(KABANATA 14)

22 1 0
                                    

J A S M I N E

"Hay... " Napa buga ako ng hangin matapos kong mag stretching ng katawan.

"Uy, Jasmine. Anong ginagawa mo dito? Okay na ba ang pakiramdam mo?" Gulat na tanong ni Mary Jane ng maabutan niya ako ngayon dito sa usual seat ko tuwing puma pasok.

Sa ngayon ay kaming dalawa pa lang ang naririto marahil ay napa aga kami ng pasok.

Nanatili siya sa tabi ko at naka tayo habang inaantay ang magiging sagot ko.

"Oo ayos na ako, ang galing mag alaga ni Kenjan eh" Nakangiti kong sagot.

"Teka, wala nga pa lang pasok ngayon. Anong ginagawa mo dito?" Kunot noong tanong niya. Bahagya namang nanlaki ang mga mata ko at napa awang ng bibig.

"W-walang pasok ngayon?" Nagugulumihanan kong tanong.

"Oo, sabado ngayon eh. Nakalimutan mo ba?"

"Oo nga pala! Haysss" Asik ko saka napatampal ng palad sa noo, napatawa naman siya ng mahina sa inusal ko. "Kung ganon, ano ding ginagawa mo dito?" Balik ko namang tanong sa kaniya.

"Hmm, nakalimutan ko dito kahapon tong ID ko. Ngayon ko lang kukunin" Sagot naman niya at pina kita pa saakin ang pinulot niyang ID mula sa sahig ng kaniyang kinauupuan.

"Ganon? Mabuti nalang pumunta ka dito at nasabihan ako, kung hindi baka abutin ako ng syam-syam kakahintay na mag klase dito" Sambit ko.

"Haha tara na nga, puntahan natin sila. Nasa lobby ang mga yun ngayon eh" Aya niya, sumunod naman din ako sa kaniya pababa ng lobby kung saan natagpuan ko silang walang kagana-ganang nanonood sa TV.

"Hi guys! Good morning" Masigla kong bati hindi pa man nakaka lapit ng tuluyan, sabay-sabay naman silang lumingon saakin at bumati na rin.

"Good morning, Jas. Kamusta?" Ani Lian.

"Ayos na ako"

"Ang bilis mo naman gumaling" Saad naman din ni Carlie

"Syempre ako nag alaga eh" Proud na sagot ni Kenjan sabay pogi pose pa.

"HAHAHA, buti hindi ka naman nag suka-suka Jasmine" Pang aasar ni Kingsley.

"Ahm, pinipigilan ko lang" Pag sabay ko sa kaniya, lumukot naman ang mukha ni Kenjan. "Teka, pansin ko lang. Parang wala naman kayong kagana-gana ngayong araw, nanonood lang kayo diyan. Baka gusto niyong mag mall?" Malapad ang ngiting aya ko sa kanila.

"Ay, bet ko yan!" Bakas ang pag ka-exite sa pag sang ayon ni Andrea, naki pag apir din sa kaniya si Jamir at Carlie.

"Bibihis lang ako" Saad naman din ni Lian habang pinag mamasdan ang kaniyang kasuotan (Na hindi naman na kailangan pang palitan)

"Kain tayong jollibee ah" Augusthos said.

"Sakto! May bagong labas Nike at Adidas ngayon" Natutuwang sabi ni Kingsley.

"Gusto ko manood ng sine... " Dagdag ni Shila.

"Ako din!" Pag sang ayon ni Ikle.

"Ako gusto ko mag pa-spa" Ani Mary Jane.

"Kailangan ko na din bumili ng bagong libro" Mahinang usal ni Heaven.

"Miss ko na mag mall" Untag ni Bubble.

Uno Class (Season 1)Where stories live. Discover now