Hindi naman siya pinansin ni Jas at nagpatuloy parin sa pagtatanong kay Sir.

“Oo tuloy parin, para sa ibang section.” Sagot naman ni Sir. Night. Tumango naman si Jasmine saka pinagmasdan kami isa-isa.

“Then, mukhang ito narin ang huli nating pagkikita-kita….” Nakangiti niya paring sabi. Napakunoot naman kami ng noo habang si Rin ay napa-iwas nalang ng tingin. “Titigan niyo na ako para hindi niyo makalimutan tong cute kong pagmumukha.”

“Ano bang pinagsasabi mo? Tsk. Pumasok na nga lang tayo.” Aya ni Peridot saka nagsimula nang maglakad palayo.

“Ba-bye, Mammoth! Be-bye na din sa inyo. Tama si Mammoth dapat pumasok na kayo, ako hindi na. Hindi ko na kaya eh, baka maging isa pa ako sa mga pasyente diyan.” Huminto ulit si Peridit sa paglalakad ngunit hindi na ito lumingon. Ngayon naman ay si Jasmine ang nagtatangkang umalis. “Mas okay na siguro yung ganito kesa mawala nalang ako ng hindi nagpapaalam sa inyo. Hmm, So, Heaven, Rin…” tinanguhan niya ang dalawa at tumango din naman sila pabalik.

“Ano bang problema mo, Jasmine?! Bakit kaba ganyan?!” sigaw sa kaniya ni Carlie.

“Oonga! Wala lang ba sayo yung nangyari kay Bubble?! Paano mo nagagawa to?” Jamir aniya. Hindi naman nagsalita si Jasmine don at tinitigan lang kami, maya-maya ay ngumiti pa siya.

“Nagagawa mo pa talagang ngumiti? Siguro dapat ikaw nalang talaga yung namatay eh!” asik ni Augusthos na nagpagulat sa aming lahat. Isang malakas na suntok naman ang dumapo sa kaniya mula kay Heaven na mukhang galit na galit na rin, natumba at napadura ng dugo si Augusthos sa lakas ng suntok na iyon kaya napa punta kaagad ako sa kaniya upang alamin kung ayos lang ba siya.

“Sorry, Augusthos haa. Sorry kung hindi ako yun, hindi talaga dapat si Bubble yun eh, hindi niya deserve. Hindi kagaya ko…but don’t worry, last naman na ito eh.” Yumuko si Jasmine upang mapunasan ang dugo sa bibig ni Augusthos. After nun wala nang nagsalita saamin, pinapanood lang namin ang bawat galaw ni Jasmine, maliban nalang kay Peridot na nanatiling naka talikod. “Alis na ako, Guys. Madami pa akong kailangang gawin eh, kayo ng bahala kay Bubble ah…” tumayo siya at unti-unting umatras, nang maka layo na ng ilang hakbang ay tumigil siya at muli kaming nginitian. “It has been a great journey with you all…enjoy your journey without me, now”

Iyon ang huling mga salitang inuntag niya bago siya maglaho sa aming mga paningin….akala namin nagbibiro lang siya….pero ang hindi namin alam, iyon na nga pala talaga ang huli naming masisilayan siya.

“It’s not the Goodbye that hurts, but the flashbacks that fallows”



J A S M I N E J A S E



Natapos ang araw ko na iyon ng….may bigat na dinadala sa damdamin. Pagbalik ko sa HOWU wala na akong sinayang na oras, nag impake agad ako, pinag luto na kanarin sila ng mga pagkain para sa kanilang pagdating. Yun ang pinaka nakakapagod sa lahat, madami kasi akong niluto, huli narin naman eh.

Nang matapos ako sa lahat hindi ko na din napigilang maging proud sa sarili ko, nagawa ko kasing pigilan ang mga luha ko. Ngayon ay isang linggo na ang nakalilipas. Isang linggo na pero hindi parin natatapos ang issue tungkol sa kahindik-hindik na pagkamatay ni Mayor. Castaldad. Madami ring naghihinayang sa Kingdom na lubos-lubos niyang inaalagaan.

‘Oo, nag tagumpay ako sa plano.’

Hanggang ngayon ay patuloy parin ang pag iimbistiga ng otoridad upang malaman kung sino ang nasa likod ng insidenteng iyon.

(FLASHBACK)

“Jasmine, two minutes nalang ang natitira. Lumabas kana diyan.”  Narinig kong untag ni Heaven mula sa Earbuds.

“Hmm, okay.” Saad ko din naman pabalik. “Shark, asan kana?”

“Papunta na ako sayo.” Nang marinig ko naman ang sagot ni Shark nagpatuloy na ulit ako sa mission ko.

“How’re you Castaldad? Don’t worry, mga limang bala nalang HAHAHHA” sambit ko saka pinagmasdan ang hawak-hawak kong baril. Ito yung regalo ni Gab saakin, ito nadin yung ginamit ko.

“Please, maawa ka saakin…may mga anak ako, hindi nila kakayin kapag nawala ako…” pagmamakaawa niya.

“Awa? Naaalala mo paba kung paano din nag makaawa si Dad sayo noon? Hindi mo naaalala? Pwes ipapaalala ko sayo ngayon.” Binaril ko ng walang pagdadalawang isip ang kanang tagiliran niya, agad naman siyang napahiyaw at namilipit sa sakit.

“Jasmine…” napalingon ako kay Shark nang dumating na siya. “Kailangan na nating mag madali. Kailangan mo ba ng tulong?” aniya.

“Nope, I can handle this.” Saad ko, “oh, mamamatay kana? Wait lang hindi ko pa nauubos yung mga bala ko.” Muli ko siyang pinaputukan sa bandang paanan naman. Hays….“Sorry pero, hindi na ako pwede pang magtagal kaya…” hindi kona pinigilan pa ang sarili ko at sinagad-sagad ko na sa kaniya ang mga bala ko. “Gusto ko pa sanang paglaruan siya, kaso….”

Napa-pout ako nang makitang wala ng buhay si Castaldad. Naramdaman ko naman ang kamay ni Shark na pumupulupot sa bewang ko. “Ayos lang yan, isang minuto nalang naman makaka panood kana ng fireworks.” Aniya sabay halik sa pisngi ko.

“Tama! Tara labas na tayo! Excited na ako, matagal-tagal narin akong hindi nakakapanood ng fireworks.” Untag ko saka lumayo ng bahagya sa kaniya. “Tara na, Shark.” Sabay naman kaming lumabas ng Kingdom na iyon sa kung saan walang makakakita saamin. Pagdating sa naka sunduan ay naka abang narin saamin sila Sir. Night, Rin, at Kuya.

“Thirty seconds left…” usal ni Sir.

“Okay, I’ll use this as a chance para makapag paalam ng matino sa inyo, at para makapag pasalamat narin. First of all, sobrang thankful ako sayo Sir. Night. Sa totoo lang hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na ang isang katulad mo ay tinutulungan ako, kahit na pwede kayong malagay sa panganib, lalo na ang HOWU…” pasasalamat ko kay Sir. “Rin, gusto ko ding magpasalamat sayo kasi kahit mag-ex na tayo eh tinutulungan at sinasamahan mo parin ako. Gusto ko din humingi  ng sorry sa lahat, lalo na sa mga pang aasar ko sayo. Ang sarap mo lang talagang pagtripan.” Tugon ko naman kay Rin.

“Anooo baaa, magkikita pa tayo diba?” aniya parang bata. Napatawa nalang ako.

“At syempre, ikaw kuya. Nakakapanghinayang kasi hindi pa tayo nakakabawi sa ilang taon na hindi tayo magkasama, pero napakasaya ko nung malaman ko na magkapatid tayo. Sabi ko kaya pala ang gaan-gaan ng pakiramdam ko sayo, grabe din yung pag-aalala ko tuwing may nangyayari sayo. Yun pala yon. Ikaw na bahala kila Mom huh? Kay Dad din, mabait yun. Siguradong magkakasundo kayo. Salamat sa lahat. Sana…sana magkita pa tayo…” matapos nun ay saktong sumabog narin ang Kingdom.

Sobrang liwanag ng apoy niya, sobrang laki at sobrang lakas din. Napaka ganda nito para saakin. I feel happy and at the same time sad.

“Bumalik na kayo….” Usal ko sa gitna ng palabas. Naramdaman ko naman ang pagyakap saakin ni Rin, at kasunod naman nun ay si Heaven, si Sir naman ay tinanguhan lang ako. “Lets go, Shark.” Sabay kaming naglakad ni Shark palapit sa Motor niya.

“Mag-iingat ka palagi, huh!” –Rin.

“Magkikita pa tayo, diba Jas?” paninigurado ni Kuya. Hindi ako nag salita at ngumiti na lang. Pagsakay namin ni Shark ay agad na din kaming umalis.

“Your brother is prettier than you...” saad niya habang nagmamaneho.

“Shut up!” ani ko naman. Narinig ko lang ang hagikgik niya matapos nun. Habang papalayo ng papalayo hindi ko na napigilan ang mapaluha, napayakap nalang ako sa likod ni Shark habang nakasandal ang ulo. “I am never coming back….”

Uno Class (Season 1)Where stories live. Discover now