H E A V E N L O K I
Kakabalik lang namin ng HOWU at hindi parin mabura ang ngiti ni Rin, pero ang pinaka napansin ko sa kaniya ay yung pag pasok na pag pasok namin sa Supreme Building, biglang naging malungkot sng ngiti niya.
Pagod kaming umupo at humilata sa lobby, ang mga pinili rin naming mga kasuotan kanina ay nauna pa rito.
“Here….” Lumapit si Rin saamin na may hawak-hawak na mga maliliit na gold envelopes.
“Ano nanaman yan, Rin?” Tanong ni Peridot.
“Invitation.” Maikli niyang sagot. Tiningnan niya ang bawat envelopes at binigay iyon saamin ng naayon base sa pangalang naka hulma roon.
Dahil sa pagtataka ay dali-dali ngunit maingat ko iyong binuklat.
‘EIGHTEEN’ yan agad ang bumungad saakin pagka kita ko. Nakasulat ito sa kulay gintong glitters at naka cursive, ito rin ang pinaka malaki kaya agaw pansin.
.
.
.
Please join us to celebrate
JASMINE JASE’S
Eighteenth Birthday!
Nanlaki ang mga mata ko, napasinghap si Augusthos, nahulog naman ang panga ni Peridot, at si Gab ay biglang napatayo habang naka titig parin sa card.
“Oh em gee!! Legit?! Dalaga na si Jasmine?” hindi makapaniwalang untag ni Carlie.
“Bukas na to, ibig sabihin ito yung tinutukoy mong dahilan kung bakit kailangan nating bumili ng mga mamahaling damit na yan?” tanong naman ni Bubble.
“Uh-huh….” Tatango-tangong sagot ni Rin.
“What the hell?! Bakit ngayon mo lang sinabi? Hindi tuloy kami naka bili ng mga pang gift!” bulyaw ni Shila.
“Oonga!” pagsang ayon ni Lian.
“That’s okay….presensya niyo lang naman daw sapat na eh”
“I can’t believe…this…” usal ni Peridot. “So this is the reason why she gone home, huh?”
“But look, mga slapsoil. Sa The Peninsula Hotel gaganapin ang venue. Rich kid talaga!” salaysay ni Kenjan habang malaki ang ngiti.
“Sana all! Nung nag debut ako sa barangay court lang namin eh, tapos siya sa engrandeng hotel. Awit!!” Ikle aniya.
“Kami sa hotel din, pero simplehang hotel di. Di namin afford to eh” saad naman ni Shila.
“Si Mary Jane kaya saan?” –Kingsley.
“Hmm, sa Shangri La Hotel siya.” Usal ko.
“Paano mo nalaman?” tanong pa ni Ikle.
“Nakita ko yung picture niya don sa bahay nila naka display, tas sinabi niya saakin na debut niya daw yun, tas sinabi niya rin saakin kung saan ginanap.”
“Bongga din day! Hay naku.” –Jamir.
“Pero excited na ako para bukas ha.” Balik ni Rin sa topic.
“Ako din!! Tiyak madami nanaman akong makakain nito bukas! Yohoooo!!” napasayaw pa si Augusthos sa sobrang pagka excite.
“Pagkain na naman, pero…Gab, tahimik mo ata?” pansin ni Ikle kay Gab na tulala parin hanggang ngayon.
“Speechless yan, syempre nasa legal na edad na bebe niya eh. Legal narin sila yiiieee!” pang aasar na biro ni Kingsley.
“N-no, its just that…Im so happy for her” Sabi niya pabalik sabay ngiti.
“Heh, kilig yarn? Alam niyo, kailangan na nating mag pahinga para may energy tayo bukas.” Untag ni Rin habang naiiling na naka tingin kay Gab.
“Pano nga yung regalo namin??”
“Okay na nga kahit wala na daw, tyaka madami namang pera yun.”
“Mongi.”
- - - -
Kinabukasan.
Maaga kaming nagsipag gising para maka paghanda, madami pa kasi kaming gagawin at kung tinanghali pa kami ng gising ay baka malate rin kami sa pagpunta don.
Nakaligo na kaming lahat ng bumaba kami sa lobby, pawang mga naka bathrobe nga lamang. Me-make-up-an or aayusan daw muna kasi kami bago pagsuotin ng mga pinili naming damit kahapon.
At dahil sa madami kami ay may katagalan ang proseso, habang inaayusan ang iba ay kumakain naman muna kami, don’t worry, tapos narin naman magsikain yung mga yun.
“Okay lang kaya yung mga pinili nating damit? Wala naman kasing sinabi si Rin kung dapat pare-pareho tayo ng kulay, or kahit yung necktie.” Saad ni Bubble.
“Wala rin naman kasing sinabi saakin si Jasmine, basta papiliin ko lang daw kayo eh.” Sagot naman pabalik ni Rin.
“Tapos na si sila Ikle at Shila…” usal ni Augusthos habang pinagmamasdan si Katherine na gandang-gandang naka make-up, si Lian naman din ay natulala kay Johnczelle na hindi rin nag pakabog sa ganda.
“Wow….”
“Chix….”
“Kung may dalawang handa na sa inyo, pwede ng pumunta dito.” Malakas na salaysay nung mga nag aayos saamin upang marinig namin ito, hindi ko nga alam kung saan sila nag mula eh, at kung sino nag papunta sa kanila dito.
“Ako na.” –Peridot
“Ako din.” Sumabay si Kingsley kay Peridot patungo don. Sila Johnczelle at Katherine naman ay nag bihis na nang kanilang mga gown.
“We’re done!” anunsyo ni Andrea, kasabay rin niyang natapos sila Carlie at Jamir, means kailangan narin ng tatlo pang papalit.
Hindi naman masiyadong halata ang make-up nilang tatlo, parang naging gwapo pa sila lalo dahil sa hairstyle pero naging maganda din sila dahil mga naka lipstick. Bakla talaga, naka tuxedo pero may lipstick HAHAHA.
Sila Augusthos, Lian, at Bubble naman ang sumunod.
- - - -
Makalipas ang ilang mga oras ay natapos narin kami sa wakas.
Grabe, ibang-iba yung mga itsura nila ngayon.
‘They look expensive.’
Bagay na bagay sa kanila ang mga kasuotan nila ngayon, si Kenjan…iba din ang porma niya, bumagay ito sa blonde niyang buhok. Mukhang excited na excited na sila, samantalang ako, excited din naman pero hindi ako komportable dito sa suot ko. Ngayon lang kasi ako nag suot ng ganito. Dagdag pa tong wala akong suot na salamin, nakakailang.
“Mannn, Heaven ikaw ba talaga yan?” nagulat ako ng bigla akong akbayan ni Lian.
“Ang gwapo grabe, mas mabagay pala sayo ang walang salamin. Dat matagal ka nang nag contact lens” papuri pa ni Katherine.
“Ehem.” –Augusthos.
“Hindi mo ba talaga ako gusto, Heaven?” tanong ni Johnczelle habang manghang-manghang naka titig saakin.
“Shila….” –Lian.
“Tigilan niyo na si Heaven, oh yung mga laway niyo paki higop pabalik. Alam kong gwapo si Heaven, sobra lalo na ngayon. Pero tingnan niyo naman siya, pulang-pula na yung mukha, baka mamaya magbago pa isip niya at hindi na sumama.” Sabi ni Kenjan sabay ngiti saakin.
“Dami mo pang sinabi, pwede mo naman saabihin na nag seselos ka at gusto mo lang siyang akinin.” Bara sakaniya ni Rin.
Nagtawanan naman sila habang si Kenjan ay napanguso nalang.
“N-nasa labas na yung sasakyan…” untag ko upang maagaw ang mga atensyon nila. Dumating narin kasi yung dalawang limo na gagamitin namin patungong The Peninsula Hotel.
“Yon! Lets go na!!”
“Heaven, tabi tayo ah.” Bulong saakin ni Kenjan.
“Lagi naman eh, I mean lagi ka namang tumatabi saakin kahit tumanggi ako.” Bulong ko din pabalik. Napatawa naman siya ng bahagya.
- - - -
YOU ARE READING
Uno Class (Season 1)
Teen FictionUno Class is a bunch of students with incredibly talents, high IQ, bravery and etc. But there's somethings that they're lack of...TRUST 'Jasmine Jase Mendez' is their class president, they treated her as if she were family and friend, but what they...