(KABANATA 37)

15 0 0
                                    

J A S M I N E

/Sorry for grammatical errors and wrong typos./

Tatlong araw na ang nakalilipas mula ng pag rescue kay Jamir, naks. Tatlong araw narin ang nakararaan at wala parin kaming Mary Jane na nakikita dito. Tinanong na namin si Mrs. Flores about her pero ang sinagot lang niya ay….

“Nag paalam siya saakin na a-absent muna siya ng ilang mga araw, hindi ba siya nag sabi sa inyo?”

“Wala po eh. Pero bakit daw po ba? At asan ba siya?” tanong ni Bubble.

“Hindi ko pwedeng sabihin sa inyo kung nasaan siya, pero ang paalam niya mag papa-check daw siya at bibisitahin niya rin ang parents niya.”

“Eh?”

“Kung gusto niyo siyang puntahan at makita, kayo na ang bahala maghanap. Si Jamir nga nagawa niyong hanapin eh.” Aniya saka kinindatan kami.

Kaya ayon, hindi namin alam kung paano pupuntahan si Mary Jane dahil hindi rin naman niya sinabi kung saan siya nakatira, nakapatay din ang cellphone niya kaya hindi ma-track ni aven.

Kung kailan okay na ang Jamir-Case ito namang si Mary Jane ang wala. Ano bang trip nila?

“Gutom na ako….” Usal ni Augusthos.

Nandito lang kasi kami ngayon sa Lobby at nakatunganga, char. Syempre nang huhula kami kung saan ba maaaring pumaroon si Mary Jane, or kung paano kami makakahanap ng paraan para ma-trace siya.

“Tara sa café, gutom na rin ako eh.” Aya naman ni Bubble.

Dahil sa katamadan namin magluto ni Rin, tatlong araw narin kaming kumakain sa café. Ayos narin dahil may mga bago naman silang putahe, isa pa kapwa masasakit ang mga katawan namin.

Sabay-sabay kaming naglalakad habang papuntang cafeteria, likewise, lahat nanaman ng mga mata ay nasa saamin. Sana’y na kami diyan, pinanganak lang talaga siguro ata kami para maging topic ng chismisan nila eh.

But this day felt different.’

Their gaze were more intense, kung nakapaglalabas lang ng apoy ang mga mata ay kanina pa siguro kami tostado.

“Is there any problem??” napalingon ako kay Andrea sa pag aakalang ako ang tinatanong niya, si Heaven pala.

“Huh? Ahh w-wala naman….” Pabulong nitong sagot habang yukong-yuko ang ulo.

“Tumingin ka nang maayos sa dinadaanan mo, baka may mabangga ka.” Sita ni Shila.

Sinubukan naman niyang umangat nang yingin ngunit agad din siyang yumuko uli na parang may iniiwasang makita.

Nagpatuloy nalang kami sa paglalakad ng tahimik, naka salubong pa namin ang Dos class mabuti nalang at walang naganap. Pinanood lang namin sila Rin at Daisyree na mag landian. Uyy di ako bitter ah, padala ko pa sila sa dessert eh. Che.

Mga ilang minuto lang naman ang tinagal ng paglalandian nila at nag proceed na kami, mga ilang lakad nalang din naman eh. At nang papasok na sana kami…..

“Uy uy uy! Tingnan niyo kung sinong nandito! HAHAHAH si nerd!” natigilan kami sa pag pasok sa café at nilingon si Heaven na napag iwanan na pala namin, hindi lanv napansin.

Uno Class (Season 1)Where stories live. Discover now